Pahina 26

49K 1.3K 50
                                    

Klaire's POV.

"Good Afternoon passengers! Welcome to Sky Gate Airlines, I am Klaire, the head stewardess of this flight. Thank you for choosing to fly with us. Hope you will have a great time flying with us." sabi ko bago ko binaba ang mikropono.

Nagpalakpakan naman ang mga excited naming pasahero.

"Good afternoon. This is Dwayne Chua, your pilot. Welcome aboard. Any moment now we'll take off. Cabin crew, please do the necessary action. Good day everyone" si Dwayne ang nagsasalita, sa speaker lang sya naririnig. Nasa cockpit na kasi ito kasama ang co-pilot nya.

In fairness kung gaano sya kagwapo ganoon din kagwapo ang boses nya.

Tsk! Ano ba tong pinagsasabi ko?

Nanatili ako sa pag aasikaso ng mga pasahero namin, fully book kami dahil peak season ng bakasyon na.

"Nakita ko yung pilot natin kanina, grabe ang gwapooooo" impit na tili ng babaeng ina assist ko, pakiramdam ko ay dalawa or tatlong taon lamang ang tanda ko.

"Oo nga, nakita ko din kanina, hahanapin ko nga ang social media nya, Dwayne Chua, single siguro sya no? Ayiee, wait natin sya mamaya?"

"Oo naman" bumaling ito sakin. "Miss, alam mo ba yung IG ni Capt?"

I shook my head and shook my head.

Bakit ko naman ibibigay sa inyo ang IG ng asawa ko?

"Hello everyone!" napalingon ako, si Haria pala ang nagsalita. "Since we are not still taking off, do you wanna know some fun fact?" she asked, our passengers said yes and cheered. "You heard our pilot right?" tanong nito, kahit nagtataka ako sa mga pinagsasabi nya ay nakinig na lang ako.

Nagtanguan naman ang mga tao sa tanong nya.

"Who among you had seen our pilot?" dagdag na tanong nya.

Halos kalahati ng pasahero namin ang nagtaas ng kamay. Wow! Ibig sabihin nakita na pala nila si Dwayne at ganoon sila ka loyal sa airlines namin for them to know Dwayne.

"Whoa! There are tons of loyal passengers here, so you had seen him. Is he handsome, hot, and a drop dead gorgeous pilot?" she giggled after asking that.

Ano namang klaseng tanong yan?

OF COURSE.

Anong in-of cours - of course mo dyan Klaire? Wag kang malandi! Saway ko sa sariling isip ko. Pwe! Hindi ko sinabi yun! Erase, erase! Gross!

Lahat ng passengers ay nagtanguan, may mga iilan pa ngang babaeng pasahero ang tila kinikilig sa pangalan pa lang ni Dwayne lalo na itong nasa harapan ko na halos sumigaw na sila dahil sige na oo na! Gwapong gwapo na sila kay Dwayne. Anong hot doon? Porket may abs sya at maganda ang katawan nya, hot na agad sya?

Hoy, hindi ako nangboboso.

Nakita ko lang yun accidentally nung pagpasok ko ng kwarto ay naka topless sya kaya wag kayong mag isip ng kung-ano ano.

"Yeah! That's right, our pilot is a drop dead gorgeous and one of a hell sexy pilot. He is part of the most wanted bachelor in town from a famous magazine" nabalik ako sa realidad dahil sa lakas ng bibig ni Haria.

"I want him!"

"Me too!"

"He's mine!"

Sunod-sunod yan na sabi ng mga babaeng pasahero namin. May amerikana, may pilipino, may chinese at iba pang lahi.

"Yiee he's so gwapo talaga!" sabi nitong nasa harapan ko.

Sige na ikaw na Dwayne! Ikaw na ang gwapo!

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon