Pahina 19

50.9K 1.3K 32
                                    

Klaire's POV.

"Tikman mo to" sabi ni Dwayne sakin sabay tutok ng tinidor sa bibig ko na naglalaman ng cake. Sinubo ko naman iyon.

"Hmmm masarap! Anong flavor yan?" tanong ko sa kanya.

"Dark Hazelnut"

"Ito tikman mo" sabi ko sabay tutok sa kanya ng tinidor ko.

"Mas masarap to, Ito na lang kaya? Anong flavor yan?" tanong nya sakin.

Actually ito din yung gusto ko, kaso masarap din yung ipinatikim ni Dwayne.

"Vanilla coffee with caramel coating" sabi ko. "Ito na lang ba ang flavor ng wedding cake natin?" tanong ko.

Tumango naman sya.

Nagulat ako nung lumapit sya sakin at hinarap ako sa kanya. Nakita kong pinahid nya yung tissue sa lower lip ko.

"May icing ka pa kulot" sabi nya.

Alam mo yung na stuck ka bigla and you felt your face heating up. Utang na loob, wag kang kiligin self!

Napalingon ako kay Love. Binigyan ako nito ng mapanuksong tingin kaya nagsalita na ko bago pa nya maisip na asarin kami.

"Bes, Ito na yung flavor. Ikaw ng bahala sa design. I trust you" sabi ko trying to hide the freakin kilig.

"Oo na. Ako pa ba? Kayang kaya to" sabi ni Love. tas lumapit ito sa akin at bumulong "Yung puso mo, umiwas sa landian ng di ka masaktan" sabi nito bago bumeso sakin.

"Sige na umalis na kayo. Alam kong madami pa kayong aasikasuhin" tulak nito sa amin palabas ng bakeshop niya "Ingat kayo!" sigaw nito habang pasakay na ko sa sasakyan ni Dwayne.

Kumaway ito sakin pati kay Dwayne.

Sumunod naming pinuntahan ang dalawang wedding planner na kaibigan ko si Merry-Ca Ramirez at si Jane Siquian.

Hinihintay namin sila dito sa isang italian restaurant.

Nang dumating sila ay agad nila akong sinalubong ng yakap.

"Wow Klaire! Ang ganda ganda mo na nga!" bati ni Merry-ca or Meca as we call her.

"Mas maganda ka. Happy newly wed ka. Congratulations sa inyo ng husband mo, sorry di ako naka attend sa kasal nyo" sabi ko.

Umupo kami sa isang table.

"Naku! Okay lang ang ganda naman ng regalo mo" sabi nito.

Natawa ako dito. Pano kasi ang niregalo ko dito ay 10 pirasong lingerie at 10 boxer para sa asawa nito.

"Baliw ka! O ikaw naman Jane? Anong chika sayo?" tanong ko dito.

"Hay naku te! Alam na pa fling fling lang" sagot nito sakin.

"Ever since naman ay ganyan ka na Jane, Makakahanap ka din ng katapat mo" sabi ni Dwayne.

"Wag kang mag alala, Yung boyfriend ko ngayon parang sya na ang katapat ko" Jane said.

Natawa naman kami sa sinabi nya.

"So saan na tayo ngayon?" tanong ko.

Tiningnan nila Meca ang planner nila.

"Check na ang food dahil sila ang hotel na ni Ate Caren ang bahala doon" Jane

"Check na din ang wedding gown at suit nyo, dahil si Aira ang gagawa nun" Meca

"Check na din ang cake nyo dahil si Love naman ang bahala doon" Jane

"Check na din ang bridal car mo which is not a car, dahil sila Tito Luis na bahala doon" Meca

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon