31

45 2 0
                                    

Keira Monteza

"You did the best you can." Lapit ko kay Joaquin. Parehas na kaming nakatingin ngayon sa kawalan habang dinadama ang maliliit na agos ng dagat sa aming paanan. Pinaalon niya na rin mga bulaklak na hawak niya. "They died in this place and this will be the last time I'll be stepping on it," aniya.







Napatingin ako sa lighthouse. Bantay-sarado iyon. Hindi katulad dati na isang guwardya lang ang naroon. May iilan ding mga nag-iikot, sinisiguradong ligtas ang paligid. Ibinalik ko ang tingin kay Joaquin at nahuli siyang nag-punas ng luha saglit. There's no words coming out from me. I held his hand instead at isinandal ang akinh ulo sa kanyang braso.








"Thank you for being here, Eia," he said, holding my hand back tightly. Napatingin ako muli sa kanya, gulat sa kanyang tinawag sa'kin. Isang espesyal na tao lamang ang tumatawag sa'kin no'n. Walang iba kundi si Mama lang. And that nickname means a lot to me that I don't want other people to call me that. Exception for my friends, of course.








Mrs. Risma calling me that gave me so much of a mother's warmth. And now, Joaquin. Hearing it from him sounds comforting, like a harmony assuring me as long as he's here by my side, I'll be safe...








"That's the least I can do," I replied. Muling natahimik ang paligid naming dalawa hanggang maisipan na naming bumalik sa sasakyan niya. Binalikan ko ng tingin ang lighthouse at napansing may camera na naka-pwesto sa itaas na bintana ro'n. Sumunod ay may dumungaw na babae at mas lalo akong nagulat nang makitang hawig ng kanyang tiyahin iyon.







"Nasa bahay ang tita mo, 'di ba?" tanong ko kay Joaquin, trying not to look like I'm feeling something bad. Tumango naman siya bilang sagot. "And Raven's with her. I told him to keep a keen eye on her," he said. I once again looked back at the lighthouse and the camera and woman were gone already. Para akong namilikmata pero sigurado akong hindi multo 'yon.






"Come have breakfast with us downstairs," yaya sa'kin ni Joaquin nang magising na ako. I woke up seeing the brown and gray colors of his room and it's been a long time since I've been here. "Ang sarap ng tulog mo kanina sa kotse kaya hindi na kita ginising. Buti na lang sanay akong binubuhat ka." Tawa niya.







Double meaning iyon sa'kin kaya nahampas ko siya sa braso. Mas lalo rin siyang natawa. Mukhang parehas kami ng naiisip nang sabihin niya 'yon. Inayos ko na ang aking sarili pero bago bumaba... "Teka, 'di ba nand'yan ang tita mo? Ayos lang ba sa kanyang sumama ako sa hapag?"







Noong unang kita namin, ramdam ko na talagang hindi niya ako gusto. Baka naman hindi ko malunok ang kinakain ko mamaya sa sobrang ilang. "I'm here. Subukan lang niya," ani Joaquin saka kinuha ang kamay ko at sabay na kaming bumaba.







Pagdating sa kusina ay naroon sila ni Raven na naghihintay sa'min. "Goodness, I'm starving to death! Come sit, Keira," sabi nang kanyang tita at itinuro ako na maupo sa tabi niya. Ayaw pa sana akong pauupuin ni Joaquin doon pero tinignan ko siya, senyales na hayaan niya na muna bilang respeto.







Tahimik ang lahat bukod sa tiyahin nilang patuloy akong kinakausap. Kahit na ganoon ay hindi pa rin matanggal ang aking ilang sa kanya. So far, the conversation was good until all of us finished our meals. Si Raven ang nag-presentang magliligpit. Ang tita nila ay nagtungo na sa opisina ng Daddy ni Joaquin, at siya naman ay...







At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now