KABANATA 12: NAKARAAN

10 2 0
                                    

DANICA'S POV

" Anong tinitingnan mo diyan?" Mabilis kong ibinaba ang hawak kong libro ng marinig ko ang boses ni Waylin.

" Ah, wala. Nahulog kasi, pinulot ko lang." palusot ko saka siya hinarap.

Napalunok naman ako ng dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya naman umatras ako ng umatras ngunit nakapa ko na ang dulo ng cabinet. Ayan kasi Danica napaka-pakialamera mo

" Wa-Waylin, a-anong ga-gagawin m-mo?" Nauutal kong tanong sa kaniya ngunit ngumiti lamang ito sa akin at saka mas nilapit ang kaniyang sarili.

Wala sa sariling napapikit ako ngunit paglipas ng ilang segundo ay dumilat na ako sapagkat naramdaman ko ang paglayo ng presensiya ni Waylen sa akin. Pagdilat ko ay nakita ko siyang umupo sa kaniyang kama at pinagmasdan ang mga pictures na nahulog kanina kasabay ng libro.

"W-wala akong nakita," nauutal kong pagdepensa sa sarili ko.

"Wala naman akong sinabing may nakita ka. Masyado ka namang defensive," komento niya at tumingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin dahil doon. Hindi ko alam if dahil sa kaba kaya feeling ko uminit ang temperatura sa kwarto ni Waylen.

"Aba malay ko kung malisyoso ka at iba na ang naiisip mo! Wala naman kasi talaga akong makita," sagot ko sa kaniya. Mukha talaga akong defensive pero aba hindi ako papatalo no.

"P-pupuntahan ko na nga lang si Candy," wika ko saka nagmamadaling nagtungo sa pinto.

"Alin sa mga pictures ang nakita mo?" Napahinto ako ng muling magsalita si Waylen. Gosh, ano sasabihin ko?

"L-lahat maliban dun sa picture na nakaipit sa last page," pag-amin ko. Wala naman na akong magagawa kung hindi umamin sa kaniya.

"So, nakita mo na pala yung mukha ni mama?" tanong niya kaya naman napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakaupo pa rin sa kama niya.

"Oo, ang ganda pala ng mama mo," komento ko. Nakita ko kasi yung kanina. May pagka-Mestiza ito.

"Well, minana ko naman yun," proud na sagot niya saka natawa. Aba, nagbubuhat ito ng sariling bangko ah.

"Pero ---" Napahinto ako bago ko pa masabi ang gusto kong sabihin. Nagdalawang isip na ako dahil masyado ko namang hinahalungkat ang personal niyang buhay kong itatanong ko iyon.

"Pero ano?" tanong niya sa akin.

"Wala," sagot ko sa kanya saka kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang sariling magtanong pa.

"Sinimulan na sabihin, tapusin mo na," kibit-balikat niyang sagot sa akin.

Lumunok muna ako bago sumagot, "pero hindi kamukha ni Candy ang mama mo. Sa papa mo ba siya nagmana?" tanong ko saka umiwas ng tingin sa kanya.

"Actually..." Napatingin ako ng nagsimula siyang magsalita. Sasagutin niya ba iyon?

"Half-sister ko lang si Candy," pag-amin niya saka itinuro ang bakanteng upuan sa study table niya. Tahimik naman akong umupo roon at hinintay na muli siyang magsalita.

"Anak siya ni papa sa ibang babae. Noong namatay si mama, doon ko na kilala si Candy. Tanggap ko naman siya kasi wala naman siyang kasalanan sa nangyari. Ang hindi ko matanggap ay noong pinakasalan ni papa ang mama ni Candy," pagkukwento niya. Napasinghap naman ako sa nalaman ko. Dahil kaya rito kaya ganoon siya umakto sa school?

"Mukha kang nababanyo diyan. Huwag mo na pigilan ang sarili mo. Itanong mo na yan habang nasa mood ako magkwento," pagsusuplado neto sa akin. Kaya naman Napaikot ako ng mata.

"Kaya ba ganyan ka umakto sa school dahil sa nangyari?" tanong ko sa kaniya. Nagulat naman ako ng bigla itong tumawa.

"Kind of. Pero hindi entirely iyon ang dahilan. Siguro frustrated lang ako dahil sa injury ko," sagot niya saka tiningnan ang binti niya kaya naman napatingin rin ako roon.

Antebellum Series #3: I Run To YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt