Pahina 16

59.9K 1.4K 190
                                    

Klaire's POV.

"Ang bobo mo, ang bobo mo Klaire Louise" sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Nahampas ko ang lababo ng malakas dahil sa inis sa sarili.

Nung mapatingin ako sa salamin naaalala ko na naman kung pano kami nagtitigan na dalawa. Kung bakit hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kanya habang kinakanta ko yun. Bakit ba ko nagkakaganito? Napasandal ako sa lababo. Frustration is already eating me.

Maybe I dedicated that song to him. Bagay na bagay sa kanya. He betrayed me for another girl. I was left alone.

Maya maya lang ay pumasok yung isang taong gusto kong pagkasyahin sa lata ng NIDO.

Who else would it be? Walang iba, kundi si Ashley.

Sandali kaming nagkatitigan pero una akong umiwas ng tingin. Humarap ako sa lababo at binuksan ang gripo para maghugas ng kamay.

"Bakit bumalik ka pa?" napalingon ako ng magsalita sya. "Bumalik ka para sirain kami?!" sabi nya. Kita ko ang galit sa mga mata nya.

"Wala akong oras para sa kadramahan mo Ashley" sabi ko bago ko sya nilagpasan.

Nagulat ako ng marahas nya kong hilahin sa braso.

"Sumagot ka! Aagawin mo sya diba?!" sabi nito sa akin.

Sorry pero kung dati mahaba ang pasensya ko at mabait ako, ngayon katiting na lang ito at ready akong ma beast mode lalo na sa babaeng to.

"Ako pa? Ako pa talaga ang mang aagaw?!" natawa ako sa kakapalan ng mukha nya "Shame on you! Ang galing mo naman! Sa ating dalawa, ikaw ang mang aagaw, ikaw ang umangkin ng hindi sayo! Remember how you stole my ex boyfriend five years ago? Kung natatakot ka na aagawin ko sayo si Dwayne, hindi kita masisisi dahil sandamakmak na yang insecurities mo sakin" sabi ko bago sya inismiran.

Nagulat sya sa pagsagot ko. Napako naman ang tingin nya sa suot ko.

"Yung suot mong gown ngayon. Yan yung gown na pina reserved ko sa mall! How dare you take it?!" sabi nito sakin.

Nag fake laugh ako.

"Ito ba?" sabi ko sabay turo sa gown ko, "Pasensya na ha? Sa tingin ko mas deserve ko ang gown na to. Hindi lang dahil sa afford na afford ko to kundi dahil" tiningnan ko sya from head to toe. "Mas bagay na bagay sakin to. Don't worry after ng event na to. Ipapa laundry ko to at ipapadala sayo, kawawa ka naman kasi. Mahilig ka pa naman manguha ng hindi sayo" sabi ko bago pinabitaw ang kamay nya sa braso ko.

"Malandi ka talaga! Hinding hindi ka mananalo sakin!" sabi nya.

"Oh really? I bet you don't mean that" sabi ko sabay ngiti. "Kasi kahit anong gawin mo, you'll end up losing Ashley. Hindi na ko tulad ng dati. Watch me take back the things that I lost" dagdag ko bago ko sya kinindatan na mas nakadagdag sa inis nya.

Lumabas na ako ng banyo ng parang nanalo sa lotto.

"Taray, parang grammy award winner lang ang ngiti" nagulat ako sa nagsabi nun. Si Tessa pala at magkakasama lahat ng kaibigan ko.

"Wag mong sabihing maganda ka ngayong gabi. Yung mga titigan nyo" Haria.

"Anong meron sa inyo at nag couple of the night pa kayo?" Aira.

"Nagsubuan pa sila, napaka sweet naman" sabi ni Cherry habang naka crossed arms.

"Wala yun! Hindi sinasadya yun" paliwanag ko. Bakit parang feeling ko kino corner nila ako.

"Di daw sinasadya? Malandi ka bes. Yan ka na naman akala ba namin nakapag move on ka na?" Valerin.

"Oo naman!" confident kong sagot sa kanila.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now