Pahina 37

45.1K 972 101
                                    

Klaire's POV

Hindi ako mapakali. Kanina pa ko palakad lakad rito sa loob ng bahay. Dapat ko na bang sabihin kay Dwayne? Or should I tell him once my operation is over? Mababaliw na ko kakaisip! Bahala na nga.

Narinig ko ng nagbusina ang kotse niya. He is here na talaga! Moment of truth na.

"Hello, hon" bati ko sa kanya bago ako humalik sa pisngi nya. I gave him a thorough look. "Parang pagod na pagod ka, may nangyari ba sa work?" sunod kong tanong sa kanya but he just stared at me.

"Hey! Hon?" pagtawag ko ulit sa kanya.

"Huh?Sorry! What was that hon?"

"Gutom ka na ata, but don't worry I cooked your favorite kare-kare!" masaya kong sabi sa kanya. "Tara na? Sabay tayong kumain dahil may pag uusapan din naman tayo" hinila ko na sya papunta sa dining table namin.

We're almost done eating pero hindi pa din ako makapagsalita at hindi ko alam pano sisimulan. Naalala ko pa yung sinabi sakin ni Xamy.

"Hon?"

"Hmm?"

"I was just thinking, kailan mo gusto mag ka baby tayo?" I asked him.

Naibuga nya yung iniinom nyang tubig at umubo ng umubo.

"What's wrong? Ayaw mo ba ng topic? That would be fine with me naman, iba na lang ant pag usapan natin" sabi ko as I handed him over a napkin.

"No hon! Okay lang pero siguro hindi pa appropriate time para doon diba? Masyado pa din kasi madaming problema hon" paliwanag nya sakin.

"Oo nga!" I faked a laugh. "Naisip ko lang naman itanong dahil lahat ng kaibigan ko pati si Cherry 4 months na buntis na. I just thought of having kids of our own in here, pero hindi pa ngayon, siguro kapag maayos na ang lahat. Kapag maayos na maayos na tayo" hinawakan ko yung kamay nya at nginitian sya.

Naiintindihan ko sya.

He smiled back at me.

Parang kusang dumaan sa isip ko ang sinabi ni Xamy sakin.

Naalala kong sinabi nya sakin na kapag naging okay na ang heart ko ay doon mas pwede na kong magbuntis medyo maselan nga lang pero kakayanin naman.

I decided na wag ko na din munang sabihin yung tungkol sa sakit ko, siguro one of these days na lang, kapag hindi na sya preoccupied sa mga gawain nya.


Dwayne's POV.

The best talaga ang luto ng misis ko. Alam na alam nya ang paborito ko at ang swerte ko sa kanya.

"Hon, kailan mo gusto mag baby tayo?"

Naibuga ko lahat ng ininom kong tubig at sobrang inubo ako

Why is she suddenly bringing up that topic? Ngayon pa talaga? Not that I want it, of course I want it pero pinoproblema ko nga yung pagbubuntis ni Ashley.

"What's wrong? Ayaw mo ba ng topic? That would be fine with me naman, iba na lang ang pag usapan natin" sabi nya as she handed me over a napkin.

"No hon! Okay lang pero siguro hindi pa appropriate time para doon diba? Masyado pa din kasi madaming problema hon" paliwanag ko sa kanya.

"Oo nga!" she laughed. "Naisip ko lang naman itanong dahil lahat ng kaibigan ko pati si Cherry 4 months na buntis na. I just thought of having kids of our own in here, pero hindi pa ngayon, siguro kapag maayos na ang lahat. Kapag maayos na maayos na tayo" hinawakan nya yung kamay ko at ngumiti sakin.

Nagsisinungaling ako. It's not too early for that dahil ako mismo ay gustong gusto ko ng magkaanak kami at bumuo ng isang pamilya. Gusto ko na makita paano sya maging isang ina sa mga magiging anak namin.

I want her to be the mother of my children. Hindi si Ashley! Si Klaire, mismo! Pero bakit?! Bakit ganito pa ang kailangan kong harapin?!

Ayokong saktan ang asawa ko. Mahal na mahal ko sya. I will break her when she finds out.

I stood up and immediately grabbed my car keys.

"Oh hon? Saan ka punta? Anong oras na ha?"

"May nakalimutan lang akong important document sa office, babalikan ko lang" I gave her a peck and quickly went out of the house.

I drove.

Nasa tapat na ko ng building ng condo ni Ashley at nag park ako sa labas nun.

I dialled her number.

"Ash, nasa baba ako. Please come down here. We need to talk and finish everything" I hang up the phone and waited for her to come down.

Nang makita ko na sya ay lumabas na ko ng kotse.

"A-anong pag uusapan natin, Dwayne?"

"Ash, I'll accept the fact that yang pinagbubuntis mo ay akin"

"Really?! Seryoso ka ba Dwayne?" mababakas mo ang saya sa mukha nya.

"I'll accept that pero alam mong makakagulo ito sa buhay namin ni Klaire kaya please Ashley, just go somewhere far and I will continue to support you both"

Namuo ang luha sa mga mata ni Ashley bago dahan dahan syang lumapit sakin.

Mabilis nya akong sinampal.

"Yang sampal na yan ay nababagay sayo! Anak mo to! Anong klaseng ama ka para ipatapon ang sariling anak mo! Hindi pa nya nakikita ang mundo pero itinataboy mo na sya! Maawa ka naman samin!" umiiyak na si Ashley sa harapan ko.

"Ashley, hindi ko na alam ang gagawin ko! I can't lose Klaire again!"

"Hindi ko kailangan ng pera mo! Ikaw ang kailangan namin ng magiging anak natin! W
Huwag mo kaming pabayaan!"

"Pero hindi ko kayang iwanan ang asawa ko para sa inyo!"

"Ganun ba?! Edi ako ang gagawa ng paraan para mawala sya sa landas namin mag ina!"

"Wag na wag mong sasaktan ang asawa ko! Lumapat lang ang daliri mo o ninuman sa kanya ulit. I won't be able to forgive you, Ashley!"

Nagulat sya sa pagbabanta ko.

"I won't tell her but kahit isang beses lang, pwede bang samahan mo naman ako? Baka pwede sumama ka sa check up and maybe if you hear our baby's heartbeat ay magbago ang isip mo"

"I-I can't"

"Pumunta ka! Nagkakaintindihan ba tayo? You have to come here" sabi nya pa bago tumalikod na sya para pumasok ulit.

I can't get rid of her pero hindi ko kayang sabihin sa asawa kong nakabuntis ako ng ibang babae.

I'm so fcked up.

-----------------
To be continued.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن