Pahina 31

41.1K 1K 37
                                    

Klaire's POV.

"Dwayne!" sigaw ko. "Malalaglag ako, put me down, please!"

Natataranta na ko! Paano naman kasi, isinampa nya ko sa balikat nya. Ganoon din kasi ginawa ng mga kaibigan ko tapos magtutulukan kami and yung hindi tutumba ay syang panalo!

"Wag kang malikot Klaire! Bahala ka at mahuhulog ka" sabi sakin ni Dwayne.

Kumalma na ko at nagsimula na kaming maglaro sa tubig.

Unang tumumba ang kaibigan kong si Love.

Sumunod naman si Haria tapos si Cherry.

Nagulat ako ng sumampa si Ashley kay Rain at mukhang makikisali sya.Rain was left with no choice but to join.

Hinayaan na lang namin syang sumali kahit halata sa mga kaibigan ko na ayaw nila.

Sumunod na bumagsak ay si Valerin.

At sumunod kami.

Oo! Bumagsak ako at si Ashley ang nagpabagsak sakin.

Bumagsak ako sa tubig at pag angat ko.

"Ouch! Ang hapdi!" napasigaw ako ng maramdaman ko yung hapdi mula sa leeg ko hanggang sa taas ng dibdib ko.

"Hey, what's wrong?!" biglang lumapit sakin si Dwayne at napatingin sa hawak hawak ko.

I look at it and I felt awful dahil may kalmot ako at kitang kita ito.

Kinalmot ako ni Ashley when she pushed me.

"How dare you!" sigaw ni Valerin bago mabilis na tinulak si Ashley "Oh gosh' I missed that!"

"Valerin!" awat ko sa kanya. Alam ko ng nagagalit ito at totoong papatulan si Ashley

"What?! Alam mo bang hindi hinahayaan nila tita na magasgasan ang kuko nyan! Tapos sasaktan mo?! What the heck is your problem?!" Nag angat ng kamay si Valerin.

Pero mabilis itong pinigilan iyon ni Dwayne.

Tiningnan ng masama ni Valerin si Dwayne. bago binawi ang kamay nya at mabilis na umahon.

Maya maya ay nagsipag ahunan na kami dahil obviously nawala sa mood ang lahat.

Habang kumain kami ng merienda ay hindi ko pinapansin si Dwayne. Ayokong makaramdam pero I felt bad nung parang ipagtanggol ni Dwayne si Ashley.

Ako ang asawa nya pero he rescued another woman in front of me.

"Klaire" he called me pero mabilis akong naglakad papunta sa mga kaibigan ko.

Iniiwasan ko talaga sya.

Mga around 4pm ng umakyat ako sa kwarto namin. Magpapalit muna ako ng damit.

Balak ko na mag stroll sa buong island kahit mag isa lang.

Pag akyat ko ng kwarto, pagbukas ko pa lang ng pinto ay kasunod ko ng pumasok si Dwayne.

At nagulat ako ng nilock nya ang pinto. Lalabas sana ako ng hinawakan nya ang braso ko para pigilan ako kaya mabilis akong pumiglas.

"What's wrong with you?! Bakit mo ba ko iniiwasan?" tanong nya sakin in a tone na parang galit.

Nagulat ako kaya napasandal ako sa pader malapit dito sa kama namin pero I managed to gain myself

"What's wrong with me? Why do you care?! All you care is about Ashley! So get out of my way!"

"Ano bang pinagsasabi mo?! Pinigil ko lang si Valerin dahil mas lalaki lang ang gulo kaya umawat ako sa inyo"

"Wow! All you say is lie! Hindi mo ba nakita kung anong ginawa nya sakin?! Sinaktan nya ko! Sinaktan nya ang asawa mo, sa harapan mo mismo and you defended her!"

"Aksidente naman yun, naglalaro tayo! Stop acting like a child Klaire!"

"Hindi ako umaaktong bata! I am matured enough para mapansing na kay Ashley pa din nakapokus yang atensyon mo!"

"What? Sa tingin mo na kay Ashley ang atensyon ko?" kumalma ang boses nya, this time, tinitigan nya ko ng diretso mata.

"Why are you looking at me like that?"

"Cause, you got it wrong"

Bago pa ko makapagsalita ay hinalikan nya na ko. Isang halik na mapag angkin at mapusok.

Why is he kissing me?!

And before I knew it, I'm returning the kiss. Hindi ko alam pero parang dito ko nasasabi. How much I love him.

And the next thing ay nasa kama na kami. He's on top of me, kissing me passionately. Maya maya lang binaba nya na ang halik nya sa leeg ko.

I don't know what is happening to me, dahil para akong kinukuryente. Hindi ko alam. Pero sa bawat pagdampi ng labi nya sa balat ko it makes me feel something new and amazing.

It was as if I was longing for it.

Napapa moan na lang ako kahit pa pigilan ko.

He slowly removed my robe kaya lumantad na yung basa kong swimsuit.

Kanina ay hindi ako nahihiya pero ngayon ay pakiramdam ko sobrang namumula ako.

He claimed my lips again, as if telling me to be comfortable around him.

Dahan dahan nyang inaalis yung pagkakatali ng swim bra ko.

Kinakabahan ako. Am I ready for this? Handa na ba talaga ako?

Siguro OO

Nandito na. Might as well face it dahil mag asawa naman kami.

He's kissing me, habang tinatanggal nya yung swim bra ko and finally naramdaman kong nag loose yun.

I know he's going to take that off and I have nothing against it. Nadadala na din ako. I want my husband.

We were at our peak

Nang biglang may kumatok.

MAY KUMATOK!

"Damn it!" Napahampas si Dwayne sa side table ng kwarto namin.

Tumayo sya, kaya bumangon ako at agad na tinali ulit yung sim bra ko. Mabilis kong sinuot ang robe ko bago tumayo sa gilid nya.

Binuksan na ni Dwayne ang pinto

"What?!" pambungad ni Dwayne sa kumakatok.

"To the highest level naman po ang boses nyo Sir Dwayne, para naman pong na istorbo ko kayo ni ma'am sa pagsa something-something" sabi ni Yaya Ellyza bago ako nginitian ng pilya.

Alam mo yung nag akyatan lahat ng dugo ko sa mukha. Na pin point nya kasi kung ano talaga ang dapat nagawa namin kung hindi sya kumatok.

"Bakit, Ellyza? May problema ba?" mababakas mo pa din ang iritasyon sa boses ni Dwayne.

"Nawawala po kasi si Ashley, ma'am, sir"

What the hell?

"Nasaan sya nagpunta?" I can hear how concern he is and it made me feel awful.

Parang bigla ay nawala ako sa paningin nya.

Si Ashley na naman! I tried to contain myself and look at the more important thing.

She is missing.

----------
To be continued.

- KayeEinstein

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now