KABANATA 7: SAVIOR

8 2 0
                                    

DANICA'S POV

" Leave him alone!" sigaw sa akin ni Candace kasunod ang malakas niyang pagtulak na naging dahilan ng pagkawala ko sa balanse.

Napapikit na lamang ako at inihanda ang aking sarili sa sakit na mararamdaman ko pag bumagsak ako sa sahig at sa kahihiyan na mararanasan ko dahil sa nangyari. Ngunit, ilang segundo na ang lumipas ngunit hindi pa rin ako bumabagsak kaya naman napadilat ko. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Candace habang ang mga nanunuod ay biglang tumahimik. Saka ko lang naramdaman na nakasandal ako sa bisig ng sinuman. Agad kong inikot ang aking ulo upang makita kung sino ang nagligtas sa akin.

" Wa-Waylin," di makapaniwalang tawag ko sa pangalan niya.

" Ang bigat mo," Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto dahil sa mga salitang binulong niya sa akin o kilabutan dahil parang may kuryente akong naramdaman ng bumulong siya sa aking tainga.

" So-sorry," nauutal kong paghingi ng paumanhin saka umayos ng pagkakatayo.

" If mag-aaway kayo, huwag kayo sa hallway, nakakaistrobo kayo sa mga dumadaan," malamig na turan niya saka tiningnan si Candace sa mata. Pagkatapos ay tiningnan naman niya ako.

Napalunok naman ako dahil sa titig niya kaya umiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya. Pagkatapos ay narinig ko ang mga yabag na palayo sa akin kaya napalingon ako muli sa kaniya. Ngunit, tanging likod na lamang ng papaalis na si Waylin ang nakita ko.

" By the way class monitor, pinatatawag ka ng adviser natin sa office niya," turan niya ng di lumilingon sa akin pagkatapos niyang huminto sa paglalakad.

" Ha, ah, sige," sagot ko saka nagmamadali na ring naglakad papunta sa direksyon niya. Nilampasan ko lamang si Candace ng ganun-ganun lang saka tumakbo papunta sa opisina ng adviser namin. Malamang, may ipapagawa na naman ito sa akin. Tingin ko naman hindi tungkol kay Waylin ang iuutos niya dahil inutusan niya si Waylin.

" Good afternoon po," bati ko sa loob ng faculty pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses.

" Oh, Miss Concepcion, come in," usal ni Ma'am Alvarez pagkatapos niya akong mapansin mula sa pintuan.

" Pinapatawag niyo daw po ako?" tanong ko sa kaniya ng makalapit na ako sa lamesa niya.

Nagtataka naman akong tiningnan ni Ma'am Alvarez, " Ha? Sino ang nagsabi sa iyo niyan?"

" Si Waylin po," magalang kong sagot sa kaniya. Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi ni Ma'am sa pangalang binanggit ko.

" Oh, hindi ko kasi maalala na pinatawag kita. Ipapatawag na lang kita ulit kapag natandaan ko na," nakangiting wika niya sa akin.

" Ganun po ba? Sige po, Ma'am. Aalis na po ako," paalam ko sa kaniya ng nakangiti kahit na naiinis na ako sa loob-loob ko. Walanghong Waylin yun, pinagtripan na naman ako.

" All right, thank you." Turan ni Ma'am saka siya bumalik sa ginagawa niya kanina.

Tumayo naman ako saka nagpaalam na rin sa mga gurong nasa loob ng faculty. Pagkatapos ay nakasimangot kong binagtas ang daan papunta sa cafeteria. Bukod kasi sa gutom na ako ay naiinis ako dahil naisahan na naman ako ng Waylin na iyon.

" Oh, bakit ganiyan ang hitsura mo?" tanong sa akin ni Sammy pagkatapos kong pabagsak na umupo sa harap niya.

" Nagugutom na ako," turan ko sa kaniya saka kinuha ang kutsara at tinidor na nasa harap ko.

" Buti na lang at noong nagtext ka sa akin ay nakapila pa ako. Kung hindi, aba ikaw na lang pipila para bumili ng pagkain mo," mahabang paliwanag niya.

" Maraming salamat," turan ko sa kaniya saka sumubo ng kanin. Habang ngumunguya ako ay bumalik na naman sa ala-ala ko ang ginawa ni Waylin kanina sa akin. Ang walanghong yun!

Antebellum Series #3: I Run To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon