Pahina 24

48.7K 1.1K 55
                                    

Dwayne's POV.

After kong mag shower ay napatingin ako sa salamin dito sa banyo.

Nag flashback sakin yung muntikan ng mangyari kanina halos di ko mapigilan ang sarili ko.

I sighed.

I didn't stop because ayaw ko syang halikan, I badly want to taste that lips again but alam kong kapag nasimulan ko na, I won't stop and I'll keep wanting more na baka who knows more than just a kiss ang mangyari at alam kong hindi sya ready doon.

Alam kong nakainom lang sya ng tonic at mahirap na kapag nag umaga na.

At this point, I don't want Klaire to hate me.

Lumabas na ko ng banyo.

"Klaire, pwede ka ng maligo" sabi ko, habang ini expect na susulpot na ito at maliligo na.

Pero wala sya kaya lumapit ako sa kama namin at nakita kong mahimbing na syang natutulog nakapagpalit na ito ng pajama.

Dahan-dahan akong umupo sa tabi nito.

Napaka peaceful nyang matulog.

Pinipigilan ko ang kamay ko pero I just can't help it kaya hinaplos ko ang malambot at alon-alon nitong buhok.

She dyed her hair which highlighted her perfect facial feature.

It's been five years since maghiwalay kami, napakadami ng nagbago sa kanya.

Mas gumanda sya, mas naging sexy, she sound so smart, confident and I must say na she is more tempting than ever. Successful individual na din sya at na build up ang character nya sa mga panahong magkahiwalay kami.

Iniisip ko kung nalungkot din ba sya? Namiss nya kaya ako? Inisip nya ba ko kahit minsan noong nasa abroad sya? What did she whenever she miss me?

Hays ano ba tong pinag iisip ko. Hoy readers hindi ako inlove sa kanya! Hindi! Okay ba? Klaro ba? Tapos na kami, wag na kayong mag issue pa.

Pero,

Pero sige na, aaminin kong namiss ko sya. Yung tawa, ngiti, at kilos nya. Everything about her, I missed all of it. A lot.

Dati ini imagine ko lang kung paano kaya  kung magkita kami kung saan pero ngayon misis ko na sya. Ang bilis ng panahon at ang talino ng magulang namin.

I kissed her in the forehead, hoping that she won't wake up, laking tuwa ko ng hindi sya magising atsaka ko sinabi ang madalas naming sinasabing dalawa bago matulog dati nung kami pa, except sa last words.

"Goodnight Klaire, see you in the morning" bago ko pinatay ang lampshade at kahit hirap na hirap ako dahil sa pesteng tonic na yun I managed to fall asleep beside my wife.

It was one of the best sleep I've had for years.

Klaire's POV.

"Dwayne! Dwayne! Gising na!" sabi ko habang patuloy na inaalog si Dwayne na himbing na himbing na natutulog.

Pero ayaw nya pa ding gumising. Nakakainis naman! Ilang minuto ko na syang ginigising pero parang wala lang sa kanya.

Naalimpungatan ako around two in the morning at nakita kong nasa tabi ko sya. Una akala ko magiging uncomfortable ang lahat dahil magkatabi kami sa isang kama pero it turns out na ayos naman.

Payapa naman akong nakatulog.

Pero balik tayo sa ngayon, sayang yung oras! Gusto ko ng gumala kaya gagawin ko na ito.

"Sorry dito Dwayne. Tulog mantika ka kasi" kaya tumayo ako at mabilis na kinuha ang dalawang kawali sa kusina at pumuwesto na.

Malakas at sunod sunod ko iyong kinalampag  pero wala pa din.

Napailing ako. Okay fine, ayaw mo ha.

"Aray! Aray! Ang sakit naman" sigaw ni Dwayne.

Hala! Baka nabalian sya dahil napalakas ata ang pagsipa ko. Omo! Lagot ako pag nagkataon.

Lumapit ako dito feeling a bit guilty.

"Hala! Dwayne, sorry!" sabi ko sabay peace sign sa kanya.

Nakita kong galit ang mukha nya, masama ang tingin nito sakin.

"Ano ka ba Klaire? Bakit mo ko sinipa?!" angil nito sakin.

Sobrang pula ng mukha nito at mukhang galit na galit na talaga sya. Hala! Kakain na ata sya ng tao. Hawak nya pa din ang likod nya.

"Ayaw mo pa kasing bumangon, isa pa, lalamig na yung breakfast mo!" sabi ko.

Naglabas sya ng malalim na buntong hininga bago tumayo at dumiretso sa dining table.

Sumunod ako sa kanya.

I was laughing secretly on my head. Napalakas ata talaga ang sipa ko kaya medyo na bad mood sya.

"Dwayne? Tara, mamasyal tayo?" yaya ko sa kanya.

Kumunot ang noo nya, at tinitigan ako.

Lord sana naman pumayag sya. Hindi ko first time dito sa France dahil as a stewardess ay nakakalapag kami pero hindi naman kami nag stay ng matagal, sobrang busy ko naman kaya kahit pa rich kid ako ay hindi ako nakapunta dito. Isa pa, hindi ako pwede mag travel alone. Masyadong protective ang magulang ko at si Rain sakin.

Kumagat sya sa tinapay nya at uminom ng kape.

"Saan naman?" tanong nya.

Napangiti ako. Ibig sabihin, sasama sya!

"Sa Eiffel tower, sa amusement park dito, sa mga church at iba pang landmarks"

Nae-excite ako kahit nai imagine ko pa lang na malapitan kong makikita ang Eiffel tower. Omo! Parang doon lang sa Lovers in Paris.

Nakakakilig naman! Nagulat ako ng pumitik sa harap ko si Dwayne.

"Tulala ka dyan? Okay ka lang ba? Mukhang hindi yata. Dito na lang tayo" sabi nya.

Napatayo ako at nag cross arms.

"Hindi! Okay na okay ako! Na excite lang ako! Omo! Tara na?!" pagyaya ko sa kanya.

"Oo na, sige na maligo ka na, at pwede paliguin mo muna ako. Ipapahanda ko na ang kotseng gagamitin natin" sabi ni Dwayne at lumabas na sya ng kwarto.



Over-all ang saya saya ng pag gagala namin ni Dwayne.

Lahat napuntahan namin. Sumakay pa kami ng bangka at nag try ng iba't-ibang rides.

Tapos ang nakakatuwa meron isang teenager na babaeng parang amerikana na mukhang turista din dito ang lumapit samin at tinanong nya ang pangalan naming dalawa ni Dwayne.

Nagtataka man ay binigay namin. Nagulat kami ng isulat nya yun sa isang padlock at kinabit dun sa sandamakmak na padlock na nakakabit dito sa tulay.

Ewan ko bakit, naniniwala daw sila na ang couple na may padlock dito ay hindi maghihiwalay kahit kailan man.

Sabi pa nga nung teenager ang cute daw namin at bagay na bagay kami. Sana daw pag nag cross ulit ang path namin ay kami pa din ni Dwayne.

But I know it's impossible. Magdidivorce din naman kami. Darating din sa puntong babalik ako dito pero mag isa na lang.

Why do I feel uneasiness? Why do I feel sad?

Parang may sumusuntok sa dibdib ko. Hay nako, Klaire! Tigilan mo nga yan!

Pinilit kong iwaglit iyon sa isipan ko, eventually nawala yun dahil madami pa kaming pinag galaan ni Dwayne. Marami rami din kaming kinainan bago kami umuwi sa hotel.

It was fun, it was fun hanging out with my husband here in France.

---------

I also wanna go to Paris. Hmm

~ Noona

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora