Pahina 14

56.3K 1.5K 63
                                    

Dwayne's POV.

Dali-daling bumaba si Ashley sa sasakyan ko. Samantalang nanatili akong nakaupo habang iniisip yung babaeng nagmamaneho ng nakasalubong naming kotse kanina.

Hawig na hawig nya si Klaire pero imposible naman yun dahil mukhang wala ng balak bumalik ang babaeng yun dito. She is already somewhere, masaya at kasama si Rain.

Bumalik ako sa realidad dahil sa pagkatok ni Ashley sa bintana ng kotse at sinenyasan akong sumunod ng pumasok sa mall.

I feel so bothered, alam mo yung parang may napanaginipan ka pero pilit mong inaalala kasi alam mong importante.

"Sweetheart, ano bang nangyayari sayo? Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Ashley na mukhang nag aalala na dahil sinalat pa nito ang noo ko.

"Wala. I'm good" sagot ko dito. "Tara na"

Nang palapit na kami sa entrance ay saktong inaalis ng sales lady ang pulang linya na may nakasulat na "For VVIP only"

"Tamang tama lang po ang dating nyo ma'am and sir" nakangiting bungad samin ng sales lady.

"Why?" Ashley asked.

"Sarado po kasi ito kanina dahil namili ang isa sa mga young mistress ng bansa. Please come in and welcome po" sabi nitong nakangiti at ni-lead way kami papasok.

"Magsusukat ka pa ba ng gown?" tanong ko kay Ashley.

"Hindi na dahil may nakita na kong gown dito last night" I nodded. Gusto ko munang umuwi as soon as possible. "Tara puntahan natin pina reserved ko na sya, kaso sweetheart ang mahal nga lang nya" Ashley gave me a cute smile.

"Ako na ang magbabayad" sabi ko dito.

Ngumiti sya at dali dali akong hinila kung nasaan yung gown na sinasabi nya.

Palapit na kami ng isinarado nang sales lady ang isang engrandeng estante. Mukhang kakalagay pa lang nya ng kulay green na gown doon.

"Miss, nasaan na yung gown dyan na kulay navy blue?" tanong ni Ashley. Kumunot ang noo nung babae. "Naitago nyo na ba kasi pina reserved ko yun kagabi" dagdag nya pa.

"Ay ma'am! Pasensya na po pero binili na po yun ng VVIP namin ngayon-ngayon lang po" sagot nito.

"Ano?! Pina reserved ko yun! Akin na dapat yun! Sino ba yang VVIP na yan? Di nyo ba nakita na VVIP din ang boyfriend ko? Di mo ba sya kilala?!" angil nito sa sales lady kaya naman hinawakan ko na sya at pinigilan.

"Kilala ko po sya ma'am" yumuko yung babae. "Sir Dwayne, pasensya na po, VVIP rin po kayo dito pero hindi po kasi namin alam ma'am na kasama nyo sya. Importanteng tao po talaga yun at sorry to say na di po kami nagbibigay ng impormasyon about sa aming client. Hope you understand ma'am"

Nakita kong naiinis pa rin si Ashley kaya tinitigan ko sya ng don't-make-a-scene-here-look kaya huminga sya ng malalim at itinuro ang green na gown.

"Useless. I'll take that" bago sya padabog na naglakad patungong cashier.

Klaire's POV.

Tinawagan ko na ang mga kaibigan ko na mauuna na ko sa kanila sa venue at sumunod na lang sila sa party dahil maaga akong pinapupunta nila mama doon.

Bago ako lumabas ay tumingin ako sa full length mirror ko dito sa kwarto.

Napangiti ako sa hitsura ko. Sinong mag iisip na yung dating parang manang at nerdy nung college days ay magiging ganito kaganda? Hindi naman sa nagbubuhat ng bangko, I just feel extra beautiful today.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now