41

47 3 1
                                        

Keira Monteza

Nagising ako nang maramdaman kong parang buhat-buhat ako. Bumungad sa'kin ang mga magagandang ilaw sa daan at malalagong puno. I'm already covered with a big fluffy coat and winter boots are still the same






"Evening," he said. Naramdaman niya sigurong gising na ako. "You fell asleep on the couch. Umuwi na ang iba and I don't want to wake you up so..."






"Thank you," I said in my sleepy voice as I snuggled more on his back.






"We're here," ani Joaquin nang makarating na kami sa tapat ng malaking gate. I went straight to the bedroom and unpacked my things. Mukhang magdamag akong gising nito.





Sumunod akong mag-shower nang matapos si Joaquin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang mailublob ko na ang katawan sa bathtub.





Habang tulala ay hindi mawala sa isip ko kung gaano ako ka-komportable habang buhat niya ako kanina. Bakit pakiramdam ko'y mali iyon? Napailing na lang ako. Masyado na akong pagod para isipin pa ang mga hindi naman ganoong importanteng bagay.






A 15 minute warm bath helped me relax. Nagsuot na ako ng bathrobe at inayos ang buhok bago tuluyang lumabas ng banyo. Whenever I look around the room, it feels like I'm living in a movie. Everything here is just fancy.






"What do you want for dinner? For midnight snacks, perhaps. My treat," salubong sa akin ni Joaquin habang abala siyang nagso-scroll sa phone niya.




"Next ti-"




"My treat." Hindi niya na ako pinatapos. "As part of my gratitude."




Narinig ko na ang pagkalam ng aking sikmura, sinasabing 'wag na 'kong tumanggi. Ang huling kain ko pa ay bago pa magsimula ang fashion show kanina. "Sige, pero 'wag namang mahal ang bilhin mo."





"No worries." Tango niya sabay kuha ng telepono. Tipid na lamang akong ngumiti at nagtungo sa higaan. I started scrolling through my phone and all my social media were filled with our company's fashion week posts.





Sa sobrang trending no'n ay natatabunan na ang mga memes! Masaya ako habang tinitignan iyon ngunit bigla akong nakaramdam ng kaunting kaba nang makita ko na ang mga litrato ni Joaquin.





Rumekta ako sa comment section. Puro pagpupuri iyon sa kanya. Saglit akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib nang may maalala ako. I'm just glad, everything went back to normal. That decision was worth it. Nag-scroll ako muli sa ibang article. Mayroong litrato ng buong empleyado ro'n.





Nakahinga ako ng maayos dahil hindi ako kasama ro'n. Mabuti na 'yon para hindi nila malamang nasa iisang kompanya kami ni Joaquin. Natigil lang ako sa aking ginagawa nang may kumatok na sa kwarto.






"Your delivery's here." Rinig ko sa malambing na boses ni Ate Sel kaya napalingon ako. Nang magtama ang tingin namin ay kumaway ito sa'kin at matamis na ngumiti. "Enjoy the night, lovebirds," hirit niya pa matapos niyang iabot kay Joaquin ang pagkain. Lovebirds... We're more like a cat and dog here.







Inilagay na ni Joaquin ang pagkain sa table tray at umupo sa kabilang dulo ng kama, at dahil hindi na rin naman ako makatulog, I decided to turn on the TV. Saktong may nakapasak ng flashdrive doon at mamimili na lang ako ng papanoorin.







My heart jump in excitement when I saw the Sound of Music movie. Agad ko iyong pinindot. Opening pa lang ay malapad na ang ngiti ko. "Oh... I know that. It was my mom's favorite," ani Joaquin habang abala na ring nanonood.






At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now