19

89 5 9
                                    

I can literally hear my own heartbeat. It's getting louder like the crowds whenever Joaquin finishes a lap. Minsan ay may pumapantay sa kanya sa pagiging lead ngunit agad niya rin iyon nababawi. 




Five laps left for the six racers, including Joaquin, to win. At sa tuwing nalalagpasan siya ay sumasakit ang dibdib ko sa kaba. Mas lalong umingay ang paligid nang makita naming dalawang laps na lang ang kaylangang tapusin ni Joaquin. "Come on... Come on, Steering Wheel, you can do this..." sabi ko sa aking isipan.





[Announcer 1: Wow, the legendary, Number 9, Mr. Clarkson got passed by a rookie again! De Vera is back on the lead once again!]




[Announcer 2: Just like how his car number changed from number 62 to 26, he's indeed the fastest rookie I've ever seen this season. I'm telling you folks, Joaquin De Vera is quite a surprise.]






"Go, Doms! Isang lap na lang!" Raven cheered beside me. Saka ako napatingin sa pit board, isang lap na nga lang at dalawa sila no'ng Clarkson ang nagpapaunahan ngayon. While the other four, including Jayson were getting left behind. I smirk when I saw he was on the last.






Binalik ko muli ang paningin ko sa malaking screen at nakitang isang liko na lang ay makakabalik na ang nauunang dalawang sasakyan. Sa sobrang kaba ko habang nanonood ay hindi ko namamalayang tinatawag na pala ako ni Joaquin mula sa kabilang linya.




[Joaquin: Chief... Keira... I'm almost there.]




"Yes, I can see you, Joaquin." Saktong lumitaw na ang dalawang sasakyan at halos mapunit ang mga labi ko sa sobrang lapad ng ngiti nang makita kong nalagpasan niya na muli si Clarkson.




[Joaquin: I want you to watch closely.]



"I am watching closely. Why?" Napakunot ang noo ko.




[Joaquin: This is for you, Keira Denise.] Mayamaya'y unti-unti ko nang naririnig ang papalapit niyang sasakyan sa gawi namin. At sa isang iglap, my hair got blown by the wind when his car passed me to reach the end of the line. Sa wakas, narating niya rin ang dulo.





[Announcer 2: And that was a very close one between a legend and a rookie! This was the third time a rookie won the racing cup!] Rinig naming sabi ng taga-anunsyo.




Agad na yumakap sa'kin ang manager niya nang siya ang naunang nakatapos ng karera sa kanilang dalawa ni Number 9. Raven celebrated with our other crew members as well. Naghahalong ingay ng madla at ng mga sasakyan ang mga naririnig ko.





May mga nakita rin akong Pinoy fans niyang iniwagayway ang kanilang mga maliliit na watawat ng Pilipinas. Right, he represents the Philippines while Clarkson represents Spain. Mayamaya'y kinuha ng manager ni Joaquin ang headset at radio ko. "Go, salubungin mo na ang boyfriend mo," aniya at matamis na ngumiti sa'kin.






Kinuha ko ang maliit na paperbag na pinahawak ko saglit kay Raven at dali-dali akong tumakbo kung nasaan si Joaquin. Nang makita na namin ang isa't-isa'y agad akong yumakap sa kanya ng mahigpit. He stood there and waited to welcome me in his arms. He turned me around a little before giving me a kiss on my forehead.






"Ang galing-galing mo!" puri ko habang kinukurot ang kanyang mga pisngi. Kulang na nga lang din ay lamutakin ko siya sa sobrang pagka-proud. "I couldn't done it without you," he replied.






At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now