Pahina 8

52.1K 1.5K 153
                                    

Dwayne's POV.

Nakasunod ako sa kanya habang naglalakad sya. Ino-obserbahan ko sya, pumayat at kita nga ang stress sa kanya.

Klaire, why would you let yourself suffer for a douche bag like me?

Papunta sya sa favorite spot namin, ang Walshein Garden. She is s fan of nature. Inlove na inlove sya sa mga puno at mga bundok. Nakita kong napangiti sya ng marating namin ang garden, siguro ay ngayon lang din sya bumalik dito, kahit ako. Marami kasi kaming memories ditong dalawa, lagi kaming nandito kung vacant or need mag review.

Di ko napigilang mapangiti dahil sa mga ngiti nya, it almost looked like her real smile, kung hindi ko lang alam kung amo talagang nararamdaman nya ay mapapaniwala nya ko.

Nagulat ako nung i-offer nya yung isang kamay nya sakin. Napangiti ako at kahit nag aalangan man ay kinuha ko yun.

Paborito nya kasi ito, yung maglalakad sa manipis na semento na kung saan kailangan nyang magbalanse para makadaan dahil ang babagsakan nya sa kanan nya ay mababaw na tubigan na puno ng lily pads, para hindi sya bumagsak ay nagpapahawak sya sakin to sustain her balance. Nakita kong masaya syang naglalakad na parang bata, ganoon naman talaga si Klaire, she can be easily amazed and happy sa mga maliliit na bagay.

Nang makarating na sa dulo ay tumalon sya pababa kaya nabitawan nya ang kamay ko. May bumalot na kaba sa puso ko dahil sa pagbitaw ng kamay namin na para bang senyales na rin iyon ng pagbitaw nya.

"Salamat" bumaling sya sakin at ngumiti. "Pasensya ka na dahil pinilit pa kitang makausap kahit alam kong busy kayo ni Ashley" she added.

Yumuko ito at pinaglaruan ang sneakers nya. Para talagang bata!

"No, it's okay"

"You might be wondering why nagpa-alalay ako sayo kanina" she chuckled. "I wanted to do things that I will miss for the final time, baka mabawasan ang lungkot ko at regret"

Napatingin ako sa kanya, natakot ako na baka may masama na pala syang kalagayan dahil sakin, na baka lumala na ang sakit nya sa puso.

"Did I get you sick? Magsabi ka naman ng totoo Klaire"

"I am not sick Dwayne" tumingin sya sakin. "I will just probably miss the things we used to do, nung tayo pa, dahil lahat ng yun, magiging ala-ala na lang"

Hindi ako nakasagot. I don't know what to feel, ayos ba dahil wala syang sakit o malulungkot dahil tunog, pinapalaya nya na ko?

"Alam mo kahit inagaw ka sakin ni Ashley, hindi ko gustong magalit sa kanya ng husto dahil alam kong nagmahal lang din sya" she bit her lip. "Pero bakit ganoon? Kahit yun ang sinasabi ko, kahit na paulit ulit na sinasabi ko sa utak ko iyon, kahit pa sabi nila may dahilan bakit nangyari satin to, hindi ko maiwasang di masaktan. Masakit pa din, ang sakit sakit" narinig ko ang paghikbi nya at ang pagpatak ng luha nya sa sneakers nya.

Hahawakan ko sana sya ng lumayo sya sakin. Stepping away from me.

"Wag na, dahil kahit na anong comfort mo sakin, hindi na nun mababago yung sakit na binigay mo" sabi nya sakin.

Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi nya.
Hindi ko alam kung may karapatan ba kong makaramdam ng ganito.

"Klaire, ano ba? Hindi ko alam, hindi ko alam anong gagawin ko, you are important to me at mahal kita" sabi ko. Nahihirapan ako pag ganyan sya, kapag pakiramdam ko lumalayo na sya.

"Pero mas mahal mo sya diba?" hurt was evident sa tone ng boses nya.

"Klaire"

"Isang tanong at isang sagot na lang Dwayne, sigurado ka na bang si Ashley na ang pinipili mo?" tanong nya.

Nakatingin sya ng diretso sakin, wiping her tears.

I really don't know whom to choose.
Hindi ko alam kung confusion ba to or ano?
But I know I have to let her go.
She suffered so much already.
Ayoko ng dagdagan pa.

"Klaire, I'm sorry"

"So sya nga? Sya talaga?"

"Yes" I answered.

Mas napaluha pa sya pero kahit gusto ko syang lapitan ay pinipigilan nya ko.

I was in pain too.

Maya maya lang ay nagpunas na sya ng luha. Tumingin sya sa langit ng ilang segundo.

Nagulat ako ng isarado nya ang distansya samin. Magkatapat na kami ngayon, ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

I looked at her intently.
She's a mess.
I made her like this.
But she is still beautiful.
A beautiful mess.

Nagulat ako nung tumingkayad sya at yakapin ako ng mahigpit.

Bumitaw sya pero lumapit ako at pinagdikit ang noo naming dalawa.

Why do I feel like I wanted to memorize her face?

Pinunasan nya ang luha nya at ngumiti sakin. Yung ngiting totoo at parang yumayakap sa puso ko.

"Dwayne Elliniel Chua, I'm officially letting you go. You are free now, I wish enjoy life and always choose to be happy. Thank you for the memories, I'll treasure them hanggang sa matutunan kong makalimutan na." sabi nya.

"Klaire" tawag ko sa kanya.

"Pano ba yan? Kailangam ko ng umalis Mr. Chua" she smiled at lumayo na ng tuluyan sakin. "Goodbye Dwayne"

Tumalikod na sya at nagmamadaling naglakad palayo sakin.

Tinatawag ko sya pero hindi nya na ko nilingon pa.

Why do I feel like I have to follow her?
Why do I feel like it's the last time that I will see her?
Ano bang nararamdaman ko?
Hindi ko kayang makitang humahakbang na sya palayo.

Anong gagawin ko?

----------
To be continued.

- Noona

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now