Pahina 7

56K 1.4K 172
                                    

Klaire's POV

"In the name of the father, the son, and the holy spirit, Amen" sabay sabay naming pagdarasal.

"Dig in!" sigaw ni Ate Caren samin.

Nasa hapag kainan kasi kami. Agad agad naman kaming nagsipagkuhaan ng ulam. Natakam kasi kami dahil si ate at si mama ang nagluto.

Nasa crib ang baby ni Ate ngayon, na pamangkin ko si Azce, 2 months old na. She is married to Mr. Marvin Angustia. Graduate si ate sa kursong culinary kaya alam mo na kung bakit masarap talagang magluto yan.

Naging chef na yan sa isang 5 star hotel bago naging asawa ng mismong may ari ng hotel na yun na si Kuya Marvin. He is a hotel chain owner na maraming branch sa iba't ibang parte ng mundo. As he always say, nadagit sya ng charms ni ate.

They dated for years before settling down, I kinda thought that maybe Dwayne and I will end up like that.

"When and where do you plan gaganapin yung baptism ng apo ko" tanong ni papa kay ate.

"I am still checking some other venues pero I'll let you mom know as soon as possible para mapa-ayos na yung invitations" sabi ni ate sabay tingin sa natutulog nyang anak.

She looks so happy and contented.

"I am getting tired of the food being serve in the hotel so sana ibang venue, maybe I can ask Dwayne, marami silang pag-aaring magandang venue" Kuya Marvin said as he wiped his mouth using the table napkin.

Bigla akong nasamid ng marinig ko ang pangalan nya. Nataranta naman si Ate kaya pinainom agad ako ng tubig at hinimas ang likod ko.

"Okay ka lang ba ate? Bakit ka nasamid?" tanong ni Lewis habang bumalik sa pagkain.

He is younger than me, as we all call him. Ang tagapagmana.

Napatahimik ako sa tanong nya, siguro tamang sabihin ko naman sa kanila yung totoo.

"Oo nga pala bakit hindi nagpupunta si Dwayne dito? Is there something wrong between the two of you? Nag-away na naman siguro kayo" Ate asked me as she try to cut her steak.

I remained silent. Di ko yata kayang sabihin sa kanila, dahil katulad ko they all think that I will end up with him at magpapaka impokrita ba ko para sabihing ayos na, na hindi na masakit at naka move on na ko?

"Hija what's wrong? Did the two of you fight again?" tanong ni mama sakin

"That's what I think too, hindi sya nakababad sa phone call at madalas tulog." Lewis added.

"Come on Klaire, speak up anak. We can help you if may problem, pamilya tayo dito" sabi ni papa sakin bago sya ngumiti.

Dad is a very strict person. Ang gusto nya ang dapat ang lagi or madalas nasusunod, ganoon din ang papa ni Dwayne kaya ewan ko ba kung pano sila nagkakasundo. Business partners pa man din sila and they are both dominant. He is a very serious man kaya sa pag ngiti nyang yun ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Wala na po kasi kami ni Dwayne" I told them.

"OMG, is this for real? Hindi ba ito small fight lang?" Ate Caren asked me.

"Magtatatlong linggo na rin kaming hiwalay" dagdag ko.

"What?! Really? Ilang taon na kayo diba? Sorry I just can't bring myself to believe dahil you two suited each other" Kuya Marvin added.

Naiyak ako sa sinabi nya. Totoo yun, I always felt like he is my soulmate na we know each other so much kaya hindi ko alam panong nag crumble ang relationship namin just like that.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant