Pahina 39

55.7K 1.1K 36
                                    

Klaire's POV.

"Ate, napadalaw ka? Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Sabi ko kay Ate Caren ng pagbaba ko ng sala eh nandun sya.

"Eh kung ihampas ko kaya sayo tong stiletto ko ng masiyahan ako?" sagot nya saken pabalang.

"Si ate naman, di ka naman mabiro, hahahaha. Kumain ka na ba? Tara breakfast tayo?" pagyaya ko.

"Hon! Anong breakfast naten?" sigaw ni Dwayne na sa tingin ko pababa na.

At nung makababa sya ay medyo na froze sya.

"Ate! Goodmorning" bati nya.

"Hmm, Goodmorning din, buti naman at maayos na kayo, at sa tingin ko nagpapakabait ka naman Dwayne" sabi ni Ate.

"Oo naman, Aba! Ang ganda ng asawa ko no" sabi nya sabay lapit at kiss sa cheeks ko.

Medyo namula ako. Nakakakilig naman kase e!

"Aba naman oh! Hahaha! Lumalandi ang kapatid ko" sabi ni ate.

"Tara na ate, Kain na tayo!" yaya ko para hindi na maasar pa.

"No thanks, nag breakfast na ko bago pumunta dito, at isa pa, pinapunta lang naman ako ng parents naten dito to give you this!" sabi nya sabay abot samin ng isang susi.

"Ano to? Susi ng ano?" tanong ko.

"Susi yan ng sarili nyong vacation house! Voila! Sa tagaytay yan! At their wishing na dyan nyo i take ang 2nd honeymoon nyo, Bawal tumanggi dahil mapapagalitan ako, at magagalit ako sa inyo" sabi nya sabay taas ng kilay.

She's really scary, Warfreak pa naman itong si ate.

"I guess we have no choice" sabi ko habang tumatawa.

"And we also need it ate" dagdag ni Dwayne na ikinagulat ko.

"Very well, I expect, you out of this house and be there today, Kuha nyo?" ma awtoridad na sabi ni ate.

"Yes ma'am!" sabay naming sagot mag asawa.

Tumawa si ate, at maya maya lang ay nagpaalam na umalis.

Tumawag ako sa office at airport para ipa cancel ang lahat ng trabaho namin ngayon. Okay lang naman iyon dahil unang una kami pa rin naman ang may ari nun.

Before mag lunch ay ready to go na kami ni Dwayne.

Siguro tama sya, Kailangan nga namin ito, Kailangan namin ng quality time although okay na kami e hindi naman kami nakakapag bonding ng maayos kaya thankful na din ako sa vacation house na binigay nila samin.

It was a long drive, pero ayos lang. Ang ganda naman ng mga tanawin nadadaanan namin. At bago kami makarating sa rest house namin ay nag stop by muna kami sa isang spanish restaurant para kumain dahil di na namin naisip magluto pa pagdating dun.

Almost an hour na biyahe pa at nakarating na kami sa tagaytay, later on ay natagpuan na namin yung bahay, Winelcome kami ng mga caretaker dun at mga ilang sandali ay umuwi na din yung mag asawang caretaker para magpahinga na.

The house is really beautiful. And too big for the both of us. Ang likod nung bahay ay dagat. So this is technically a beach house.

"You like it in here?" Tanong ni Dwayne saken.

"Of course hon, Ang ganda nito, Haha. Magkano kaya nagastos nila mama dito? Sobrang ganda!" Para akong bata na naliligalig.

Nung nasa ibang bansa kasi ako puro trabaho ang inaatupag ko, kung lumalabas man ako ay madalas na kasama ko si Rain. He's my bestfriend after all.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now