9

146 10 58
                                    

Nagising ako mula sa balikat ni Joaquin at nadatnan na mayroon ng mga bituin sa taas. Nakatulugan ko pala ang sobrang pagod ng mata ko kaiiyak. "Good evening. How's the little boss curls' sleep? " Rinig ko sa boses ng katabi ko kaya napalingon ako.








"I'm starving." Hindi lang pala nakakapagod umiyak, nakakagutom din. Humikab ako bago tumayo para umunat. Ganoon din ang ginawa niya at nauna siyang bumaba ng ilang hakbang. "What do you like for dinner, then?" tanong nito kasabay ang wala sa sarili kong pagpulupot ng mga kamay sa kanyang leeg at ang paghawak niya sa aking baywang upang buhatin ako pababa.







Napatingin ako ng diretso sa kanya ng ilang sandali, gulat dahil sa ginawa ng aking kalutangan. Ganoon din siya. Hindi ko tuloy malaman kung sino talaga sa amin ang mas wala sa sarili. Nahimasmasan ako agad sa ginawa ko nang makatapak na ako sa mga damuhan, handa nang mag-martsa papunta sa kotse niya.








"K-kahit ano." Agad akong umalis sa pagkakahawak niya. Hindi ako ang may-ari pero mas nauna ako sa sasakyan. Bahala na, basta maialis ko ang sarili ko sa kahihiyan na 'yon. Nang makaupo sa shotgun seat ay hinawakan ko ang aking pisngi and it was flaming hot! I can feel that I'm fucking blushing! What the fuck is this, Keira?!







Umayos ako ng upo nang sumunod na rin siya. "Sigurado na ba 'yan? Hindi na ba magbabago ang isip mo? Girls have a lot of choices in their heads," aniya habang inaayos ang seatbelt sa kanya. "Kahit ano nga. Sagot mo naman, eh. Kung anong kaya mo, sugar daddy," I replied, obviously joking around.









Napatigil siya saglit at nilingon ako. He looked at me with disbelief but it didn't last long and it turned it into a smirk. "Okay, then. Whatever my sugar baby wants," and he teased back. Minsan talaga hindi ko maiwasang maisip na nakahanap na ako ng katapat ko sa mga ganitong bagay.








Hindi nagtagal ang byahe namin kakahanap ng makakainan. Nang may madaanan kaming restaurant ay agad kaming tumigil doon. Isang makaluma ngunit elegante ang aming nadatnan nang makapasok na kami sa loob. Naupo kami malapit sa may fountain. The place was also filled with beautiful music — the melody of the violin, saxophone, and piano all together.









Inabutan na kami ng menu ng isang waiter. Filipino and spanish foods made me drool already even by just looking at it. Nang ilipat ko ang pahina ay mga chinese at american foods naman ang mga nakalista. Sa sobrang sarap sa paningin ko ay hindi ko alam kung ano ang gusto kong kainin kaya si Joaquin na lang ang pinapili ko.









"Tambay ka rin dito, 'no? Siguro kung wala ka sa Diner's ay dito ka naman. Iba talaga kapag mayayaman, mamahalin din ang mga tambayan," sabi ko habang nakatingin sa kanya. Kung museum lang talaga ang bahay nila ay magandang itabi 'yon sa restaurant na 'to. At kung milyonaryo lang din ako ay palagi akong mamamasyal dito!








I kinda like vintage things. It's very sentimental at talaga namang aalagaan mo. I'm also invested in history. Hindi man ako magaling doon pero isa 'yon sa mga interes ko. I like learning about things from the past. Kung papipiliin ako ni Mrs. Risma kung kwento ba ng mga Disney princesses o kwento ni Dr. Jose Rizal, mas pipiliin ko ang kwento ni Dr. Jose Rizal.








At higit sa lahat, gusto ko ang ideya ng pagmamahal noon. Mahirap man pero alam mong totoo. Men during that time treat women like gem. But men now treat women according to their body counts and how much a woman can give. Modern love sucks!










At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now