Pahina 33

41.8K 968 49
                                    

Klaire's POV.

Pagkatapos namin mag usap ni Rain ay bumalik na din agad kami.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nakita ko si Dwayne na kalalabas lang ng banyo.

"Saan ka galing?" biglang tanong nya.

"Nag usap lang kami ni Rain and-" I decided to cut my answer as I tried to compose myself dahil kinakabahan ako.

"Nag usap lang ba talaga kayo Klaire?" tanong ni Dwayne habang nakikipagtitigan sakin.

Bakit parang nakakakita ako ng galit at lungkot sa mga mata nya? Parang nakokonsensya ako pero hindi ko naman pwedeng sabihing hinalikan ako ni Rain. Pagiging assumera man, pero ayokong masaktan sya at mag away pa kami lalo.

Dahan-dahan akong tumango.

"Oo, Nag usap lang kami"

Nakita ko namang huminga sya ng malalim bago tumalikod. Nakita kong naglalagay sya ng mga gamit nya sa isang bag.

"Kamusta pala si Ashley? Okay na ba sya?" tanong ko.

"Okay naman na sya" humarap na sya sakin. "Doon ako sa same hotel nya matutulog ngayon, kailangan nya ng kasama" sabi nito sakin.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Bakit sa kanya ka matutulog?! Ako ang asawa mo!"  Napataas na ang boses ko.

"Mas kailangan ako ng babaeng mahal ko!" sinabi nya yun bago nag iwas ng tingin at dumiretso palabas.

Na stuck ako sa pagkakatayo. Naramdaman ko na lang ang tuloy tuloy na pag bagsak ng luha ko. Bakit ganoon? Sya pa din ang mahal nya?

Pinunasan ko ang luha ko. Umiiyak na naman ako dahil sa kanya. This is like a fcking deja vu!

Lalakad na sana ako para humiga sa kama ko dahil gusto ko ng magpahinga ng maramdaman ko ang pananakit ng dibdib ko.

Napahawak ako sa edge ng kama para pigilan ang pagbagsak ko.

"Dwayne!" I managed to shout my husband's name.

Wag naman! Bakit naman ganito? Hindi na talaga ako makahinga.

And then everything went black. Huli kong nakita ang pagbukas ng pintuan ng kwarto namin bago ako bumagsak sa malamig na sahig.








Ang bigat ng talukap ng mata ko pero pinilit kong dumilat. Unang nasilayan ko ang mukha ni Mama na alalang alala. Inikot ko ang paningin ko. Nasa kwarto ko pa din ako. Nakita kong palabas na ng kwarto ko si Dr. Gabrillo, ang doktor ko sa puso

How can I forget about my freaking illness!

Nalungkot ako ng mag sink in ang lahat. Akala ko si Dwayne ang unang makikita ko pero siguro na kay Ashley pa din sya.

"Anak, kamusta ka na?" Mama asked me.

"Okay na po ako mama, si Dwayne po pala?" tanong ko sa kanila

"Hindi namin sya makontak anak, kaya hindi nya pa alam ang nangyari sayo pero pag na reach ko agad sya, papagalitan ko yun kung bakit ka pinabayaan, bakit ka ba hinimatay? Naku, tatawagan ko yang anak ko na yan!" Mami looked angry

"Naku! Wag na po Mami, alam ko pong aalis si Dwayne para may asikasuhing business matter, kaya wag nyo na lang pong sabihing nangyari ito"

"Bakit hindi namin ipapasabi anak?" Mama interrupted.

"Mas mahalaga ka kesa sa negosyo, dapat alam nya na ikaw ang priority nya!" Mami added.

"Oo nga po mami, alam nya na po yun. Ako pa nga po nag push sa kanya na puntahan yun, so ako po ang may kasalanan. Tsaka mama, wag nyo na pong ipaalam dahil wag a-alala lang yun. Please po? Yun lang mami, mama? Magaling naman na ko diba?" pagmamakaawa ko sa kanila.

"Fine, basta magpahinga kang maigi pag nasa maynila na tayo"

I just nodded.





Nang makauwi na kami ng Manila at makauwi ako sa bahay namin ay nandoon na si Dwayne.

"Nandito ka na pala" sabi ko habang ngiting-ngiti sa kanya.

I am freaking trying to break the wall in between us.

Lumingon lang sya sakin at tumango, bago binalik ang mata sa panonood ng basketball sa TV.

"Anong gusto mong lutuin ko for lunch?"

"Bahala ka, ikaw lang naman ang kakain" sagot nya.

"Ha? Eh paano ka?"

"Kumain na ko kasabay si Ashley"

"Ah! Tama! Sabay kayong nag lunch ng kaibigan mo, okay yun! May pinagsamahan naman kayong dalawa" sabi ko habang pilit na nakangiti kahit nararamdaman kong sobrang sakit na. Hindi sya sumagot kaya nagdiretso na ko sa kwarto.

I sat on our room and silently wept.

My heart is breaking into pieces

I'm trying my best, Gusto ko lang naman na sa akin ulit sya. Bakit kasi mahal na mahal ko pa sya?

Bakit nakakaya nyang saktan ako.



Dwayne's POV.

Pagka akyat na akyat ni Klaire sa kwarto nya ay pinatay ko na ang TV at pabalibag na binato ang remote sa kabilang side ng couch.

Napahawak ako sa buhok ko dahil sa inis. Gusto ko na syang kausapin, parang namimiss ko yung malalakas nyang tawa pero nangingibabaw ang inis ko sa kanya.

Alam ko namang may plano na sila ni Niall na kapag naghiwalay kami, sila ng dalawa! Ang galing sobra! Napakuyom ang palad ko ng maalala ko na naman ang nakita kong paghahalikan nila.

Pumunta nga ako kay Ashley nung gabi dahil sa pakiusap nya na alagaan ko sya at dahil sobrang nakonsensya ako. Alam kong may pinagdadaanang depression si Ashley dahil sakin at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring suicidal. Sinasamahan ko sya, para mawaglit din sa isipan ko yung sakit. Yung lahat! Ginusto din naman ni Klaire ito!

Nung kinagabihan na ay lumabas na si Klaire ng kwarto. I looked at her, parang namamaga ang mata nya.

"Bakit namamaga yang mata mo?" tanong ko sa kanya.

Bigla syang umiwas ng tingin.

"Nakatulog kasi ako ng mahaba, Ganito yung mata ko naman lagi" Klaire answered.

"Okay" sabi ko bago ko sya iniwan sa kusina. Ayokong magpakita ng care sa kanya, mahirap na lalo na ngayon.

"Oo nga pala, Dwayne" she called me. "May invitation tayo galing doon sa isa sa mga ka schoolmates natin dati, first wedding anniversary pala nilang mag asawa, pinapa attend tayo"

"Okay" sabi ko bago tuluyang lumabas. Sa totoo lang gusto ko syang kausapin. Makipagkulitan ulit sa kanya. Nakakamiss din pala pero dapat masanay na ko. Magpapa annul din naman kaming dalawa.

Nung kumain na kami tanging tunog lang ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato ang maririnig mo. Hindi ko sya kinakausap, ganoon din sya.

Kahit sa pagtulog ay magkatalikod kami kahit gustuhin ko mang yakapin sya mas minabuti ko na lang ang layuan sya.

This is harder than I thought.

--------------
To be continued.

KayeEinstein

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now