EPILOGO

70.6K 1.3K 84
                                    

Dwayne's POV.

"Hon, enough na sa sweet and cold food" I told Klaire, kakagaling lang namin sa OB nya para sa weekly check up nya dahil anytime soon ay lalabas na si baby. 

"Manahimik ka dyan! Sige, Ikaw ang mag buntis at ako ang magrereklamo" sabi nya bago kumain ulit ng strawberry ice cream.

"Hon, grabe yung pagiging moody mo" mahina kong sabi.

"Ano? May sinasabi ka? Baka gusto mong matulog kila Rain?" banta nito sakin.

"Okay, okay. I'm sorry pero sabi lang kasi ng doktor mo, para madali ang delivery mo kay baby, less ka na sa ganyan"

"Okay fine, sige na ilalagay ko na to sa kusina" she told me bago sya tumayo. 

Nanatili ang paningin ko sa series na pinapanood nya.

"OMG, Dwayne!" nagulat ako sa sigaw nya kaya napatakbo ako sa kusina namin. 

"Hon, what happened? " halos madulas ako dahil may naapakan akong tila tubig.

"Manganganak na ko, pumutok na ang panubigan ko" she said that peacefully pero ayun ang nakapagpataranta sakin.

"Anong masakit ha? Pupunta na tayong ospital" sabi ko.

Nagulat ako ng hawakan nya ako sa kamay.

"Hon, you need to calm down, ako ang manganaganak at hindi ikaw"

I just nodded my head, dahan-dahan ko syang inalalayan sa kotse at mabilis na tinakbo ang mga naka pack ng gamit nya para sa panganganak pati ang mga gamit ni baby.

I thanked God ng safe akong makapag park sa ospital. Nagsimula na din ang contraction ni Klaire habang nasa biyahe kami kaya ang kaninang cool na asawa ko ay beast mode na ngayon.

Sinalubong agad kami ng OB nya at ilang nurse, they immediately put Klaire in a room to check her up. 

Nag fill up na ko ng mga papeles ni Klaire dito sa ospital at tinawagan ko na rin ang pamilya namin.

Kinakabahan ako, pakiramdam ko, ako ang manganganak.
Sana naman maging maayos lahat.

"Hijo/Dwayne" sabay na tawag sakin ni Mami at Mama. Humahangos sila habang papalapit sakin.

"Nasa loob na ba si Klaire?" tanong ni Papi.

"Opo, Kinakabahan nga ako ng todo"

"Ipagdasal na lang natin na walang mangyaring masama sa anak at apo natin" sabi ni Papa.

"Ako ay magdadasal muna sa chapel, sasama ba kayo?" pagyaya ni Mami.

"Dito na lang po ako, gusto ko po paglabas ng doktor nandito ako" sabi ko.

"O' sige nandoon lang kami sa chapel" sabi ni Mama kaya tumango ako at dumiretso na sila.

Ang tagal kong nag hintay doon. Dumating kami sa ospital ng alas dose ng madaling araw, ang parents namin ay 4 AM. 6am na halos ngayon!
Ang tagal nya na sa loob, baka may nangyari na tapos ayaw nila sabihin.

Kung anu-ano na ang naiisip ko, I need to calm myself and just look forward na mahawakan ang anak namin ni Klaire.

"Mr. Chua" pagtawag ng doktor kaya agad naman akong lumapit.

"Yes? Kamusta po" kinakabahan na talaga ako. Nagulat ako ng hinubad nya ang gloves nya at kinamayan ako.

"It's a healthy baby boy! Congratulation Mr. Chua! Nasa nursery na po sya maya-maya"

"Kamusta naman po ang asawa ko?" tanong ko.

"She's fine. Nagpapahinga na sya. Mamaya ililipat na namin sya sa private room nya" 

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now