KABANATA 2: HE CHANGE

13 4 0
                                    

WAYLEN'S POV

" Tsk, they look so weak!"

Inis kong kinuha ang sigarilyo sa bulsa ko pati na rin ang lighter. Agad ko itong sinindihan at inis na binalik ang mga mata ko sa mga nagte-training sa field ngayon. Andito kasi ako sa track field ng school namin. And, yes, nagsisigarilyo ako sa loob ng school namin.

" What is your problem?"

Galit kong nilingon ang kung sinumang marahas na humatak ng sigarilyo na nasa bibig ko. Pero agad din akong natigilan ng makita siya.

" This is a school ground, Mr. Alvarez." Saway niya sa akin.

" So?" matapobre kong tanong sa kaniya at ngumisi.

Huminga naman siya ng malalim, " Wear your school uniform properly. You also know that smoking is not allowed in school promises. What are you thinking?"

" Ano bang pakialam mo?" sarkastiko kong tanong sa kaniya.

" Watch your mouth Mr. Alvarez, we are in school." Pagbabanta niya sa akin. Akala naman niya ay matatakot ako sa mga sinasabi niya.

" Just leave me alone," asik ko sa kaniya saka dinampot ang sigarilyong itinapon niya sa damuhan.

Malamig ko siyang tiningnan at saka umalis. Nakakainis talaga ang taong iyon. Napaka-pakialamero. Tsk! Napagdesisyunan kong pumunta na lamang sa likuran ng paaralan sa may tambakan ng mga lumang upuan upang magsigarilyo. For sure, hindi na niya ako susundan rito.

" Oh, look who's here. The fallen angel, Waylen Kiel Alvarez," mapanuyang turan ng kararating lang. Napangisi naman ako. Sakto ang dating nila sapagkat inis na inis pa rin ako. Pwede kong ibuntong sa kanilang ang galit ko.

" Boss, iba ka talaga. Akalain mong sikat ang bibisita sa teritoryo mo," pahayag nung isa pang lalaki.

" Ano ang maipaglilingkod namin sa iyo, kamahalan?" mapang-asar na turan nung lalaki sa akin.

" Ang dami mong sinasabi ang baho naman ng bunganga mo," pang-aasar ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pamumula niya.

" Magbabayad ka sa pang-iinsulto mo sa akin," turan niya.

Sinenyasan naman niya ang iba niyang kasama kaya pinalibutan ako ng mga ito. Tsk, akala naman niya masisindak niya ako porket lima sila. Sanay na ako makipagsuntukan kaya hindi nila ako basta-bastang matatakot. Susugod na sana ang mga lalaki ng may marinig kaming malakas na pito palapit sa amin. Agad namang nagsipulasan ang mga lalaki na akala mo naman ay ikukulong pag nahuli sila. Mga duwag!

" Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa dumating saka umupo sa bakanteng upuan.

" Tsk, hindi ka ba magpapasalamat sa ginawa ko?" tanong niya pabalik sa akin at nilapitan ako.

" Psh, kaya ko sila, dumating ka lang," turan ko naman sa kaniya at bahagya siyang sinuntok sa balikat.

" Bakit ba kasi ang init na naman ng ulo mo?" tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko.

" Huwag mo na alamin at baka lalo pang uminit ang ulo ko. Bakit ka ba nandito?" tanong ko sa kaniya at kumuha ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito.

" Tsk, itigil mo nga yan. Hindi yan makakabuti sa paggaling mo," inis nitong turan saka hinablot ang sigarilyo. Inapakan niya muna ito saka sinipa palayo.

" Lance!" Inis kong tawag sa pangalan niya pero seryoso niya lang ako tiningnan.

" Ano bang iniisip mo ha, Waylen? Ayaw mo na ba bumalik sa pagtakbo kaya mo sinisira ang kalusugan mo?" asik na tanong niya sa akin.

Napabuga naman ako ng hangin, " para saan pa? Andoon ka naman ng sinabi ng doctor na mahirap na makabalik pa ako ulit sa pagtakbo,"

" Mahirap pero hindi imposible, Waylen," sambit niya saka tinapik ang balikat ko.

" Hindi ko kayang maghintay ng isang taon para sa full recovery ko Lance. Alam mo na ito lang ang paraan para makapasok ako sa magagandang university pag-graduate natin," Sambit ko sa kaniya saka seryoso din siyang tiningnan.

" Exactly kaya dapat imbes na sinasayang mo ang mga araw ay uma-attend ka na sa rehabilitation para mapabilis ang paggaling mo," wika niya sa akin. Tumayo naman ako dahil naiinis na ako sa kaniya. Baka makalimutan kong bestfriend ko siya at sa kaniya ko pa mai-buntong ang inis ko mula pa kaninang umaga.

" Tsk, madaling sabihin sa iyo yan kasi wala ka sa sitwasyon ko. Pabayaan mo na lang ako," Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko kaya agad na rin akong tumalikod at naglakad palayo sapagkat baka kung ano ang magawa ko sa kaniya.

Naglalakad ako papunta sa building ng mga seniors kung nasaan ang classroom namin ng marinig ko ang unang bell ng araw na ito. Hudyat na magsisimula na ang klase makalipas ang labinlimang minuto kaya naman napagdesisyunan ko na pumunta na lang sa classroom.

" Ahm, Waylen,"

Napahinto ako sa paglalakad ng may humarang sa akin na babae. Maganda siya at may hawak pa siyang cake.

" What?" Malamig kong turan sa kaniya. Nakita ko naman na kinabahan siya sa tanong ko.

" Pa-para sa-sayo," nauutal niyang turan sa akin saka inabot ang cake na hawak niya. Tsk, how pathetic.

Hinawakan ko naman ang dulo ng cake kaya napangiti siya at tumingin sa mga kaibigan niya na chinecheer siya sa gilid. Pagharap niya ay saktong paglapat ng cake sa mukha niya sapagkat itinaob ko ito papunta sa mukha niya. Napasinghap ang lahat dahil sa ginawa ko at nag-umpisang magbulungan. Ang babae naman ay biglang umiyak kaya nilapitan siya ng mga kaibigan niya pero tumakbo ito palayo.

" What the---" Inis kong asik sapagkat tinapunan ako nung kaibigan ng babae ng tubig sa mukha.

" Ayan yung nararapat sa iyo. Ang sama ng ugali mo. Deserve mo yang nararanasan mo ngayon," nauuyam niyang turan sa akin

" What did you say?" Galit kong tanong sa kaniya. Nakita ko naman ang panginginig niya dahil sa pagtaas ng boses ko. Nakita ko rin ang bahagyang pagkagulat ng ibang mga estudyante na nasa hallway.

" Tsk, tabi diyan," naiinis kong turan sa kaniya saka siya nilagpasan.

Ikinuyom ko ang kamay ko sa galit. Sino ba siya para sabihan ako ng ganun? Hindi niya alam pinagdadaanan ko! Imbes na dumiretso sa classroom ay sa rooftop ako pumunta sapagkat inis na inis talaga ako ngayon. Pagdating ko doon ay pabagsak kong isinara ang pinto at piangsisipa ang mga sirang upuan roon. Hindi pa ako nakuntento at inihagis ko ito.

Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na rin ako. Napagdesisyunan kong umupo muna sapagkat nararamdaman ko ang pananakit ng mga binti ko. Argh! Sa dami-dami ng pwedeng magkaganito, bakit ako pa?!

ITUTULOY!

AUTHOR'S NOTE:

Feel free to comment and vote guysue. Sending blue hearts to everyone!

Antebellum Series #3: I Run To YouWhere stories live. Discover now