25

48 1 0
                                    

Wala ngang nangyari pero naging magdamag pa rin kaming gising. Walang nagsasalita sa amin matapos niyang umamin at sobrang nababaliw ako kahit nananahimik lang ako! Siguro dahil sa gulat ay hindi ko mahanap ang tamang salitang sasabihin sa kanya pabalik. Gusto niya 'ko! Gano'n din ako pero ayokong sabihin agad! Malay ko ba, baka mamaya pinagti-tripan niya lang ako! 







Mayamaya'y bumangon ako para kumuha ng wine saglit sa kusina. Pagbalik ko sa kwarto ay takang-taka siya bakit kami mag-iinom. "Sabi nila nagsasabi ng totoo ang tao kapag lasing. Gusto ko malaman kung talaga bang totoo ang sinasabi mo o isa na naman 'to sa trip mo." Pilit kong inaabot sa kanya ang isang wine glass na may laman na. Kinuha niya nga iyon pero tinabi niya lang. 





"Do I sound like I'm lying?"




"Well, what can I say? Boys always lie and you can't just blame me for thinking that way. And if the shoe fits, wear it. " I shrugged before taking a sip. Inubos ko agad ang isang baso at nagsalin ulit. Kaylangan ko 'to para magkaroon ng lakas ng loob. "You like me? Prove it," hamon ko pa. 







Nang mailapag ko na ang aking hawak na wine glass ay saka ko naramdaman ang palad niya sa aking pisngi, kasunod ay ang malambot niyang paghalik. Pumikit ako at sinabayan iyon. I tried making it a little sensual but all I can feel from his lips was gentleness. He wasn't up for any sex kisses but only a passionate one. Its softness was telling he was sincere with his words a little while ago. 







Nang maglayo na ang aming mga labi ay matagal niya akong tinitigan habang hinahaplos ng kanyang hinlalaki ang aking pisngi. "Yes, I can't blame you for thinking boys are trash, but I can be a man and make a difference. I don't need you to return my words back, but I hope you'll let me show you that what I'm feeling towards you isn't just about sex. It's more than that, Keira, and I don't know exactly the words on how to explain what I feel. It's just... It's more than that, you're more than that..."







His words got me frozen for a bit before going back to my senses. "I..." My stares were glued at him and still trying to look for better words to reply. But still, a cat really got my tongue, and those blue eyes were melting me as my heartbeat went fast.






Ngumiti na lamang siya sa'kin at yumakap. "I'm sorry for shocking you like this." He laughed a little. "You can take your time, Keira. I'm not in a hurry to hear I love you's," biro niya dahilan para hampasin ko siya ng malakas sa kanyang dibdib. 







Hindi niya lang naman ako ngayon ginulat, noon pa lang, simula nang maging magkasama kami. So, it's not one-sided after all... I'm scared to let my guard down pero aamin na rin ba kaya ako? 






"Good morning, Senyora Keira! Nagluto na ng almusal ang asawa mo sa baba kaya tara na at mag-aalmusal na tayo!" Gising ko sa pagkalakas-lakas na boses ni Agatha na ngayon ay nakadagan sa'kin. Natulog akong si Joaquin ang katabi ko, paggising ko ay siya na. Ano bang transition 'to? 






Pinabalik ko na siya sa baba upang magawa ko ang aking morning routine. Hindi ako ganoon na nagtatagal sa pag-aayos ng sarili, ngayon lang dahil sa nangyaring aminan kagabi. Nang maalala ko na  naman iyon ay kumuha ako ng unan at doon tumili habang sumisipa-sipa.








"Gusto niya 'ko... Gusto niya talaga ako with matching halik pa. Huy!" Nginudngod ko ulit ang unan sa aking mukha. Natigil lang ako sa aking kilig nang katukin na ako ni Mama para mag-almusal. 








Sinuklay ko na lang ang aking buhok saka nagtungo sa hapag. Tuwang-tuwa ako nang makitang may tempura ro'n. Naabutan ko pa siyang nagtitimpla ng kape naming dalawa habang sina Mama at Aggy ay masaya nang nagchichikahan. "How's your sleep?" tanong ng bago naming chef sa'kin nang makaupo na sa tabi ko. 







At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon