21

48 1 0
                                    

"Shower lang ako," aniya sabay halik niya sa aking pisngi. Nagulat ako at napalingon sa kanya, pinanood siyang pumuntang banyo habang ako ay naiwan sa mahabang sofa rito sa sala. Agad akong umiling upang ibalik ang sarili sa katinuan at nag phone.


Isa-isa kong pinanood ang Instagram stories ng mga kaibigan ko. Si Lexi ay puro Barcelona. Si Gian ay puro plates at art materials. Kay Gabby ay litrato ng shopping basket niya. May kasamang likod pa ng 'di ko kilala ang nahagip sa picture.


Solene look blooming in her pictures. Kay Debby naman ay naka-itim siya na mask at itim na sumbrero, kalahati lamang ng mukha niya ang kita. Puro cupcakes at mga magagandang tanawin naman ang kay Jewel. Iyong iba ay mga cookbook o mga gamit kung saan ay naghahanda siya upang mag-bake.


And Jacqueline, she became quiet these days. I haven't heard of her since last year. Mayamaya'y narinig ko nang tapos na si Joaquin maligo kaya umayos ako agad ng upo. Tumabi siya sa'kin at hinarap ako. Diretso ang kanyang tingin sa'kin habang ako ay umiiwas.



"Uh, handa na ako makinig," panimula ko agad habang nananatiling nakayuko. Napatingin lang ako sa kanya ulit nang hawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry for leaving you so early here and coming home late. We almost didn't see each other because of that," panimula niya rin.

"Where were you exactly?"

Huminga siya ng malalim at mas lalong humigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking kamay. "I'm with my cousin these past weeks and we're looking for someone. They've been missing since the night they left for a business trip."



Nanlaki ang mga mata ko nang magkaroon ako ng ideya kung sino ang mga tinutukoy niya ngunit hindi na muna ako nagsalita. I want him to finish. Nang tignan ko rin siya ng diretso ay saka ko lamang napansin ang namumula niyang mga mata.


"My dad and grandfather are missing. Hindi lang sila ang nawawala at hindi lang kami ni Raven ang naroon at naghahanap. Some bodies of their co-workers were found dead and the others are missing, too."

Agad ko siyang niyakap hanggang sa makaramdam na lang din ako ng luha sa aking balikat. "I'm afraid they won't make it back home..." mahina niyang hikbi. 


"Don't say that! They will! They will be here. Mahahanap ang daddy at lolo mo," I snapped. I know how this feels... Habang naririnig siyang umiiyak ay hindi ko maiwasang maluha rin. "I'm sorry... Hindi ko alam na ganito pala ang nangyayari sa'yo," sabi ko habang humihigpit na rin ang yakap. I felt guilty for thinking that he's out there mingling when I know deep inside me I don't have any rights to complain about it.


Bumitaw kami sa pagkakayakap. I held his face and wiped away his tears with my thumb. "I'm sorry for not telling you right away. Ayaw kitang madamay. I know it'll be dangerous. Ayokong pati ikaw Keira..." Nakasapo na ngayon ang kanyang mga palad sa kanyang noo, patuloy pa ring humihikbi.



"I understand." I forced a smile. "But will you promise me something?"

Binalik niya ang kanyang tingin sa'kin, naghihintay na ng aking sasabihin. "Let me be there for you, like how you've always been there for me. It may sound crazy but..." I laughed a little. "Yeah, just... Let me help you."


Tipid siyang ngumiti at hinawakan ang aking pisngi, hinahaplos gamit ang kanyang hinlalaki. "Okay, I will," aniya kaya napangiti rin ako. Tumayo ako at mas lalong inilapit ang sarili sa kanya. This time I'm the one who'll give him forehead kisses. Hinapit niya rin ako saka niyakap muli. "What would I do without you..." he whispered.


Mayamaya'y unti-unting naglapit ang aming mga labi. Dahan-dahan hanggang sa unti-unti na makaramdam ng pananabik sa isa't-isa. Hindi na kami nagpaligoy-ligoy pa dahil alam naman na namin kung saan kami patungo.

At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now