KABANATA 8: PAGKIKITA

9 2 0
                                    

DANICA'S POV

" Aalis ka na ba?" Napatingin ako sa kinaroroonan ng nagtanong sa akin.

" Yes, baka abutan ako ng traffic if mamaya pa ako umalis," sagot ko saka isinuot ang backpack ko at lumapit sa kinaroroonan ni Sammy.

" I will miss you, Danny." parang batang turan niya saka yumakap sa akin.

" I will miss you too. See you on Monday." Turan ko saka niyakap siya pabalik.

" Will you spend your weekend there?" hindi siguradong tanong niya sa akin.

" Yes. Tutulungan ko lang si papa sa maliit niyang restaurant para naman kahit papaano ay makapagpahinga siya," turan ko. Tumango-tango naman na si Sammy.

" Oh paano. Mauuna na ako sa iyo para di ko makasalubong ang traffic," paalam ko sa kaniya saka kumaway.

Kumaway naman si Sammy pabalik kaya naman naging signal ko na yun para lumabas na ng condo namin. Sabado ngayon kaya napagdesisyunan kong bisitahin ang papa ko sa Cavite. Matagal na din kasi kaming hindi nagkikita.

Halos tatlong oras din akong bumiyahe bago makarating sa bahay namin. At gaya nga ng inaasahan ko, napakagulo sa bahay. Mag-isa na lamang naninirahan dito si papa sapagkat maaga din akong nangulila sa ina at wala din akong kapatid. Nilapag ko na lamang ang mga gamit ko sa upuan saka nag-umpisang linisan ang buong bahay habang sinasalang ko sa washing machine ang mga labahan na nakatambak na sa basket. Marahil sa sobrang busy ni papa ay di na siya nakakapaglaba pa, saka alam ko na hirap na siya kumilos dahil sa disability niya.

Pagkatapos ko maglinis, maghugas at maglaba ay dumiretso na ako sa mini resto namin, malapit lang din dito sa bahay. Pagpasok ko ay naamoy ko na agad ang especialty ni papa na bicol express. Natutuwa din ako sapagkat maraming tao ngayon sa resto.

" Ma'am Danica, andito po pala kayo," pagbati sa akin ni Manang Esther ng makita niya ako sa pintuan.

" Hello po manang. Matagal din po tayong hindi nagkita," nakangiting bati ko sa kaniya.

" Alam ba ni papa mo na nandito ka?" tanong niya sa akin.

Umiling naman ako sabay sabing, " surprise po kaya secret po muna ah,"

Nakangiting tumango naman sa akin si manang. Nagpaalam na ako sa kaniya saka lumapit sa bakanteng mesa na nakakalat pa ang pinagkainan ng umalis na customer. Itinali ko lamang ang buhok ko saka inumpisahang linisin ito. Pagkatapos kong linisin ito ay sinunod ko na yung ibang bakanteng mesa para maging mabilis ang palitan ng mga customers.

" Ma'am, ang mga empleyado ko na po ang gagawa niyan," Napangiti ako ng marinig ang boses ng aking ama. Mukhang hindi niya ako nakilala dahil nakatalikod ako sa kaniya.

" Ayos lang po, masaya naman ako sa ginagawa ko," Masayang turan ko na hindi humaharap sa kaniya. Ilang minuto din atang natahimik si papa bago siya magsalita muli.

" Da-Danica?"

Humarap na ako kay papa ng marinig ko ang pagcrack ng boses niya. Malawak na ngiti na umaabot sa mata ang iginawad ko sa kaniya. Mahigpit na yakap naman ang natanggap ko mula sa kaniya.

" Pa, hi-hindi na po ako makahinga," pagsaway ko sa kaniya sapagkat kakalas na ata ang buto ko sa higpit ng yakap niya sa akin.

" Sorry anak, namiss lamang kita," paghingi ng paumanhin ng aking ama pagkatapos niya akong bitawan.

" Namiss ko din po kayo. Pasensya na po at di ako agad nakabisita, marami po kasi akong ginagawa sa school," paliwanag ko sa kaniya. Ayaw ko naman kasi na malaman niya pa na rumaraket ako upang may ipangtustos ako sa gastos ko sa private school.

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now