Pahina 35

45.5K 995 62
                                    

Klaire's POV.

Almost two weeks na kaming hindi nag uusap ni Dwayne.

Hindi rin kami tabing natutulog. Sa guestroom sya madalas natutulog.

I tried to ignore the gap pero ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

Alam ko sa sarili kong miss na miss ko na sya pero hindi ko rin naman alam ang dapat kong sabihin.

I slept that night with a heavy heart. Another night na ganito na naman.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya napilitan akong bumangon na.

I looked at the clock and saw that it is already 6:15 in the morning.

Kailangan kong maghanda ng pagkain ni Dwayne dahil may flight sya ngayong araw. Ako naman on the other hand is may mga scheduled flights din pero nagkatoong rest day ko ngayon.

Bumaba na ako at eksaktong nakita ko syang papasok na ng banyo. Nagkatinginan kami pero we didn't greet each other. Para kaming alien sa isa't isa.

Nagprito na lang ako ng bacon at itlog. I paired it with sinangag. I decided to have a heavy breakfast today dahil nananawa na ako sa tinapay.

Before 7 AM ay natapos ako sa pagluluto at lumabas na rin mula sa guestroom si Dwayne.

Aalis na sana ako para manood ng TV sa sala dahil hindi naman ako sumasabay sa kanyang kumain dahil I am obviously avoiding him.

"Klaire, sabay na tayong- sabay na tayong mag-almusal" napalingon ako sa sinabi nya.

"Bakit? Anong meron? Close ba tayo?" tanong ko sa kanya dahil nabigla ako sa pag aya nya.

"Stop being childish, Klaire. I cancelled my flight today, wala kang flight ngayon kaya may pupuntahan tayo"

"Saan naman? I have commitments too" sabi ko bago humalakipkip sa harap nya.

"You're going to the office with me"

"Bakit?"

"Ang dami mo namang tanong"

"Well, ginugulo mo ang schedule ko so I have the right to ask. So, bakit nga? Wala kang maaway doon kaya bibitbitin mo ko?"

I do know na limited flights na lang ang tini take nya as he is being trained to run our businesses lalo na ang airlines.

"What? Of course not! Future owners tayo ng company, parehas tayo yet ako lang ang kilala nila how about you? It's time to let them meet you. They should know who's my wife"

Alam mo yung tinatry mong magalit pero nawawala lahat yun dahil sa pinag sasabi ng lalaking ito.

"Fine"

Kunyaring sagot ko pero gusto ko talagang sumama kaya umupo na ako at tahimik na kaming kumain. After that ay nagdiretso na ko sa kwarto namin at doon na naligo at nag ayos.

I wore a simple dark blue dress na above the knees at sinuot ang pair of white heels ko. I wore a simple make up

"Klaire! It's already past 8 AM and we really need to go now" narinig kong sigaw nya downstair kaya dali-dali na kong bumaba.

Lalagpasan ko na sana sya ng makita ko kung gaano kapanget ang pagkaka tie ng neck tie nya kaya lumapit ako at bahagya syang napa atras. Nagulat sya ng ayusin ko ang tie nya.

"That's how you do it, hon" I told him while smiling at him playfully.

Nag diretso sa shotgun seat ng kotse nya and I just found myseld smiling. Nakakatuwa kasi ang facial expression nag stiffened kasi nung marinig nya ang tinawag ko sa kanya.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now