Pahina 40

53.3K 1.1K 33
                                    

Dwayne's POV.

"Hon!" tawag ko kay Klaire dahil nasa itaas pa din ito at busy sa pag-aayos. Male late na naman kami. Although hindi na madalas ang paglipad namin dahil tini train na kami on how to run the airlines and our other businesses ay ayoko talagang nali late.

7 AM dapat ay nasa kumpanya pa kami pero for whatever reason ay mukhang late na naman kami.

It's already 7:25 in the morning. 
25 minutes na kaming late at hindi pa rin kami bumibiyahe.

2 months quickly passed after our mini honeymoon and we are living completely normal like any other wife and husband. We sleep, we cuddle, and we make love. 

"Why are you in such a rush?!" sabi nya habang pababa at hawak ang itim nyang stiletto. "Nagmamadali ka eh ang sama ng pakiramdam ko"

"I'm sorry hon" I told her and held her face. "If  you're not feeling well, wag ka na muna kayang pumasok? Magpahinga ka na muna dito or better yet ay ihatid na kita sa clinic?" nag aalala na rin ako dahil ilang linggo na rin syang ganyan. She look pale, madalas lagnatin, at nahihilo. 

I don't know what to do with her dahil ayaw nya namang samahan ko syang magpa-ospital.

"Wag na hon. Migraine lang ito, iinom ko na lang ito ng gamot mamaya and tara na dahil sobrang late na tayo dahil sa akin" yaya nya sakin ng masuot nya na ang heels nya tapos ay nagdiretso na ito papunta sa kotse namin.

I drove and in less than an hour ay nakarating na kami sa opisina.

"Good morning ma'am and sir" bati sa amin ni Mang George.

"Good Morning po, Mang George" sabay na bati naming mag-asawa dito.

Klaire's POV.

"I'll just see you at lunch, okay hon?" tanong sakin ni Dwayne.

"Yes, marami rin akong kailangang asikasuhin and i-review" sabi ko before I gave him a peck on the lips.

Hindi naman iisa ang office namin. Magkatabi lang din naman pero sa dami ng trabaho talagang pag break, lunch, or uwian na kami nagkikita. Madalas pa na may kanya-kanya kaming meeting at commitments.

Pagpasok ko ay naramdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko kaya dali-dali akong tumakbo para buksan ang drawer ko at kunin ang gamot ko. I grabbed a bottled water from my mini ref, and drank it immediately.

I can still feel the pain, but mga ilang sandali lang ay unti-unti na yung nawala. Maybe I should go visit Xamy and ask about my condition.

Nung naramdaman ko ng okay na okay na ako ay nagsimula na kong magtrabaho pero mga ilang oras pa lang ang nakakaraan ay nakaramdam ako ng hilo kaya itinigil ko muna ang ginagawa ko.

Parang nauuhaw ako pero hindi tubig ang gusto ko, parang gusto ko ng avocado shake, so I went down to our cafeteria. Umorder ako ng isang avocado shake at nag decide akong doon na inumin iyon.

Naupo ako sa pang dalawahang table. May mga ilang empleyado ang bumabati sakin.

"Ma'am, okay lang po bang makishare ako dito?" tanong sakin ni Caith, sekretarya namin ito ni Dwayne, it's like ngayon pa lang sya maga-almusal.

"Sure, Caith!" sabi ko bago ngumiti.

"Thank you ma'am" she sat down. "Ayy ma'am narinig ko kay Sir Dwayne na favorite nyo daw po itong champorado kaya inorder ko na din kayo" masaya nyang sabi habang dahan-dahan na inilapag yung champorado sa harapan ko.

"Thank you, Caith" nung mailapag nya na iyon ay parang nanghilakbot ako sa itsura nito, parang parang ewan at ang weird nito sa pang amoy ko.

Parang bumabaliktad ang sikmura ko. Hindi ko na kaya ang itsura at amoy nun kaya tumayo na ko at nagpaalam na may importante akong gagawin.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now