Pahina 38

44.5K 1K 73
                                    

Dwayne's POV

The number you dialled is either unattended or out of coverage area please try your call later

"Damn" napamura na lang ako sa inis.

Pang ilang tawag ko na sa kanya and yet unattended sya. Ano na naman bang plano nya? Tatlong araw na syang nawawala. Sarado din ang condo nya.

The last message I received from her is

You don't want us. I know you love her kaya ako na ang gagawa ng paraan. I am aborting our child and let that be on your conscience forever.

Ano bang nasa isip nya, hindi ko naman sinasabing ipalaglag nya yung bata. I am mainly telling her to go away dahil hindi ko alam kung kakayanin ni Klaire kapag nalaman nya lahat.

I sigh. Whatever she will do with the baby that is up to her.

I drove home earlier than usual dahil masyado na din kami nawalan ng quality time ni Klaire.

Pagpasok ko ng bahay ay sobrang dilim kaya pilit kong hinagilap ang switch ng ilaw but as I walked closer to the kitchen, nakita kong may candlelight dinner doon. I was amazed. Ang bango ng amoy ng pagkain.

"Hi hon, happy anniversary!" out of nowhere ay lumabas yung pinakamagandang babae para sakin.

Those beautiful eyes of hers kahit madilim na ay kitang kita mo pa rin ang ganda.

She's wearing a black fitted dress na sobrang bumagay sa kanya.

Wait, anong sabi nya? Anniversary? Nakalimutan ko yun! Damn it! Ang daming nangyari at ang bilis ng panahon!

"Sorry hon, I didn't mean to forget it"

"Hindi, okay lang hon. Alam ko namang busy ka sa work and duties mo"

"Thank you, Klaire"

"Anyway this is my gift for you" nakangiti pa rin sya at masayang inabot ang remote ng TV sakin.

"Ano to hon? Ireregalo mo sakin ang remote ng TV natin? Eh ako bumili nito" natatawa kong sabi sa kanya.

"Just turn it on!"

I opened up the TV and I was so damn shocked to see kung ano ang piniplay nun.

Halos tumulo ang luha ko sa lahat ng mga piniplay nun.

Lahat ng memories namin dati hanggang ngayon including our wedding.

Lahat-lahat bumalik sakin, parang nung unang beses kaming nagkakilala and I realized how jerk I am for letting her go, for breaking her trust and her heart.

"Tama na ang drama, hindi bagay sayo" Klaire said while snapping at me.

Natawa ako sa sinabi nya and I just stared at her.

"Bakit nandito ka pa din?" Tanong ko sa kanya.

She looked at me intently

"Anong ibig mong sabihin? Ayaw mo ba kong nandito?"

"Hindi hon" I held her hand. "Paano mo nagawang magtiis sa tabi ko kahit pa sobra sobra na kitang nasaktan, pinagpalit kita at iniwan-

"Sshh. It's all over now, right? Nasakin ka na ulit at lahat to ginagawa ko kasi mahal na mahal na mahal kita, Dwayne. Kung minahal kita noon, hindi nawala yun, mas mahal pa kita ngayon"

I was speechless, I can't help myself but smile and feel emotional. I can die a thousand times and still not deserve her.

Mabilis ko syang ikinulong sa bisig ko para yakapin.

"Tama ka, it's all over now, Klaire. Panahon na para bumawi ako sayo. Panahon na para iparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal na mahal na mahal kita, hon"

She smiled at me and I held her face to kiss her.

I won't waste this chance. Ayoko na ayoko ng mawala pa ulit si Klaire sakin. We will start all over again.

Aayusin ko na ang lahat.

---------------
TO BE CONTINUED.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon