16

106 8 19
                                    

TW: Suicidal


"One, two, three... Oh my gosh, ang dami..." bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang aking bandang leeg at dibdib. We had a quick sex in my room this morning after his swim. Ako na yata ang paboritong almusalin ni Joaquin. Buti na lang din ay hindi ako nauubusan ng turtleneck. Mukhang di na rin kasi ako mauubusan ng hickey.





"You ready to go, miss?" Knocked Joaquin. Then he put his hands inside his pockets as he leans on the door, waiting for me. Nang makita niya kung ano ang ginagawa ko sa salamin ay natawa siya.



"Sorry 'bout that." Turo niya pa. Umirap lang ako saka sinuot na ang damit ko. Hindi naman ako nagrereklamo kung marami 'yon. Masarap naman. Malapit na nga rin akong maniwala na totoo ang mga bampira. Joaquin is a living proof.



"Don't worry, she's a very nice fashion designer but a little perfectionist, though," ani Joaquin nang ma-ipark na niya ang kanyang sasakyan saka kami tumungo sa isang malaking gusali. May iilang mga truck din ang nakaparada sa labas, mukhang nag-deliver ng mga materyales. Nang makapasok ay sinalubong agad ng puri at bati si Joaquin.




Agad akong lumayo sa kanila para hindi na nila ako mapansin. Marami ring tao ang abala sa kani-kanilang mga gawain. Nang ilibot ko ang ang aking mga mata ay iba't-ibang mga damit, sapatos, bags, at kung ano-ano pa ang mga nakita. Kahit ang isang fashion runway ay hindi nakatakas sa paningin ko. The place was damn big than I imagine.





"'Di ba ang sabi mo, busy siyang tao. Hindi ba natin siya maaabala ngayon?" I'm getting a little anxious as the elevator finally reach the 6th floor of the building.





"This is the day she told me to meet her." He glanced at his watch. "Well, if she's not, her daughter might be around. Baka ang anak niya ang mag-asikaso sa atin kung gano'n."




Matapos ang kaunting paglalakad ay narating na rin namin ang isang pinto. Kumatok si Joaquin doon at isang babae na halos ka-edaran ko lang ang nagbukas. "Good morning, may appointment po ba kayo kay Mrs. Flores? Kayo po ba si Joaquin De Vera?" tanong nito habang may binabasa sa clipboard na hawak niya. Tumango at ngumiti naman si Joaquin sa kanya.






"He's here already, anak?" Rinig namin sa boses mula sa loob. Mayamaya'y pinapasok na rin kami nito. Malapad na ngumiti ang babae sa akin nang magkatinginan kami at ganoon din ako, 'yon nga lang, may kaunting ilang akong nararamdaman.






"Nice to see you again, too, Ninang." Joaquin gave the woman in front of us a hug. Binati niya naman ako nang magtama rin ang tingin namin. Ipinakilala niya na rin ang babae kanina bilang anak niya, si Arabella Flores. Nakikita ko sa kanya si Aggy. Ngunit ang isang 'to ay mukhang mas lamang ng katarayan kaysa sa kanya.





"So, you wanted ballet shoes for the business, huh? What a great idea, my dear!" sabi nito sa akin nang makaupo na kaming tatlo. Iyong anak niya ay nasa mahabang sofa.




"Actually, we're planning a new fashion show inspired by Barbie this year in London. I'll be back there this Christmas. My fellow designers are preparing for that since right after our first meeting about it. And since, ballet shoes, we can add that up in the fashion show! What do you say, Keira?"





I didn't think twice and agreed immediately. It can be a big help to the product, and it'll be one of the ways to market it! Pinag-usapan pa namin ang mga pwedeng idagdag sa shop. Hindi lang ako ang may balak, kundi si Joaquin din. Balak niya ring magdagdag ng mga bago para naman sa mga lalaking costumers. Iilan doon ay kasama sa ballet shoes na balak ko. Balak niya ring palakihan ang lugar kaya may tinawagan kaming architect.






At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now