1

226 13 58
                                    

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang mahimasmasan na ako ulit.




"I already told you seconds ago. Now, what are you doing here in the middle of the night?"



"Ako ang naunang nagtanong."



"You're not listening. I just answered your question, Ma'am. I told you I got worried. I saw you walking down the streets, crying. Kung hindi kita binusinahan kanina ay tuloy-tuloy ka pa rin sa paglakad mo. Kung hindi ako 'yong nakakita, malamang nasa ospital ka na ngayon."



Napakunot ang noo ko nang maalala ang nangyari kanina. "That was you?" Ang liit nga naman talaga ng mundo. I didn't even recognize his car. Ngayon na lang din kami nagkita nito. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang impression kong napakayabang niya. Pakialam ko kung nag-alala siya sa'kin? Ayaw ko pa rin sa kanya.




"Uh-huh."




"Then, what are you doing in the middle of the night, too? This isn't your type of place to go to," masungit kong sambit.



"I was about to pick up my cousin at a party. Because I believe he was drunk as hell right now."




"You should be there already."




"You will come with me. I can't leave you here."



"Kaya ko ang sarili ko."



"Kaya pala muntik ka nang mabangga kanina."



"Kaya ko nga ang sarili ko. Umalis ka na."



"Kenzo was right. You're stubborn."



"At hindi kita kuya para sundin ko."




"Okay." He shrugged. Umiwas na ako ng tingin at ibinaling ang atensyon sa kalangitan. Napalingon lang ako ulit kay Joaquin nang marinig ko ang pagtunog ng mga gulong ng maleta ko dahil hila-hila niya na papuntang sasakyan niya.




"Hoy! Ibalik mo 'yan sa'kin!"




"Kunin mo rito!" Nilakasan niya ang boses niya dahil medyo malayo na siya sa'kin. Wala na akong nagawa at padabog nang naglakad patungo sa kanya. "Akin na." Inilahad ko ang kamay ko. Imbis na ibigay sa'kin ang maleta ay mahina niya akong hinila at isinakay sa shotgun seat sabay sara ng pinto. He even locked me inside! Unbelievable!




Nakita ko ring inilagay niya na sa likod ng sasakyan niya ang gamit ko. Pagkatapos ay umupo na rin siya sa driver's seat. "I may not be your brother pero hindi uubra sa'kin 'yang katigasan ng ulo mo." Mahina niyang pinitik ang noo ko.




"This is kidnapping!"




"Really?" he said sarcastically. "Your brothers are my boss, then. They told me to look after you, though." Sinimulan na niyang mag-drive.





"They what?" Takang-taka akong lumingon sa kanya ulit. Pero imbis na pansinin ako ay inuna niyang sagutin ang tawag sa phone niya. "She's with me. Don't worry," aniya. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Kuya Kenzo sa kabilang linya. Wow, what are they up to? Nagtawanan pa sila pero hindi ko na pinansin hanggang sa ibaba na lang nila ang tawag.






"Your brothers won't be home 'til next week. Business thing. They will visit you when they get back. That's what they told me. Hindi ka rin daw nagpaalam ngayon na gagabihin ka."






"Paano mo nalaman kung saan ako pupuntahan kanina? You were heading to the resort." Fuck that place.




"I saw it on your Instagram story hours ago."






At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon