Pahina 15

56.4K 1.5K 137
                                    

Dwayne's POV.

The party began at alam mo kung ano ang nakakatawa? Di ko alam kung nananadya ang magulang namin pero pinagsama-sama nila kaming apat sa iisang table.

Yes! Oo! Si Klaire, si Rain, si Ashley, at ako, well, kasama rin namin ang mga ibang kapatid namin na mukhang enjoy na enjoy sa bandang kumakanta at di nila nararamdaman ang tensyon na nasa pagitan naming apat.

Pano ba naman ay katabi ko si Klaire ngayon sa kanan and yet she's acting like I'm invisible. Di rin nya ko pinansin nung umupo ako, syempre lalo na si Ashley.

Nakita ko siyang mukhang nahihirapang i-cut ang steak nya. Napangiti ako sa isip ko. Usually kasi kapag nahihirapan sya ng ganito, ako na ang maghihiwa para sa kanya.

In assume ko na ginawa nya yun for me to help her.

Pero nag vanish ang imagination ko ng makita kong pinalitan ni Rain ang plato nya sa plato nito na kung saan naka hiwa na ang steak.

"If I'm not here, who would do this for you?" sabi ni Rain.

"Thank you Rain, you're the best" masayang sabi ni Klaire.

Aba! Bakit yun nginitian nya?! Ang saya saya nya dahil sa koreanong yun, ni hindi nya ko napapansin.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan na sumali sa kanila.

"I used to do that for you" sabi ko kay Klaire kaya napalingon sya sakin bago nag taas ng kilay.

"Anong pinagsasasabi mo Mr. Chua?" tanong nito sakin in a very calm tone pero yung tingin nya ay parang isasaksak na sakin ang tinidor.

"Sinasabi ko lang at ipinaaalalang ako ang unang gumagawa nyan para sayo" sabi ko bago nag smirk.

"So what?! What's the essence of bringing that up?!" angil nito ng pasimple.

Effective pala ang inisin sya dahil pinansin nya ko. Medyo namumula na ang face nya.

"Mas gusto ko kapag si Rain ang gumagawa nito"

Napatingin ako sa kanya. Mas gusto nya?

"At bakit?" tanong ko.

"K-kasi ano" napahinto sya. "Kasi ano, kasi mas masarap pag sya ang naghihiwa nun!" sabi nito.

What the hell? Kailan pa nakapagpasarap ang pag cut ng steak? This woman!

"Talaga lang huh? I'm sure mas masarap pa din pag ako ang gumawa" sabi ko bago nag crossed arm at mayabang syang tiningnan.

"Bakit ba ngisi ka ng ngisi? Para kang aso! At I won't back down, mas masarap yung kay Rain" sagot nito.

Nakita kong napapatulala na lang samin si Rain at Ashley.

"Imposible!" saad ko.

"O sige ayaw mo pang maniwala, sige tikman mo!" sabi nito na gigil na hinablot ang tinidor nyang may nakatusok na steak at itinutok sa bibig ko.

Alam kong nabigla sya, kaya kinain ko yun ng mabilis.

"No, mine taste better!"

Pagkatapos ay ako naman ang nagsubo sa kanya ng hiniwa kong steak.

And it's too late ng marealize namin na nagpalitan na pala kami ng tinidor dahil nakatutok na samin ang spotlight kaya dali-dali naming binaba ang tinidor namin.

What the hell?

Klaire's POV.

Nung nasilaw ako nung spotlight ay doon ko lang naalalang sumubo kami sa tinidor ng isa't isa. OMG! OMG!

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon