7

150 12 65
                                    

I woke up around 3 a.m. with a warm blanket around me. Nakaayos ako sa pagkakahiga. Nang lingunin ko ang gilid ko ay wala na siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano kami nakatulog kagabi. Ang naalala ko lang ay hindi na niya ako pinaalis sa pagkakayakap niya at nilaro niya ang buhok ko hanggang sa tuluyan na akong pumikit.




Bumangon ako at bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Tinignan ko rin ang buong sarili ko sa glass door at wala akong nakitang kahit anong kahina-hinala sa katawan ko. He didn't touch me, then? Habang inaayos ko ang buhok ko ay saka ko siya napansin sa pool area.




Ibinaba ko ang basong hawak at nilapitan siya. Saka ko lang din napansin na may mga maliliit na usok sa paligid. "You're up early?" aniya nang maramdaman ang presensya ko sa tabi niya. "You smoke early," sabi ko naman habang pinagmamasdan siyang gumawa ng mga maliliit na bilog sa mga usok na 'yon.






"Breakfast mo ba 'yan?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko kaya nagsalita ako ulit. Natawa lang siya at humipak muli sa kanyang vape. "Just tell me if you don't like me smoking. I'll stop."





I don't know if I want him to stop because I'm enjoying the sweet smell of chocolate but at the same time, I'm worried. He was drunk for two nights and now he's smoking like he wanted his lungs to die already. Naging ganito si Kuya Kenzo noon dahil sa isang tao. Maaring parehas sila ng dahilan, hindi malabo. Pero sino rin ba ako para pigilan siya sa mga ginagawa niya?






"Kung may problema ka, ako rin," gago kong sambit ulit habang nakatingin lang sa pool. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na handa naman ako makinig dahil alam niyang ayaw ko sa kanya. Alam ko ring hindi bagay sa pagkatao ko ang maging sweet. Pero ewan, alam ko rin kasi ang pakiramdam na walang malapitan minsan.






Narinig ko siyang natawa ulit. "We all have, Keira." Humipak siya ulit.





"So, mayroon ka nga ngayon?"





"Akin na lang 'yon."





"Hm, makasarili." Hindi niya na ako sinagot dahil nalipat na ang atensyon niya sa phone niya. May tumatawag sa kanya pero pinatayan niya iyon. "Huy, baka importante 'yon!" Nagulat ako sa ginawa niya.





"It's just the press calling, Keira. It's not that important." Umupo na siya sa lounger. Sa katabing lamesa no'n ay may whiskey na naman. Sisimulan na sana niyang salinan ang wine glass nang agad ko siyang pinigilan. "Kung may problema ka, magsabi ka. Hindi alak ang solusyon sa lahat ng 'yan. You can talk to me."






"Wow, I didn't know you have a soft side, Keira Denise. Maldita ka kasi palagi."





"Maldita ako pero may puso pa rin naman ako, 'no!" Umayos ako ng upo at hinayaang huminahon ang sarili. "Besides, I know how it feels." People really do view me as someone who's feisty. I fight when I have to, when I need to. But that's it. At the end of the day, I still cry and I get scared like a normal person.

At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now