KABANATA 17: WARNING

10 2 0
                                    

DANICA'S POV

Pagkatapos ko maghilamos ay lumabas na din ako ng banyo. Grabe yung mga yun, mga amazona ba sila?! Pasalamat na lamang ako dahil may extra shirt na dala si Sammy kung hindi pagtitiisan ko yung damit ko na may mantsa ng putik.

"Danica!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Oh, Atlas, bakit?" takang tanong ko sa kaniya.

"Gusto ko lang sana mag-apologize sa ginawa sa iyo noong ka-schoolmate ko," nag-aalalang wika niya sa akin.

Ngumiti naman ako sa kaniya sabay sabing, " ayos lang yun, parte yun ng laro. Walang personalan."

"Buti may extra shirt ka pa," wika niya.

"Oo, sa bestfriend ko ito," sagot ko naman.

"Kanino? Kay Waylen ba?" tanong niya sa akin.

Natawa naman ako, "hindi no. Kay Samantha," sagot ko. "Teka, paano mo nakilala si Waylen?" tanong ko.

"Pinakilala mo kaya kami sa isa't-isa," natatawang sagot niya. Napahawak naman ako sa noo dahil sa sinabi niya. Napaka-ulyanin ko na talaga.

"Pero kahit hindi mo naman kami ipakilala sa isat' isa ay okay lang dahil kilalang kilala ko siya."

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Paano?" tanong ko.

"We are rivals," sagot niya na lalong ikinakunot ng noo ko. Paanong rivals ba?

"Kasali ako sa sprint team ng school namin. I am the team captain and Waylen was your school's sprint team captain, right?" paliwanag niya. Nagulat naman ako sa sinabi nito. Kaya pala ganoon ang tensyon nila kanina. Tumango na lamang ako dahil wala naman akong masabing iba.

"It's funny nga kasi mare-renew ang rivalry namin here in the sports fest," natatawang komento niya pero hindi ko naman na-gets ang ibig niyang sabihin.

"Yung totoo? May alam ka ba sa news here in your school?" natatawang tanong niya sa akin.

"O-oo naman," sagot ko pero lalo lang siyang tumawa. Hindi ko alam pero tila isang musika sa tainga ko yung pagtawa ni Atlas.

Nang mapansin niya siguro na hindi ako natatawa ay huminto na ito sabay sabing, "I've heard he'll join the sprint competition later," pahayag niya.

"Ah oo, narinig ko din yan. Though akala ko is tsismis lang," komento ko.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko, "why? Hindi pa ba siya magaling?" tanong niya.

"He is still in his rehabilitation pero naniniwala naman akong kakayanin niya," nakangiting wika ko. "After all this is a friendly competition lang naman, so hindi niya need ma-pressure," dagdag ko pa.

Tumango naman ito dahil sa sinabi ko, "you have a huge smile while talking about him. Do you like him?" tanong niya sa akin.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya, "n-no," mabilis kong sagot pero nautal pa rin ako.

"Great," wika niya saka ginulo ang buhok ko.

Hindi ko naman maunawaan ang ibig sabihin niya sa salitang 'great' pero hindi na rin ako nagtanong. Inayos ko na lamang ang ginulo niyang buhok ko.

Napatingin naman siya sa relo niya, "hindi ka pa ba pupunta sa open field?" tanong niya sa akin.

"Bakit?" takang-tanong ko.

"Para suportahan ako," natatawang sagot naman niya.

"Ha?" naguguluhang tanong ko.

"Maybe you have to be checked sa infirmary. Nasubsob ka lang sa putikan, ang slow mo na," komento niya. "The next game will start in thirty minutes. Sprint ang next game kaya sa open field gaganapin," paliwanag naman niya.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now