Pahina 17

53.7K 1.4K 77
                                    

Klaire's POV.

"Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Sakay na!" sigaw ni Dwayne sakin mukhang badtrip sya.

Aba! Aba! Wag nya kong sisimulan, dahil naaasar din ako sa kanya.

"Bakit ako sasakay?! Saan ba tayo pupunta? Alam ko ba?! Kaano-ano ba kita?!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Tumingin sya sa relo nya.

"As of 10:46 p.m. you are my fiancée in case, hindi ka aware" sabi nito.

Napanganga ako.

Oo nga pala, fiancée nya na ko. Sinimangutan ko sya bago pabalagbag akong sumakay sa kotse nya at nag crossed arm.

Tsk matalino talaga ang gunggong.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Magpapahangin muna tayo then we will talk bago kita ihatid sa inyo" sagot naman nya bago sya nag poker face at nag drive na.

Maya maya lang ay naging pamilyar sakin ang lugar. Ito yung favorite place namin nung alam nyo na, nung masasayang araw pa namin together.

Ito yung tambayan namin, at dahil lumabas na sya ng kotse, lumabas na din ako. Takaw pansin kami hindi dahil sa mukha kaming magkasintahan, kundi dahil naka tuxedo sya at naka long gown pa ko. Hayys! What was he thinking mukha kaming tanga. Tsaka ang lamig dito. Sobra kasing mahangin dito and to think of na ganito ang suot ko, kaya wag na kayong magulat if one of these days ay may pulmoya na ko dahil sa napakagaling kong mapapangasawa.

MAPAPANGASAWA! that word hit me. Magpapakasal nga kami. Totoo na nga to.

Nagulat ako ng maramdaman kong may nilalagay sya sakin.

He put his coat on me.

Napangiti ako ng palihim. Ang gentleman nya pa rin pala talaga. That's one of the reason why I fell inlove with him.

"Manong wait! Wait!" sigaw ko sa mamang nagtutulak ng kariton ng fishball, kikiam etc.

"Ha? Bakit po? Nadumihan ko po ba yung gown nyo ma'am?" tanong nito sakin.

Nakita kong ngumiti si Dwayne.

"Hindi po manong! Bibili po ako" sabi ko habang ngiting ngiti. Mas gusto ko to kesa sa pagkain sa party.

Namiss ko to lalo na nung nasa abroad pa ko.

Halatang nagulat si manong

"Ito po ba?" turo nya sa niluluto nya. "S-sigurado po kayo" sabi nito sabay tingin sa kanya from head to toe. "Eh mukha po kayong sosyal ma'am, kakainin nyo po ba?" dagdag nito.

"Oo naman manong! Favorite ko kaya yan" sabi kong dali daling kumuha ng stick at plastic cup.

Ngumiti si nanong, halatang natuwa.

"Napaka simple nyo naman po pala ma'am! Di ko akalaing sa ganda at sosyal nyo pong yan ay kakain kayo ng ganito. Ang swerte po pala ni sir dahil kayo ang girlfriend nya" sabi nito na ang tinutukoy ay si Dwayne.

"Hindi ko po sya girlfriend" sabi ni Dwayne. Medyo na disappoint ako. Oo nga naman, hindi ako ang girlfriend nya, si Ashley.

"Mapapangasawa ko po sya" napalingon ako kay Dwayne ng sabihin nya yun. Nakita kong namumula ang tenga nya kaya lihim namang napangiti ako.

Naku Klaire, umayos ka. Nag move on ka diba? Bakit ang landi mo?

"Ay ganun po ba? Best wishes na lang ma'am and sir. Ano po bang bibilhin nyo?" tanong nito.

"50 pieces kikiam po" excited kong sabi. Sabay silang napatingin sakin nagtataka "Ano ba kayo? Wag nyo kong tingnan ng ganyan. Wala kasing ganito doon sa abroad. Namiss ko sobra, kaya manong 50 po"

Napailing si Dwayne.

"Di ka pa din nagbago, ang takaw mo pa din sa street foods" sabi nya sabay ngiti. Nginitian ko sya ng alanganin. "Manong 10 pisong fishball nga po, tas 10 pirasong squidball" umorder na din sya. Inggitero talaga.

Makapagsabi ng matakaw, pero bibili din pala.

Maya maya nilagay na namin ang inorder namin sa platform na katapat ng dagat. Kain ako ng kain ng kikiam. Namiss ko talaga to.

"Dahan dahan ka, baka mabilaukan ka" sabi nito sakin.

"Pake mo?" pagtataray ko sa kanya.

"Wag mo nga akong tarayan" sabi ni Dwayne at kumain na.

Natahimik muna kaming dalawa at pinanood lang ang pag alon ng dagat.

"Klaire, tutal ikakasal naman tayo ng sapilitan" sabi ni Dwayne.

Medyo nalungkot ako sa salitang sapilitan. Ano bang nangyayari sakin?

Affected much Klaire?

"Pwede bang maging magkaibigan tayo at sundin na lang din natin sila. I don't want to disappoint my parents and I know you don't want that too, kaya magpakasal na tayo at kapag proper time na, let's get annulled" sabi nito.

"Annulled?" tanong ko,

"Oo, para makalaya tayong dalawa. I know ayaw mo rin naman sa marriage na magaganap satin kaya pagbigyan na lang natin sila"

Parang bumigat ang damdamin ko. Tama naman na mag pa-annul kami, para sa Ashley nya. Para magkasama na sila ni Ashley till the end.

What were you thinking Klaire na pumapayag sya dahil mahal ka nya?

Shame on you!

Nababaliw ka na.

"Oo, sige pagbigyan natin sila, Let's do our best to give them a good show" sabi ko.

"Thank you sa cooperation mo ngayon pa lang Klaire" sabi nito.

"Wala yun. We should work together. Isa pa magiging husband and wife tayo kaya kahit papano ay mahalagang maayos tayo. I don't want to fight with you everyday"

"Isa pa Klaire, yung sa kasal natin, pwede bang tayo ang mag hands on nun?" tanong nya.

"Bakit?"

"It is still our first wedding ever. Unang kasal mo, dapat special yun, dapat yung gusto natin. Just like how we planned our wedding nung tayo pa. Alam ko naman na gusto mo din yun?" sabi nya.

Napangiti ako, Would he stop being like this dahil baka mahulog na naman ang puso ko and I might end up picking the broken pieces again.

Tinanguan ko na sya at nginitian.

"Good, so the deal is on. Let's do our best hanggang sa dulo nito" sabi nya sabay offer ng kamay nya.

Nag aalinlangan man ay tinanggap ko iyon.

"Hala! Grabe ka! Nakalahati mo na yang kinakain mo!" gulat nyang sabi sakin.

"Wag mo nga akong pansinin Dwayne!" inirapan ko sya pero napako sa iba ang tingin ko.

"Ano?"

"Patikim ako ng squidball" sabi ko sabay ngiti.

Napailing na lang sya at binigay sakin yung cup ng squidball.

"Ang takaw mo talaga." sabi nito.

"Grabe ka sakin" sabi ko habang hinahampas ang braso nya at nagtatawanan.

"By the way, I'm glad you're back" out of nowhere nyang sabi habang nakatingin sa dagat.

Napangiti ako.

Masaya ako kapag ganito. Sana ganito na lang kami.
Pero hanggang sana na lang yun.

-----
To be continued.

- Noona

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Место, где живут истории. Откройте их для себя