Pahina 10

57.9K 1.4K 255
                                    

Third Person's POV.

Ano na nga ba ang nangyari kay payatot at kay kulot at sa iba pang mga tauhan natin makalipas ang limang taon.

Simulan natin kay Dwayne.

"Permission for landing, flight KD0520 from Incheon Airlines landing to Sky Gate Airport. This is pilot Dwayne Elliniel Chua" sabi ni Dwayne sa mikropono at ngumiti sa co-pilot nyang si Julius Magsino.

"Pilipinas na naman tayo dude, makikita mo na ang girlfriend mo" sambit ni Julius sa kanya.

Tama kayo ng iniisip, si Ashley na nga ang girlfriend nya at mag ta-tatlong taon na sila. Isa ng piloto si Dwayne ng airlines ng pamilya nila. The airline is owned by Lim-Chua. Magka-sosyo kasi ang magulang nila  sa halos lahat ng business.

Hinanap nya si Klaire but it is really too late dahil walang kahit sino man ang kinontak nito sa limang taon na lumipas, maybe she talked to her family but they kept it discreet. Dwayne don't know where to find her.

Lubos na ikinagalit ni Dwayne ang katotohanang sumama ito kay Niall. Iniisip nyang ginusto din ni Klaire na iwan sya to be with some other guy kaya tama nga na si Ashley na ang pagtuunan nya ng pansin.

Nahirapan sya sa adjustment dahil maraming katangian si Klaire na wala kay Ashley but soon enough he learned to focus his attention to her dahil sa lahat ng effort na ipinakita nito.

Pinag-iisipan na din nya ang pagyaya ng kasal dito. He is not getting younger, panahon na rin para mag settle down sya.

Hindi naman nya maikakaila na namimiss nya ang dating girlfriend ngunit nananaig ang galit nya dito sa di nito pagbibigay ng chance sa kanya at tuluyang pag iwan at pagtapos sa relationship nilang dalawa.

For him, their relationship is just a sweet memory now. Long done.

Marami ng nagbago kay Dwayne.

Tumangkad ito, di na sya patpatin tulad ng dati dahil nag wo-work out na sya. People adore his face and perfect sculp like body, idagdag mo pa ang abs nito. Lalong lumakas ang sex appeal nito at lalo itong naging gwapo kaya kahit may girlfriend ay habulin pa rin ng babae lalo na at piloto.

Buhay pa rin ang banda nila, Ang THE MAGNIFICENT. Minsan may mga jamming sessions at minimal guesting sila. Busy na rin kasi sa kanya-kanyang buhay.

Minsan naiisip nya rin kung okay lang ba si Klaire, kung naka move on na ba ito at kung naiisip rin ba sya nito? Ngunit sumisiksik sa utak nyang masaya na ito kay Rain at siguro ay kasal na ang dalawa.

Tumungo naman tayo kay Klaire, ano na nga ba ang nangyari sa kanya?

A. Pinakasalan na si Niall.
B. Hindi pa rin nakakapag move on.
C. Nasa outer space?





Ay! Wala pala sa nabanggit.

So ito na si Klaire Louise Lim.

"To all our passengers, I would like to tell you that our plane will be landing in the airport any moment now, so please don't turn any of your gadgets until we land, keep your seatbelts and brace yourself to see the magnificent view that are waiting for you. Thank you for trusting our airline. Hope you had a wonderful trip with us. Again, this is Flight Attendant, Klaire Louise Lim, welcoming you to the paradise"

Yes, she is a stewardess.

Ngunit sa di kilalang airlines sa ibang bansa, masaya na sya at nakapag move on. But in 5 years ay di na muna sya nag boyfriend, sa kadahilanang mas ginusto nyang mag focus sa career nya.

Tama kayo! Kahit si Rain ay stuck sa friendzone, although inamin nya na sa dalaga ang nararamdaman nya.

Sinagot sya nito na mas mabuti kung magiging magkaibigan muna sila dahil hindi pa ito handa.

Ngunit hiniling ni Rain na sana ay hayaan sya ni Klaire na mahalin nya ito kahit walang kapalit, pumayag naman ang huli dahil wala na itong magagawa pa.

Isa ng kilalang chef si Rain. Nakatira sya sa katabing condo unit ni Klaire. Sabay silang kumakain nito kung ito ay nasa bansa.

Masaya naman na si Klaire. Tumira sya sa ibang bansa ng limamg taon. Dito sya nakapag move on at natutong maging independent.

She had to work for herself.

Marami ng nagbago sa kanya except siguro sa buhok nya, kulot pa din sya but not as you think dahil wavy lang naman talaga ang buhok nya. Tumangkad rin ito. Naghi heels na din lagi, she's wearing dress, she applies light make ups kapag nasa trabaho. Humaba na din ang buhok nya na pinakulayan nya ng chestnut brown. Naging mataray na rin sya at natutong protektahan ang sarili. Makikita mong magandang maganda na ito at sexy na talaga. Hindi mo aakalaing minsan syang sinira ng nakaraan nya.

Sa mga kaibigan kaya ni kulot?

May bumalik na dalawa pang mga kaibigan nya na pansamantalang tumira sa ibang bansa kaya medyo di nyo nakilala.

Una ay si Diane na nagulat na sa pagbalik nya ay wala na si Klaire. Isa itong reporter sa isang sikat na istasyon. Meron na din itong asawa ngayon na ang pangalan ay Kenneth.

Ang isa pa ay si Love, may ari ng bakeshop na maraming branch sa buong mundo. She is already married too with a guy named Harvey

Si Valerin ay isa ng sikat na artista. Marami na syang naging box office na pelikula at top rating ang mga teleserye nya. Artista ito sa same network ni Diane. Meron itong nobyo ngayon na nag ngangalang Richmond.

Si Tessa naman ay isa ng teacher sa Walshein High School. Napakagaling nya kaya na award-an sya as teacher of the year. She is already married with a guy named Darwin James at may cute little baby na sila na si Trina which is 2 years old na.

Si Aira naman ay kilala ng fashion designer sa buong mundo, lalo na sa Paris. Sya ang nagdedesign at gumagawa ng mga gown ng mga royal member o mga kilalang tao sa buong mundo. Engaged na sya ngayon sa kapatid ni Rain na si Steven Park.

Si Haria naman ay isa ding stewardess sa Sky Gate Airlines kaya madalas nyang makasama si Dwayne sa iisang eroplano ngunit di naman sila nagpapansinan. Isa na din syang misis dahil napangasawa nito ang long time boyfriend nitong si Revo. May anak na din ito na baby boy na 2 years old na ang pangalan ay Aivo.

Si Cherry naman ay may ari ng bangko na minana nya pa sa magulang nya. Hindi sya natuluyan sa pagiging tomboy dahil 3 years na sila ng boyfriend nito ngayon na si John Harold.

Marami ng nagbago sa kanilang lahat. Paano kung malaman nila na ang landas nila ay malapit ng muling pagtagpu-tagpuin?

Kakayanin ba nilang dalawang magkita at magkasamang ulit?

ABANGAN!

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now