45

85 3 4
                                        

The news is already out around the world. Maraming naghahanap sa'kin matapos ang hearing dahil gusto nila akong interviewhin. Wala akong pinagbigyan ni isa sa kanila. Naglilipat ako ng channel pero halos pare-parehas din naman ng laman kaya pinatay ko na lang ang TV.




Just right after I washed my dishes, someone rang the doorbell. Nagmadali akong pagbuksan 'yon dahil sunod-sunod na ang tunog, baka emergency. "Sorry may ginagawa la-LEXI!" Gulat akong makita siya at walang alinlangang yumakap agad, mahigpit na mahigpit.





"Akala ko ayaw mo pa buksan, sisipain ko na sana, eh." Tawa niya. Pinatuloy ko na siya sa loob at mabuti na lang ay wala akong gagawin, maliban sa pagpunta ng ospital mamaya.




"I'm glad you're okay. We saw everything on the news. You're so brave..."



"So are you."



"How's Joaquin by the way?"



Tipid na lamang akong ngumiti. "Still keeping my hopes up."




"I know how it feels..." Tapik niya sa aking balikat. "He'll be okay." Isinandal niya ang aking ulo sa kanyang balikat habang pinagmamasdan ang repleksyon namin sa babasagin na lamesa. Upang alisin ang mabigat na nararamdaman ay tinawagan namin ang iba.





[Jewel: Keira! Ate Lexi! Mabuti na lang at tapos na ang duty ko!] Malapad ang ngiti namin nang mauna niyang buksan ang camera.




[Debby: Salamat sa Diyos at buhay pa kayong dalawa.]



[Solene: Miss ko na kayo!]



"Hi, baby Sollie!" Kaway ni Ate Lexi.



[Gian: Wow! Humihinga pa pala ang mga are!]




"Oo, buti nga ikaw rin," sagot ko.




[Jaja: Hoy! Kamusta ang Pilipinas?

Gabby: Hi, Keira! Hi, Ate Lexi!]




Aba, parehas na silang nasa ibang bansa ngayon! Debby, Jewel, and Solene are wearing their uniforms. Gianna has paint stains on her face and has a lot of canvas behind her, and Jacqueline and Gabrielle are still pursuing their dreams and they absolutely reach so far now. Nakakaproud!




Ang gulo-gulo ng video call namin. May naglalaro ng filter, may nagla-lag, may pawala-wala, at may isang tulog na, pero naging sulit ang dalawa't kalahating oras sa pag-catch up sa buhay ng isa't-isa.





Dalawa lang din kami ni Lexi ang narito ngayon pero sa ingay namin ay parang may siyam na taong nakatira rito sa bahay. Nang isa-isa nang nag-off ng tawag ay saka ko na inayos ang sarili ko sa pagpunta ng ospital.






Sinamahan ako ni Lexi mamili ng kaunting prutas at pagkain para kay Joaquin. Maging sa pagbantay ay kasama ko rin siya. Ngunit hindi siya pwedeng magtagal doon dahil may importanteng lakad pa siya. Mabuti't dumating agad si Aggy. Kahit papaano ay hindi ako nag-iisa.




"Keira, I need to go to work na. It's already time. Will you be okay, here?" paalam sa'kin ni Agatha. Balik na siya sa pagiging CEO ulit matapos namin maging Detective Conan no'ng mga nakaraan.




Tumango ako. "I won't be alone here. Pupunta rin ang pinsan niya pagkatapos ng duty."




"Good to hear." Yakap nito sa'kin. "You know what to do after I leave. When something goes wrong..."



At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now