Pahina 20

51.3K 1.3K 36
                                    

Klaire's POV.

"Please naman bes! Wag kang malikot! Hindi tayo matatapos dito" sabi ni Valerin habang mini make up-an ako.

"Hays, alam mo namang kinakabahan ako diba?" napa aray ako dahil sa paghila ni Haria ng buhok ko. "Haria! Ano ba?! Masakit" pagrereklamo ko kay Haria, sya kasi ang nag aayos ng buhok ko.

"Hinihigpitan ko para mas magandang tingnan. Ayan na! Ang ganda diba?" sabi nito sakin.

Tumingin ako sa salamin. Hala. Oo nga ang ganda ko lalo sa ipit ko, Naka pusod ito at may dalawang strand na naka ladlad sa dalawang gilid ng mukha ko na nakakulot.

Kitang kita ang pagka curtain bangs ng buhok ko.

"Ayan! Tapos na din ako sa wakas" sabi ni Valerin.

Napangiti ako sa outcome. Ang simple lang ng make up ko pero lumutang ang magagandang facial features ko like my eyes and nose.

Tumingin ako sa kanilang dalawa. Naiiyak ako dahil ang swerte ko sa kanila, sa lahat ng kaibigan ko.

"Oops! Wag kang iiyak! Masasayang ang masterpiece ko" sabi ni Valerin.

"Kasi naman! Ang saya saya ko kasi nandito kayo" sabi ko bago sabay na yumakap sa kanilang dalawa.

"Ano ka ba? Wag ka ngang madrama, baka nakakatawa na yung itsura natin sa video" sabi ni Haria bago itinuro ang camera na nasa bride's room ko, para yun sa video coverage ng kasal namin.

"Thank you talaga Val, Ikaw nag make up sakin. Si Haria naman ang sa buhok ko, si Aira naman ang gumawa ng gown ko. Si Love sa cake ko, si Tessa ang nag asikaso para sa video coverage nitong kasal ko, si Cherry naman ang maid of honor at nag ayos ng reception ko, si Dianne naman ang kumausap sa simbahan, at si Meca at Jane ang wedding planner namin. Grabe I am so blessed to have you guys" tumayo na ko para yakapin ulit sila

"Oo na, oo na. Mamaya na tayo mag-iyakan" Valerin.

"Sige na bes! Go in and wear your wedding gown" sabi ni Haria bago marahan akong itulak papasok ng dressing room kung nasaan ang bridal's gown ko.

Pagpasok ko ay nandoon na yung gown, and that gown is really special for me, dahil bukod sa ang ganda na nito, it describes daw my personality sabi ng bestfriend kong gumawa nito.

Innocence and Elegance.

Lumapit na ako dito. Noong una ay sumunod pa ang camera man para i capture ang moment na ito pero maya-maya ay lumabas na ito, someone helped me to wear my gown.

Ano nga bang itsura ng gown ko?

Well, it is quite very long. Long sleeves sya pero see through naman ang sleeves, backless ang nasa likod. may mga swarovski crystal ito at iba pang mamahaling gem na naka attached sa gown ko. Perfectly fitted sya sa katawan ko kaya ang sexy ko na naman dito. Ipinares ito sa white stiletto.

Pumunta muna ako sa balcony ng bahay namin. I looked at the sky. Maganda ang panahon ngayon, nakiki ayon sa amin.

If only this is the wedding between two people who truly loves each other, all is perfect.

Napalingon ako sa pinto ng makarinig ako ng katok. I ordered to come in kung sinomang kumakatok. Unang pumasok ang camera man, at dito sumunod ang family ko.

Napasinghap pa nga si mama ng makita ako.

"Gosh! Ngayon ko lang talaga narealize na dalagang-dalaga ka na anak. You're so beautiful" sabi ni mama bago yumakap sakin.

"You're just like your mom. Mas maganda lang ng konti nung kinasal kami. My princess you're really getting married" sabi ni papa na nangingiyak na ngayon.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon