Pahina 43

45.7K 1K 84
                                    

Dwayne's POV.

Nagmamadali akong pumasok sa ospital at agad naman akong sinalubong ng mga nurse kaya mabilid na naihiga sa stretcher ang asawa ko.

Habang tsini check ang vitals nya ay dumilat si Klaire.

"Please, parang awa nyo na! Save my baby" umiiyak na sya ngayon.

"Miss, you need to stay calm. Mga doktor kami and we'll do everything"

"Please, iligtas nyo ang baby ko. Please save our baby! Please yung anak ko po!"

"Dalhin na agad sya sa operating room and have the paper's ready para dito sa asawa nya, she's in a terrible condition" sigaw nung doktor.

Bago sya itinulak ay hinawakan nya ko sa kamay at tinitigan.

"Please Dwayne, kahit ito na lang, iligtas mo ang baby natin. Kung papipiliin ka man, please save our child. Hayaan mo na ko! Please nagmamakaawa ako" sabi nya habang umiiyak. I wasn't able to say anything dahil kusa syang nawalan ng malay.

Isang oras na kong nakatayo dito sa labas ng operating room pero wala pa rin akong naririnig na balita tungkol sa asawa ko.

I sat down quietly on the waiting area outside the operation room kung nasaan si Klaire at ang anak namin.

Hindi ko napigilang umiyak ng maalala ko kung pano nabalot ng pulang kulay ang puting damit ng asawa ko kanina. How she cried when she saw the blood flowing from her. How worried she was for our child.

Kasalanan ko lahat ito, Napakagago ko!
Hindi ko dapat ginawa ang mga bagay na yun.

I don't know how I will face her after this pero isa lang ang dinadasal ko sa Diyos. Alisin nya sa panganib ang asawa at anak ko.

Nagulat ako ng lumabas ang doktor nya at ang pagdating ni Xamy.

"Mr. Chua" tawag sakin nung doktor.

Agad agad akong lumapit sa kanila.

Hinawakan ako nito sa balikat at malungkot na tumingin sa akin.

"We did everything we could, but we lost your baby. I'm sorry Mr. Chua, masyado pa syang mahina kaya hindi nya kinaya ang operation" sabi nito sa akin.

"Are you saying that my son is dead?! Yun ba ang sinasabi mo?! Patay na ang anak ko?!" unti-unti akong napalayo habang kusang tumutulo ang luha ko. "No, my wife asked me to save our child!"

Anak ko yun! Paano ko hinayaang mamatay? Tama si Klaire! Napaka wala kong kwentang tao!

"Dwayne! Get a hold of yourself! Kailangan ka ni Klaire ngayon, lalo na sa sitwasyon nya!" sinigawan ako ni Xamy.

"What?"

"Kailangan ng operahan ni Klaire! Dahil minuto lang ang pagitan ay maaari na syang sumunod sa anak nyo!"

"Anong ibig nyong sabihin?" tanong ko.

"I am sorry for not telling you this beforehand but Klaire asked me. Hindi sya advisable na magbuntis. Sinabi ko na yan sa kanya dahil sa sakit nya sa puso."

"A-ano?"

"Alam mo bang lumala yun dahil mas pinaglaban nyang dalhin pa rin sa sinapupunan nya ang anak nyo. Mas gugustuhin nyang mamatay basta maisilang ang bata, at ngayong nawala ito, naiwan din nito sa bingit ng kamatayan ang ina nya" mahabang paliwanag ni Xamy.

Halos mapaluhod ako dahil nanghihina ako sa lahat ng nalalaman ko. Hindi ko alam ang lahat ng sakripisyo ng asawa ko para magkaroon lamang kami ng pamilya.

"Please Xamy, please Doc!Gawin nyo lahat. My son is already too much, don't let my wife die. Gawin nyo po ang lahat, please save her" sabi ko habang umiiyak, I can't bear to lose her too.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now