Pahina 27

46.5K 1.1K 126
                                    

Dwayne's POV.

"OMG! Dwayne, wake up! Late na tayo! Hurry up na kasi!" napabangon ako bigla dahil sa sigaw ni Klaire.

"Wow, good morning! Can you please chill down Klaire! Ano ba?" inis kong sabi dito.

"Late na kasi tayo! Look anong oras na kaya. Sino ng magpapalipad ng eroplano?" natataranta nyang sabi habang nagpapabalik labas sa kwarto namin at doon sa closet room namin.

May hatak na itong maleta at halatang natataranta.

Natawa ako at na guilty. I forgot to tell her naman kasi.

"Wag ka ng magmadali" cool kong sabi sabay pagpigil sa kanya sa paglalakad. Tumingin sya sakin ng masama. "I've already informed them last night na hindi tayo makakapasok dahil late na tayong umuwi kagabi"

Yep! Late na kaming umuwi hindi dahil sa may pasok kami. Umalis kami ni Klaire papuntang doon sa beach house namin. Nandoon kami. Nag gala-gala kami at nanood ng fireworks.

Masaya ako dahil nakasama ko sya, padahan-dahan ay masasahi kong mas okay na kami ngayon.

Actually natutulog na kami ng magkatabi. I honestly miss her. Hay, ewan ko, namiss ko talaga sya.

Hindi ko alam kung ano na kami ngayon kung magiging okay na ba kami. Kung maayos na ba kami? I am somewhat hoping na may something more sa aming dalawa.

Kung mahal ko na ba ulit sya? Ayoko munang magsalita hanggat hindi pa ko sigurado sa kanya. Ayokong masaktan ko lang ulit sya.

Nagulat ako ng hinampas nya ko ng malakas.

"Bakit hindi mo sinabi agad?! Ano ba yan, nagmamadali pa naman ako at halos magkadapa-dapa na ako dahil akala ko late tayoo" sabi nya habang inis na inis ang tingin sakin

"Sinabi ko sayo kaso tulog ka na yata. Ayoko ng istorbohin ka dahil himbing na himbing ka sa tabi ko"

Nakita kong namula sya. Haha I knew it!  Kinikilig pa din sya sakin, atleast, hindi lang ako ang affected.

"Manahimik ka Chua! Mag general cleaning na lang tayo ng bahay, para naman mabawasan ang inis ko sayo, okay ba?" sabi nya bago lumabas ng kwarto.

Nag almusal lang kami at maya-maya lang ay  nagsimula na kaming maglinis ng buong bahay. Habang naglilinis ako ng kwarto namin sya naman ay nagsimula ng maglinis ng kusina.

Pagkatapos naman ay naglinis ako ng sala at sya naman ang nag asikaso ng iba pang kwarto namin sa bahay.

Kumakanta pa sya ng kung anu-ano na sinasabayan ko na lang dahil naaaliw ako sa kanya.

Klaire is trying her best to look matured but she can't hide how baby she can be. She is a very positive and fun woman.

Maya maya ay nag alarm na ang relo ko, indicating na it's time to prepare for her medicine.

Pumunta ako sa kusina at inabot sa kanya ang gamot nya. Nakangiti naman nya yung tinanggap.

Sa araw araw naming magkasama ever since ikasal kami last 8 months ago ay ako na ang laging nagreremind sa kanya na uminom ng gamot.

I really like to take care of her.

Maya maya ay bumalik na kami sa paglilinis, ganito kasi talaga sya, gusto nya maayos lahat lagi.

Habang sya ay naglilinis ng banyo ay oras ko naman para linisin ang bestfriends namin, ang mga sasakyan naming dalawa.

Madalas talaga naming gamit ay itong bagong regalo samin ng parents namin but we have other cars.

Mahaba haba itong linisan dahil dalawa sila at kailangan maingat ako.

Binanlawan ko muna ito ng tubig at nagsimula ng sabunin ang dalawa.

At ng matapos kong sabunin ay para akong batang excited dahil babanlawan ko na lamang ito at pupunasan.

Makakapag game of thrones pa ako.

Magbabanlaw na sana ako pero hindi ko mahanap ang host,

Pero sa pag angat ko ay bumungad ito sa harapan ko.

"Got you!" sigaw ni Klaire bago binuksan ang tubig at tinutok sakin kaya naman ilang saglit lang ay basang basa ako.

Tawa sya ng tawa na akala mo ay nanalo sya ng napakalaking bagay. Sobrang kulit nya at hindi ako makakapayag na magpatalo kaya hinabol ko sya.

"Lagot ka sakin Klaire Louise!" tuloy tuloy ako sa paghabol sa kanya hanggang sa finally, I caught her!

Pilit kong inagaw ang host sa kanya, para kaming bata dahil tawa kami ng tawa sa ginagawa namin.

Ang higpit ng grip nya kaya kahit hawak nya pinindot ko yung button na magpapalabas ng tubig.

Basa na rin naman ako, kaya kailangan nya ring mabasa para quits.

Nakita kong tawa sya ng tawa. I don't know what happened pero I just found myself being stuck, staring at her.

Ang ganda nya talaga. Napakasimple nya lang ngayon pero ang ganda-ganda nya. Ang mahaba nyang pilikmata, ang itim na itim nitong mata, ang ilong nya at ang mapupula nyang labi na tila iniimbita ako.

Yung labing parang nagsasabing halikan ko sya.

Why do I feel so attracted?

Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya.

Hinihintay ko na lamang na umiwas sya,

Pero nagulat ako ng mapagtanto kong pumikit sya.

And I didn't waste anytime, mabilis akong lumapit at siniil sya ng halik.

We kissed each other. I don't know for how long na parang lahat ng hindi namin masabi sa isa't isa ay gusto naming sabihin by that kiss.

Napahinto lang kami ng biglang may bumagsak na kung ano kaya napatingin kami kung saan yun nanggaling at sa paglingon ko.

Nakita ko sya

Si Ashley.

Umiiyak sya habang nakatingin saming dalawa. Kitang kita sa mata nya ang sakit at sobrang disappointment.

Tumakbo sya palabas ng bahay, I don't know what is wrong with me pero sinundan ko sya at hinabol.

Hinabol ko sya, nakita kong patawid sya kaya mas binilisan ko ang paghabol sa kanya.

Mabilis kong hinatak ko si Ashley dahil muntikan na syang masagasaan.

"Bitawan mo ko! Bitawan mo ko! I hate you, you cheater!" sigaw nya sakin.

"Ashley, wag kang ganyan" sabi ko, trying to pull her.

"I want to die! Gusto ko ng mamatay! How can you do that to me?! Sinaktan mo ko Dwayne! Niloko mo ko!" sigaw nya bago ito mabilis na bumagsak.

Ashley lost consciousness.

Agad agad ko syang binuhat.

What have I done to her?

--------
To be continued.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now