Pahina 47

58.8K 1.1K 56
                                    

Klaire's POV.

"Klaire hija, it's time for you to get up"

Marahas akong dumapa at nagtaklob ng kumot. Pang apat na si mama sa gumigising sakin. Hindi ba nila alam na ayoko pang bumangon at inaantok ako?

"Ma, puyat ako, Inaantok pa po ako" sabi ko. "Let me sleep"

"Ano ka ba? you have to get up dahil birthday mo ngayon" sabi nito sakin

Birthday ko nga pala ngayon, kaya mas tinamad akong bumangon. Tatlong taon ang mabilis na lumipas. Tatlong beses nya ng na missed ang birthday ko. 

"Ma. taon-taon naman ako nagbi birthday, baka pwedeng i-skip na natin itong taon na ito?"

"Aba! Last 2 years ay hindi ka na nag celebrate, pati ba naman ngayong taon na ito?"

Hindi ako sumagot at nanatiling nasa ilalim ng kumot.

"My goodness! Bahala ka nga riyan" lumabas na si mom.

I sighed., buti naman! Makatulog na nga ulit. Patulog na sana ulit ako ng may humampas sa pwet ko, kaya napabangon agad ako. Nanlaki yung mata ko ng makita ko kung sino iyon.

"Oh ano? Papalag ka pa? Bumangon ka na dyan" sabi nya sakin.

"Ate Caren"

"The one and only" sabi nya sabay pamewang. Akala mo, dalaga pa ito dahil sa ganda ng katawan, hindi halatang may anak na.

"Kailan ka pa umuwi? Nandyanba si Azce?" na excite akong makita yung pamangkin ko.

"Oo nandyan, kasama ng Kuya Marvin mo, kadarating lang namin at sakin ka pinagising ni mama, kaya bumangon ka na dyan" sabi nya ng nakataas ang kilay

"Ate naman, ang aga pa" reklamo ko.

Kasi naman, simula ng mag isa ako. Tanghali na talaga ako bumabangon kapag weekends kasi wala akong trabaho. 

"Aba? Nagrereklamo ka na ngayon? FYI! Birthday mo ngayon, malaking event yun. Engrande ang birthday party mo kasi nga naman paborito kang anak"

"Ha? Bakit engrande? Sabi ko naman kay mama, wag na maghanda" napakamot ako ng ulo ko.

"Ngayon ka pa ba mag iinarte? Eh nakaayos na ang lahat, napakamahal magpa birthday party, kaya bumangon ka na dyan"

"Oo ate" tumayo na ko pero nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Ate.

"Ang little sister ko" hinawakan nya ang mukha ko "Hindi ako makapaniwalang pang 26th birthday mo na, parang dati lang super liit mo pa at baby ka"

"Ate naman, bakit ang emosyonal? Last birthday ko na ba?"

"Gaga!" she cleared her throat "Alam kong sobrang nahirapan ka sa lahat ng pinagdaanan mo, Alam kong masakit maiwan mag isa, at lalo na yung mawala yung pinakamamahal mong anak at pamangkin ko, pero bilib ako sayo kasi nakaya mo yun. You deserve to be happy"

"Ate naman, pinapaiyak mo ko eh"

"Ang ibig sabihin ko, maging masaya ka ngayon kasi araw mo to"

"Oo na ate" sabi ko, dapat nga siguro i enjoy ko tong araw na to.

"O' sige na bilisan mo ng maligo" sabi nya bago ako tinulak sa banyo. Bipolar ata tong ate ko, kanina iiyak iyak tapos ngayon maldita na ulit.

Pumasok na ko sa banyo para makapaligo. As usual, ginawa ko na ang napaka habang orasyon ng mga babae. Alam nyo bang almost 1 hour akong maligo? Kaya nga dati madalas akong ma late sa work nung magkasama pa kami ni Dwayne. 

Tinapik ko ang ulo ko. Stop thinking of him, okay? Shut up ka na memories! Magmo move on na tayo, tatlong taon na tayong naghihintay sa wala.
Pagkalabas ko sa banyo ay wala na si ate. Nagsuot na lang ako ng simpleng pambahay dahil mamayang gabi pa naman ang event.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now