Pahina 32

42.2K 1K 34
                                    

Klaire's POV.

"Let's separate ways, It's much more easy to find Ashley that way" sabi ni Rain samin.

"Okay sige, Klaire at yung iba pa, dito na lang kayo sa tapat ng beach house. In case na bumalik sya, tawagan nyo agad kami" sabi naman ni Dwayne sa amin.

Tumango na ko at lahat sila ay nagsi alis na.

"Hay naku! Bakit pa kasi kailangang hanapin yung babaeng yun?" Cherry asked, she already look irritated dahil pati si Jhong ay umalis para maghanap

"Nagpapabebe lang yun dahil alam nya magkasama kayo ni Dwayne" Haria added.

"Pero nakakainis ha! Yang mister mo ha! Alalang-alala ha!" Valerin told me.

"Ano ba kayo? Wag nyo na lang lagyan ng malisya." sabi ko kahit pa kinakain na ko ng insecurities ko.

"Oo nga pala, bakit naka robe ka pa din? Hindi ka pa nagbibihis, diba kanina pa tayo nagsipag akyatan?" Tessa asked me.

"OMG!Iisa lang yan, Isa lang yan! Hindi agad sya nakapagbihis kasi" pinigil nya ang sarili "may gagawin dapat sila ni Dwayne!" Love said while giving me the mapang asar look.

And then again. Nag akyatan na naman ang dugo ko sa mukha. Why do they have to remind me on what happened kanina?! Muntik ko ng isuko ang bataan ko! Oh well' Asawa ko naman sya pero deadma pa rin ako sa kanya!

"Hala! Namumula sya! Confirmed! Naudlot dahil sa pagkawala ng babaeng higad na yun!" Diane said.

"Ano bang pinagsasabi nyo?! Hay! Bahala kayo dyan! Hahanapin ko na lang si Ashley" Yun na lang ang sinabi ko para wag nila akong asarin pa.

Naglakad na ako palayo. Nako corner na nila ako at baka mapa amin pa ko sa muntik ng mangyari kanina! Nakakahiya! Naglakad ako sa kabilang dako ng beach.

"Ashley! Ashley! Ashley!" sigaw ako ng sigaw to look for that woman. Malapit na din kasing magdilim at mas mahihirapan kaming hanapin sya. Lumalakas na din ang hampas ng alon.

As a woman, hinahanap ko na sya dahil natatakot ako para sa kaligtasan nya.

Maya-maya lang ay napatingin ako sa dagat. Merong bangka doon, medyo malayo-layo ito dito sa pampang. Triny kong tanawin kung sino ang sakay nun.

Omo! Si Ashley yun!

Tinawag ko sya pero tiningnan nya lang ako at hindi pinansin.

Ano ba naman tong babaeng to!

Medyo malayo na ito sa beach house.

"Klaire!" napalingon ako sa tumawag sakin. Si Tessa pala.

"Tess, pakitawagan naman yung mga kasama namin. Pakisabi naman na nakita ko na si Ashley. Naiwan ko kasi yung cellphone ko sa bahay"

"Ayy ganoon ba best? Naiwan ko din pero sige tatakbuhin ko na sila doon" pagkasabi ni Tessa ay dali-dali syang tumakbo.

"Ashley!" pagtawag ko ulit dito pero hindi pa din nya ko pinansin kaya wala na kong nagawa.

Hinubad ko na yung robe ko at nag dive sa tubig para makalapit.

Lumangoy ako palapit sa kanya.

Sumampa ako sa bangka kaya nagulat si Ashley sakin.

"What are you doing in here?" tanong nya sakin.

"Kanina ka pa namin hinahanap"

"Uuwi ako kung kailan ko gusto"

"Nag aalala kaming lahat para sayo. Alam mo ba yun? Tara na! Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa sayo ni Valerin"

"If you're really sorry, then back away from Dwayne"

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now