17

93 5 19
                                    

WARNING: EXPLICIT SCENES AHEAD (R18+

If you're not comfortable or especially when you're under the age of 18, you can skip this part and scroll to the next chapter. 




Bagsak ang mga balikat ko dahil sa sobrang pagod at bigat ng nararamdaman habang naglalakad na palabas ng campus. Napatigil lang ako nang makita muli si Ashley na pasakay na ngayon sa isang sasakyan.






Nakatali na ngayon ang buhok niya kaya kitang-kita ko rin kung gaano siya kapagod. Napansin ko rin na nakatali na muli ang panyo sa kanyang braso. Hindi niya ako napansin na nakatayo lang malapit sa kanya but I smiled a little as I watched them drive away. 






Saka ko natanaw ang personal na sasakyan ni Joaquin na naghihintay din sa akin. Saktong papalapit na ako sa pwesto niya ay lumabas siya para salubungin ako. "What happened? Are you okay?" nag-aalala niyang tanong habang nakahawak sa magkabilaang balikat ko.







Hindi ko na napigilan muli ang luha. Bumagsak ako sa dibdib niya habang nanginginig sa pag-iyak. "Keira, baby, what's wrong?" Yakap niya ng mahigpit sa akin. Wala akong sagot na maibigay kahit ang dami kong gustong sabihin. Hindi na ako makapagsalita dahil sa pag-iyak at sa paghabol ko sa aking hininga. Basa na rin ang kanyang dibdib. 







"S-sorry..." mahina kong sambit sa aking sarili pero sapat iyon para marinig ni Joaquin. "I'm sorry..."






"What? What for? Keira, what's going on?" Ramdam ko ang pagpalapit niya sa akin upang mas malinawan pa siya sa aking sinasabi. 






"Si Ash... Si Ashley, I'm sorry..." Habang naaalala ko ang mga nangyari kanina ay mas lalo akong nanginginig. Naghahalong gulat, galit, lungkot at takot ang nararamdaman ko para sa kanya. "Come, let's go home first saka mo sabihin sa'kin lahat. You look exhausted, you need to rest." Inakay na ako ni Joaquin papasok ng sasakyan. 







Sinubukan kong umidlip sa byahe namin pauwi. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ako pinapatulog ng aking isip. I felt Joaquin's hands held mine as he drives carefully. Nang mag-traffic ay saka niya ako inabutan ng tubig. "We'll be home soon. You'll be okay." He smiled and caressed my hand with his thumb. Saka niya iyon sinundan ng isang halik sa aking pisngi.






"Drink?" Rinig ko sa boses niya kaya ako napalingon. Abala ako sa pagtingin sa aking repleksyon habang nakalublob ang mga paa sa tubig ng pool. Umupo na rin sa tabi ko si Joaquin saka ko kinuha ang wine na inaabot niya sa'kin. 






"Do you and your best friend fight sometimes?" I started, already looking back at the water. 







"Oh, Liandrei Primo..." Tumango-tango siya. "We started as enemies way back in high school, though. But when I learned that he's close with my Dad, we became friends. Level up, he became my crew chief. Cars are what makes us connected the most."







Tipid akong ngumiti. Well, Ashley and I have a lot. Clubs and bars are our favorites. Ang pinakamalalang koneksyon naman namin ay lalaki. "Minsan na ba kayong nag-away dahil sa iisang babae?" tanong ko muli.







"Lahat na siguro ng away mapagdadaanan namin bukod d'yan. We know limits. Bro code."






"Pero paano kung umabot man nga kayo sa gano'ng sitwasyon? Hindi natin masasabi... Minsan kung sino pa ang pinakamalapit sa'yo ay 'yon pa ang ta-traydor sa'yo."







At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now