Pahina 12

57.3K 1.5K 227
                                    

Cherry's POV.

"Are you sure na hindi na kita kailangan pang sunduin or hintayin by? baka kasi hindi ka makapag drive" sabi sakin ng soon to be husband ko.

"Hindi na by, kaya ko na talaga. Tsaka ano ka ba? May kotse naman yung mga kasama ko, baka ma OP ka kasi puro girls kami kasi di naman nila sinama yung mga boyfriend at asawa nila" sabi ko.

"Kilala ko naman lahat sila kahit si Klaire. Classmates naman tayo nung senior year nung high school" sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

"By! Puro kami babae kaya go na" sabi ko sabay piga sa kamay nya. "Bonding time namin"

"What can I do? Basta magtetext ka kung magpapasundo ka. Wag kang mag aalangang magsabi dahil mas mahalaga ka kesa sa trabaho ko. Naiintindihan mo ba?" sabi nya habang sinserong nakangiti.

"Yes by" sabi ko bago ko sya kiniss sa lips at bumaba na ng sasakyan nya.

I waved my goodbye to him. Hinintay ko munang maglaho sa paningin ko ang sasakyan nya bago ako mag decide na pumunta na sa loob.

Nabigla ako sa batok na naramdaman ko bago pa man ako makalakad.

"Malandi ka" sabi ni Haria habang nagtatawanan sila.

"Kitang kita namin yung landian nyo sa loob" Dianne said laughing

"Pati yung kiss mo sa kanya. Malandi ka, akala namin tomboy ka, mas maharot ka pa pala samin" sabi ni Tessa habang tinutusok tusok ako sa tagiliran.

"Tapos di mo pa kami napansin dahil nagde daydreaming ka pa" Love.

"Feeling ko nga naiwan pa yung utak nyan sa sasakyan ni Jhong e" sabi ni Val na akala mo ay carnapper dahil sa patong patong na disguise.

"Ano bang looks yan Val, mapagkamalan ka pang hoodlum nyan hahaha" sabi ni Aira kay Val.

"Wag nyong pakielaman ang suot ko. Tara na sa loob at hintayin natin yung babaeng yun" sabi ko bago maunang lumakad papasok ng airport

Ashley's POV.

Huminga ako ng malalim, bago kumatok sa opisina ng papa ni Dwayne.

Ang ganda ng building nila, totoong pang mayaman talaga pero yung tingin sakin ng mga tao dito ay parang minamata ako, hindi ba nila alam na ako ang future madam dito.

"Come in" isang baritonong boses ang nagpapasok sakin kaya pinihit ko na ang seradura at pumasok sa loob.

Noong una ay akala ko ang papa nya lang ang nasa loob. Ngunit nagulat ako ng makita ko ang mama nya na mukhang hindi komportableng makita ako.

Bukod sa kanilang dalawa ay may may dalawang tao din na mukhang mag asawa rin.

"Have a seat Ashley" utos sakin ni Tito.

Naupo ako sa gitna. Lahat sila ay nakatingin sakin.

"Do you recall the reason why I called you?" sabi ng papa nya.

"Yes of course po, kasi po, gusto nyo po kong makilala?" sagot ko.

"Ikaw?" he laughed a little kaya na confused ako. "I said my future daughter-in-law diba?"

"Opo at ako nga po iyon" sagot ko.

"What? Nag propose na ba sayo ang anak ko?" tanong ng mommy ni Dwayne.

"H-hindi pa po" sagot ko.

"Therefore, hindi ikaw ang future daughter-in-law namin" Tito answered.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now