Pahina 9

56.5K 1.5K 244
                                    

Klaire's POV.

"Tatawagan ko na lang po kayo pag may kailangan ako" sabi ko kila mama at papa.

"Call us, kahit anong oras anak" Mama said.

I nodded.

Niyakap ko silang lahat. Isa-isa.

"Rain, I trust you my daughter, please take a good care of her" sabi ni papa at hinawakan sa balikat si Rain.

"Yes sir. I'll take care of her, I'll take full responsibility of her and ensure she is always safe." sagot naman nito ng nakangiti.

I smiled. He is really a good guy.

"Malaking utang na loob namin sayo ito Rain. Maraming salamat pero yung napag usapan natin, sana ay hindi mo makalimutan at sundin mo" Papa added.

"Ha? Nag usap kayo ni papa?" tanong ko kay Rain.

"Uh? It's nothing. Your father just asked me to be patient with you, he said your quite a headache" sabi ni Rain bago guluhin ang buhok ko.

"What? Papa naman! Mamaya maniwala tong si Rain" sabi ko pero tinawanan lang nila ako.

"We have to get going" Rain said. I nodded.

"Sige na, aalis na po kami at kailangan na naming makarating sa airport. Mag-iingat kayong lahat, you can visit me kapag may time kayo. Mamimiss ko kayo" sabi ko.

"Mag iingat ka doon, always make sure you're warm" Ate Caren reminded me.

"Wag nyo na kong intindihin. Si Rain na ang bahala sakin. Tara na Rain" binuksan na ni Rain ang pintuan ng kotse at sumakay na ko. Binuksan ko ang bintana at kumaway sa kanila.

Ito na talaga, aalis na talaga ako. No turning back anymore!

Magsisimula na ulit ako.

Pinaandar na ng driver namin ang makina. Rain sat down beside me sa likod. He looked at me and then he gave me an encouraging smile.

"Are you ready?" he asked.

"Yes" I answered him.

Para sakin itong gagawin ko kaya dapat kayanin ko. Dapat tanggapin ko na ang lahat.

Nakarating kami sa airport ng maayos.

Binababa at nilalagay na ni Rain sa cart ang mga bagahe namin.

"Klaire Louise Lim!" kilala ko ang sumisigaw ng pangalan ko kaya napangiti akong humarap sa direksyon nila.

Here they come.

Halos tumilapon ako dahil sa pasugod nila akong niyakap.

I just hugged them back pero maya-maya lang ay narinig ko na ang pag-iyak nila.

"Ano ba? Akala ko ba tapos na ang drama kagabi? Wag nyo na kong paiyakin dahil ayokong umalis na pangit" sabi ko sa kanila.

"Bes, mag iingat ka doon" Tessa told me.

"Bibisita-bisitahin ka namin" Haria said hugging me. Humiwalay sya at tiningnan ako.

"Kumain ka sa oras, wag ka ng magpupuyat" Aira sounded like a mom which made me chuckle.

"Kailangan pagbalik mo dito naka move on ka na, sila naman paiyakin mo" pagbibiro ni Cherry, maybe to lighten up the mood.

"Mamimiss ka namin sobra! Kaya Rain ingatan mo tong bestfriend namin" sabi ni Valerin, agad namang syang tinanguan ni Rain.

"O sya' sige na, aalis na kami. Kailangan pa naming mag check in. Kayo din, mag iingat kayo. Mahal na mahal ko kayo, we'll see each other soon" I told them.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon