KABANATA 31: MAY SALA

11 2 0
                                    

DANICA'S POV

"Danny gumising ka na diyan, male-late na tayo."

Antok na antok pa akong dumilat at bumangon mula sa kama ko. Tiningnan ko ang orasan sa side table ko at tama nga si Sammy, male-late na kami. Napahilamos ako sa mukha ko dahil sobrang inaantok pa talaga ako. Ano ba naman kasing matinong school ang may pasok right after ng fieldtrip.

"Inaantok pa ako. Pwede bang umabsent?" protesta ko saka humiga muli at nagtalukbong ng kumot.

"Hoy girl, bumangon ka na diyan!" asik niya saka hinila ang kumot ko. "Nakakahiya sa naghihintay sa iyo sa baba," dagdag niya pa.

"Sino naman?" tanong ko sa kaniya habang humihikab.

"Prince charming mo," nakangisi niyang sagot sa akin kaya kumunot ang noo ko. Pinagsasabi ng babaeng ito?!

"Pinagtitripan mo na naman ako," asik ko sa kaniya saka hinatak ang kumot ko.

"Kapag di ka pa bumangon diyan, si Waylen na ang uutusan kong gisingin ka," nakapamewang niyang pambabanta sa akin.

"Nandiyan si Waylen?" mabilis kong wika saka napaayos ng upo sa ibabaw ng kama ko.

"Yes kaya bilisan mo na diyan. Kanina ka pa niya hinihintay,: sagot niya.

Nang marinig ko iyon ay mabilis na akong tumakbo papunta sa banyo at ginawa ang morning rituals ko. Jusko, hindi naman kasi niya agad sinabi na nandiyan pala si Waylen. Pero teka, bakit parang ang excited ko makita siya? Ganito ba pag-inlove?

Takbo-lakad na ang ginawa naming tatlo upang makarating sa classroom namin dahil talagang late na kami. Pagdating namin sa classroom ay naabutan namin ang magulo at maingay naming mga kaklase. Wala si Mrs. Alvarez?

"Oh, class monitor, andiyan na pala kayo. Sabi pala ni Mrs. Alvarez, free time muna daw natin ito hanggang lunch," balita sa akin ng kaklase ko.

Nanlulumo naman akong pumasok sa classroom. Dapat pala hindi na talaga ako pumasok sa morning session eh. Pagdating ko sa upuan ko ay isinubsob ko lamang ang mukha ko sa armchair sapagkat inaantok talaga ako. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng may kumakalabit sa akin kaya nakasimangot kong iniangat ang ulo ko.

"Here, para mabuhayan ka naman," wika niya saka inabot sa akin ang iced coffee.

Kuminang naman ang mga mata ko dahil dun, "salamat, Waylen," wika ko saka kinuha yung iced coffee at ininom ito. Ngumiti naman ito sa akin saka hinawi ang buhok ko na nagtakip sa isa kong mata. Tila napatigil ako sa paghigop dahil sa ginawa niya. Naramdaman ko din na parang may kung ano na nagrarambulan sa tiyan ko.

"Ahem, ahem!"

Parehas kaming napaayos ng upo ni Waylen dahil sa narinig naming pag-ubo. Napatingin din kami sa pinagmulan ng boses at sumalubong sa akin ang nakangising si Liam at ang may nakakalokong ngiti sa labi na si Sammy.

"Pasensya na at na-istorbo ata namin ang pagmomoment niyong dalawa," sarkastikong turan ni Liam saka humatak ng upuan at umupo roon.

"Classroom po ito at hindi dating sites ha," pang-aasar naman sa amin ni Sammy.

"A-ano ba sinasabi niyo?" nauutal kong tanong. "Saka bakit ka ba nandito?" pabirong singhal ko kay Liam.

Umakto naman itong nasasaktan, "pa-tambay lang ako. Ang boring sa classroom namin. Puro flex ang pinsan mo," naiiritang kwento niya sa akin. Napa'oh' na lamang ako dahil sa sinabi niya. Well, that is the classic Candace I know.

"So, anong real score sa inyong dalawa?" Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa tanong ni Sammy. Wala man lang preno ang babaeng ito talaga.

"Special friends," tipid na sagot ni Waylen kaya naman napatingin kaming tatlo sa kaniya.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now