Pahina 4

55.9K 1.5K 295
                                    

Klaire's POV

It's been a week since sobrang naramdaman ko na ang panlalamig nya sakin. Yung kaba at takot na unti-unting bumabalot sa puso ko sa bawat araw na nagdaraan. Sinasabihan na nga ako ng mga kaibigan kong tama na ang katangahan ko pero heto ako at umaasang maayos pa rin namin ang lahat. Hindi ko sya kayang bitawan ng ganun na lang, hindi ko kayang itapon yung limang taon naming pagsasama.

Iniisip ko pa lang ang mga sakripisyo namin para marating kung ano kami ngayon ay syang dumudurog sa puso ko sa gabi. Naluluha akong isipin na itatapon lang namin yun, no, itatapon nya lang yun? Ganoon kadali?

Hindi ko kasi alam kung bakit sya nagkakaganyan? Bakit bigla nya kong iniiwasan at halos hindi ko na sya maramdaman. Boyfriend ko pa din naman sya diba? Phase lang ng relationship ito, kaya dapat hindi ko sya sukuan.

Kahit isa man lang sa amin ay manatiling lumalaban para sa amin.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng makita kong may nagbukas ng pintuan ng practice room nila at nanginginig ako sa sobrang sama ng loob sa nakita ko, masaya silang dalawa, silang dalawa ni Ashley habang naghahampasan at tila isang magkasintahan na naglalambingan sa hallway ng paaralan. Nahinto naman sila, nung makita ako ni Dwayne.

"Klaire, anong ginagawa mo dito?" tanong nya sakin

"I am just thinking if ihahatid mo ko ngayon, gusto ka kasing makasabay mag dinner ng mga kapatid ko tonight" sabi ko sa kanya.

"Wait! Klaire, are you okay? You look pale" biglang singit ni Ashley. I tried to smile dahil by her look ay mukha naman talaga syang concern sakin pero di ko alam bakit ang bigat ng pakiramdam ko sa kanya.

Selos lang ba ang lahat ng ito?

"Hindi, okay lang ako. Napagod lang siguro ako dahil may mga tinapos ang student council for next month's activities." sagot ko.

"You sure?" tanong sakin ni Dwayne.

Nagtataka ako kung bakit di sya lumalapit sakin, usually pag mukha akong may sakit ay natataranta yan at kulang na lang ay ipaospital ako.

Is it because I said I'm okay or he doesn't really care anymore?

Siguro dahil sinabi kong okay na ko. Ayoko syang pag-isipan ng masama. Napaka negatibo kong mag-isip.

"Yeah, sure ako pero gutom na ko babe so tara na?" sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya for him to take it.

Please just freaking take my hand.

He just stared at it for a couple of seconds.

At segundo lang ang kailangan para durugin nito ang puso ko.

Nag aalangan sya kung kukunin nya ba o hindi at alam nyo anong mas masaklap pa sa sitwasyon? Yun ay tumingin pa sya kay Ashley, as if he's asking for permission.

"Babe? Tara na?" I called him again dahil nangangawit na ang kamay ko at habang tumatagal ay nahihiya ako sa ginagawa ko. "Dwayne"

"Sorry Klaire" panimula nito sakin.

"Klaire? Hindi naman ganyan ang tawag mo sakin ha?" sabi ko dahil sa aming dalawa, sya ang mas malambing.

"B-babe, sorry pero di kita mahahatid at makakasama sa dinner nyo, say sorry for me, pwede ba yun? Bawi na lang ako" sabi nito habang kinakamot ang likod ng tenga nya.

"Bakit naman? Ngayon lang sila nagsiuwi ng pinas ng sabay-sabay, pati si Ate Karen nandoon with her family" I told him.

"Di nga ako pwede"

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now