Pahina 13

57.4K 1.6K 145
                                    

Klaire's POV

"Sa tagal nyo sa ibang bansa, ngayon pa lang kayo magsisimulang mag date ni Rain?!" tanong sakin ni Cherry.

Lahat sila gulat na gulat ng malaman nilang ngayon ko pa lang binigyan ng chance si Rain.

I'll be honest, I still don't see Rain as a special someone, pero diba malay natin baka mahulog ako sa prosesong ito.

"Oo nga, ang kulit nyo" sabi ko sa kanila.

"Pero bakit bes? Di ka pa naka move on agad?" Aira asked me.

"Hindi naman it took me almost three years to move on, pero tapos na yun, napagdaanan ko na kaya wag na nating pag usapan"

"Sobrang mahal mo kasi si Dwayne kaya hindi ka agad naka move on." Valerin teases me.

"Minahal, past tense" pagbabago ko sa sinabi nya

"Nakalipas na nga ba? Naka move on ka na nga ba talaga?" Tessa.

"Oo naman. I'm very much okay now."

"Talaga? Kahit pa magkita kayong dalawa, ayos lang? Wala ng feelings?" Dianne added.

Napatahimik ako. Paano nga kung magkita na kami ni Dwayne? Pano kung makita ko sila ni Ashley? Sila pa rin daw hanggang ngayon.

Am I ready? Siguro hindi naman kami magkikita agad.

"Oo naman, kahit makita ko sya ayos lang. Naka move on na ako." mayabang kong dugtong.

"Yun naman pala! Tamang tama, dahil makakasama ka sa reunion ng Walshein University" masayang sabi ni Love.

"What?! Totoo?!" Tanong ko.

Kinabahan ako bigla. Sapilitan rin naman akong pinapa attend nila papa,  kaya mukhang wala rin akong kawala.

"Oh bakit parang kinabahan ka bes? Ayaw mo ba?" tanong ni Haria.

"Hindi no! I am so ready to face him. Ano ka ba kayo? We are so over. Long done" pagsisinungaling ko dahil ang totoo kinakabahan ako.

"Yes! Kumpleto tayong barkada bukas sa reunion. Formal outfit ang theme" Dianne.

"Tama! Si Rain na lang ang escort mo bes" Love.

Nginitian ko na lang sila pero sa loob loob ko ay parang may mga dagang naghahabulan. Bakit ako kinakabahan? Ano ka ba Klaire? Nakapag move on ka na diba? Diba? Umayos ka! Ibabalik kita sa ibang bansa!

Napatingin ako sa mga kaibigan ko ng tumahimik sila bigla.

"Bakit?" tanong ko.

"Naka drugs ka ba Klaire?" Aira

"Ako? Ano bang tanong yan!" sagot ko.

"Eh bakit kanina kahit di ka nagsasalita, nag iiba ang facial expression mo? Mukha kang baliw!" sabi sakin ni Love.

"Hindi! Ini exercise ko lang ang mga facial muscles ko" pagdadahilan ko.

"Sige na girls, pagbigyan na natin since kababalik nya lang naman" Tessa said.

"Girls, ano pa bang hinihintay natin, tara ng mag shopping ng gagamiting gown para bukas!" sigaw ni Valerin.

"At dahil bagong dating ka Klaire, sagot mo lahat to" tuwang tuwang sabi ni Cherry na sinang ayunan agad nilang lahat.

Ang yayaman nila pero ubod sila ng kuripot. Lord, why? Why are they like this? Ano pang magagawa ko? Dahan dahan kong nilabas ang credit card ko.

Pikit mata ko tong binigay kay Cherry. Nakita ko namang tinaas nya yun at sabay-sabay silang nagtilian at halos magtakbuhan na sila palabas.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon