Pahina 30

49K 1.3K 139
                                    

Klaire's POV.

Dumating agad kami sa beach. Meron kaming malaking beach house dito kaya doon na kami dumiretso.

Hindi na ako nagulat na nasa iisang kwarto lang kami ni Dwayne, sanay naman na kaming dalawa.

Maganda yung kwarto namin sa totoo lang pero nakaka bother ang pagkaka ayos nito na para bang ini-expect nilang magha honeymoon kami rito dahil sa dami ng lace sa paligid.

Dahil sa pagod sa biyahe ay nagpahinga lang kami saglit. Nakatulog ako agad dahil sa pagod.

Maya-maya ay ipinatawag na kami dahil nakahanda na yung pananghalian namin.

Nagulat ako ng habang pababa ay sinalubong agad ako ng mama ko at mama ni Dwayne

"Bakit po? Anong problema?" I asked them dahil mukhang bothered sila.

"Nandito kasi sya" my mom answered.

"Po?"

"Hindi namin alam kung pano nyang nalamang nandito tayo" Dwayne's mom added.

"Hindi talaga nya kayang magpatalo ano?"

"Sino po ang tinutukoy nyo?"

"Yung babae ng asawa mo"

"Yung Ashley, nandyan kasi sya hija" Mommy.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Imposible naman. Out of all time naman! Hindi nya pwedeng sirain tong araw na to.

"Sabihin mo lang, Ipapatapon namin sya sa ibang bansa"

"Hindi na po, ayos lang po ako. Hayaan nyo na lang sya, Isa pa, I trust Dwayne naman po" sabi ko habang pilit na ngumiti sa kanila.

Tinapik nila ang balikat ko bago bumaba. Alam kong hindi pa din sila panatag na ayos lang ako.

Pero totoo naman, may tiwala ako kay Dwayne. Tapos na ang relasyon nila. Tapos na sila.

Pababa na ko ng bumukas ang kwarto namin ni Dwayne at lumabas ang asawa ko dito.

"Di ka pa bumababa?" tanong nya.

"Ah oo, hinintay kita, tara na" sabi ko. I offered my hand sa kanya na kinuha naman nya ng masaya.

Pababa kami ng magka holding hands. Saglit na nawala sa isip ko na nandito si Ashley.

Napahinto kami ng matanaw na namin si Ashley at hndi sya nag iisa, Kasama nya si Rain.

Pero mas nagulat ako ng biglang bitawan ni Dwayne ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang sya kay Ashley.

"Ashley" he called her "Why are you here?"

I admit na nasaktan ako ng binitawan nya ang kamay ko. Ayaw nya bang makita ni Ashley na ayos kami? Bakit?

"Coincident lang, nagyaya kasi akong mag beach kasama si Rain. Nandito pala kayo, can we join you?" Ashley said to us while smiling brightly.

"Hindi! No pets allowed here Ashley" Cherry said right away pero nakita ko namang inawat sya ni Jhong.

"Si Rain pwede pa, pero hindi ako mahilig sa higad" Haria said smirking.

"Pwede ka bang mag evaporate na lang?" Aira.

"Talagang ngayon ka pa pumunta? Alam mo ba kung anong meron ngayon? Panira ka talaga!" Tessa.

"If I were you, I would just go" Diane

"Baka may dalang pulgas pa yan" Love added.

"Hayaan nyo na sya girls. Lugar nya to - Dagat, seafood. Bagay kasi hipon sya" Valerin said that straight to her face.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now