Pahina 46

45K 907 18
                                    

Klaire's POV.

Huminga ako ng malalim bago ko clinick ang dial button sa tabi ng pangalan nya. 

"Klaire! Welcome back! I am glad you called"

"Ganoon ba?"  I tried to calm myself down

"How are you?"

"I'm not good, Rain" 

"Hindi ka pa din ba nakaka move on kay Dwayne?"

I faked a laugh. Kung nagsabi lang sya ng totoo, I would even commend him on how good his tagalog na.

"About that, let's talk about that later"

"Ha? Really?"

"Let's meet in an hour. I'll send you the address for the restaurant"

"Alright, see you."

I ended the call bago ko tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Nothing changed much, except that I'm longing for my child, and also my husband.
Hindi ko alam kung nasaan sya, if he even wants to see me.
I reached out to his family and friends but just like me, wala silang ideya
Bigla syang nawala, he cut connections and communications.
He said he have to move on.
Isang taon na ang nakalipas at maaaring nakalimot na sya.
Did he find someone new? May kasama na ba syang iba?
Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib just by thinking about it.
Alam kong nagiging emosyonal na naman ako kaya bago pa mangyari yun ay dumiretso na ko sa banyo para makapaligo.

Nagsuot lang ako ng t-shirt at maong shorts na pinarisan ko na lang ng white rubber shoes.
Dito ako umuwi sa bahay namin ni Dwayne. Ipina repaint at ipina ayos ko ito.
Hindi ko alam kung bakit ko ba ginagawa ito.
Dahil siguro marami kaming good memories dito and I am at peace here in our home.

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at saktong nasa ibabaw nito ang wedding picture namin.
We look so happy kahit pa hindi pa hindi pa kami ganoon kaayos nung kinuhanan ito.

I missed him so bad.
I wish I could tell him, how sorry I am.
How guilty I feel for blaming him for the death of our child.
How I ignored the fact that parehas kaming nawalan ng anak and he is hurting as well.
It is all too late now, umalis na sya.

I sighed to stop my emotion, dumiretso na ako ng labas at nagmaneho.

I was greeted by the restaurant staff as soon as I arrived. One of the waiter guided me to the VIP room.

"They already arrived madam"

"They?"

Bago pa nya ako masagot ay binuksan nya na ang pintuan ng VIP. 

"Xamy" I called my bestfriend's name. "Anong ginagawa mo dito?" 

I am shock, Rain looked at me with a smile on his face. Tumayo si Xamy at niyakap ako.

"OMG! Klaire, ang ganda ganda mo sobra. Bampira ka ba? Bakit parang hindi ka tumatanda? Grabe, alam mo bang miss na miss kita? I literally cancelled an apointment nung nasabi ni Rain na he is about to go out to meet you"

I held her face at mahigpit syang niyakap.

"Sobrang na miss din kita, Xamy at sa tingin ko tamang nandito ka para malaman mo na rin"

Bumitaw sya sakin at tumingin ng diretso.

"Ang ano?"

Instead of answering ay bumaling ako kay Rain.

"How long do you plan to make a fool out of us?!"

"Klaire, teka, ano bang problema?" Xamy asked.

"Klaire-" Rain

"Alam ba ni Xamy yung ginawa mo?!" nagsisimula ng tumaas ang boses ko.

MY EX IS MY HUSBAND (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon