KABANATA 27: SORRY

10 2 0
                                    

DANICA'S POV

"Ohh, bakit parang ang dami mo namang dala. Isang araw lang tayo sa fieldtrip," saway ko kay Sammy.

Paano ba naman kasi ang bumungad sakin paglabas ko sa kwarto ko ay isang backpack at isang mini suitcase. Inirapan naman niya ako

"Grabe ka sakin, Danny ha. Foods ang laman ng mini suitcase ko para hindi tayo magutom sa byahe," nakangusong paliwanag niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay sabay sabing, "kahit dalawa pa tayong kakain niyan, for sure hindi natin yan mauubos."

"Sino naman nagsabi sa iyo na para lang sa ating dalawa yan?" pabalin na tanong niya sa akin.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, "what do you mean?" tanong ko.

"Ah wala..." kinakabahang sagot niya saka tumingin sa orasan, "oy pasado alas sais na pala. Kailangan na nating umalis," sagot niya saka kinuha ang bag niya at binitbit ang suitcase.

Nagkibit-balikat na lamang ako saka kinuha yung backpack ko. Nauna na akong lumabas ng condo upang pagbuksan ng pinto si Sammy. Paglabas namin ay kinuha na ng driver yung suitcase ni Sammy at inilagay ito sa compartment. Kaya naman dumiretso na kami ni Sammy sa loob ng kotse. Maya-maya ay nagmaneho na din ang driver papunta sa school.

Makalipas ang halos labing-limang minuto ay nakarating na din kami sa school. Pagbaba namin ay agad kaming sinalubong ni Liam kasama si Waylen.

"Bakit ang tagal niyo?" tanong sa amin ni Liam.

"Excited ka naman masyado, sakto lang naman ang dating namin sa call time," sagot naman ni Sammy.

Nanatili akong tahimik at pinagmasdan lamang ang pagbabangayan nilang dalawa. Ngayon ko lang napansin, mukhang may chemistry naman sila.

"Ma'am Samantha, aalis na po ako. San ko po ibababa yung gamit ninyo?" magalang na sabat ng driver. Doon ko lang din naalala ang tungkol sa suitcase ni Samantha.

"Ay manong, pasensya na po. Ako na lang po ang kukuha," sagot ko sa driver saka nagmamadaling pumunta sa likod ng kotse at kinuha ang maleta ni Samantha.

"Mag-aabroad ka ba?" natatawang tanong ni Liam kay Samantha ng makita niya ang maleta.

"Che! Para sa ating apat yan, no. Malakas ka pa namang kumain," pang-aasar naman ni Samantha. Kaya sinamaan siya ng tingin ni Liam. Ayun, pikon naman pala.

Lihim akong napatawa dahil sa pagkapikon ni Liam nang maramdaman ko ang malamig na pares ng mat ana nakatingin sa akin. Nilingon ko naman ito ngunit agad din siyang nag-iwas sa akin ng tingin kaya naman ibinalik ko na lamang ang focus ko kay Liam at Sammy bago pa umabot sa kung saan ang pag-aasaran nila. Bahala siya sa buhay niya. Kung di niya ako kausapin, edi don't.

***

Malapit na mag alas-siyete kaya naman pinaakyat na kami ng mga guro namin sa aming kanya-kanyang bus kaya akmang kukunin ko na sana yung maleta ni Sammy ng maunahan ako ni Liam.

"Ako na bahala dito, Monica. Para saan pa itong muscle ko kung pagbubuhatin ko ang magandang dilag na gaya mo," wika ni Liam saka flinex ang muscle niya. Kumindat pa ito sa akin kaya naman natawa ako.

"Psh..." naiinis na wika ni Waylen saka nauna ng maglakad sa amin. Problema nun?

"Selos agad," bulong ni Liam pero narinig ko naman iyon ngunit hindi klaro.

"Ano sabi mo Liam?" tanong ko upang kumpirmahin kung tama ba ang pagkakarinig ko.

"Ah wala naman hehe..." medyo awkward niyang tugon sa akin, " bilisan mo na pumunta sa bus Danny, iniwan na tayo nung dalawa," pag-iiba niya sa usapan.

Antebellum Series #3: I Run To YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt