26

41 1 0
                                    

"Are you sure they're not gonna find it here?" I asked Agatha after I buried the notebook six feet underground like a corpse.





"No one comes here except me. I usually go to this place when I need some air and a little space." She sat down on one of the big rocks. Isinandal ko muna saglit ang pala na hawak ko sa malaking puno saka ako naupo sa tabi niya.




"Why does nobody come here?" Sinamahan ko na siyang pagmasdan ang pag-sikat ng araw.




"Mayroon akong kaklase noon na palagi akong binubully. He found out about this place at saktong narito rin ako, nakatambay. At dahil binubully nga niya ako, ayoko siyang patapakin sa lugar na 'to kaya naisipan kong gumanti. Tinakot ko lang naman siyang may nagpaparamdam na kaluluwa rito at ayaw no'n sa mga lalaki. Nagkunyari pa akong may kinakausap no'n para maniwala siyang totoo ang sinasabi ko. Naging effective naman, ayon, tumakbo siya at pinagkalat niyang witch ako."




Nag-tawanan kami. Nang lumiwanag na ang buong paligid, tumayo si Aggy at may itinuro sa'kin. Pag-angat ko ng tingin sa puno ay mayroong bunga ng mangga ro'n. Walang pasabi ay bigla iyon inakyat ni Aggy. Pumitas siya ng isa at inihagis sa'kin.





"'Di lang ako witch, Ma'am Keira, unggoy din." Malakas siyang tumawa nang maupo na siya sa isang sanga. Mayamaya'y may pinitas siya na bunga malapit lang sa kanya at inihagis ulit sa'kin. Kumuha pa siya ng lima at pagkatapos ay niyaya niya ako sa kanila upang mag-almusal.




Agatha's family welcomed me like how my family welcomed her. Naging kasundo ko agad ang babae niyang kapatid. Ang mama niya naman ay sobrang maasikaso, ang papa niya ay palabiro. Halos hindi na nga rin nila ako paalisin kanina at gusto pa akong doon na lang kumain ng tanghalian.




It was a pleasure but I need to go home. I'm sure mom cooked for the both of us, too. Nang matanaw ko na ang school namin ay alam ko ng malapit na ako sa'min. Madalas kong madaanan ang café na tambayan namin ni Aggy. Sa tapat naman no'n ay may mamahaling restaurant, tatawirin mo lang.






I stopped at the café to buy myself the usual para may meryenda ako mamaya habang gumagawa ng homework. Walang pila kaya hindi ako natagalan at nagpatuloy na ulit. At dahil may katapat nga itong restaurant, nang makalabas ako sa café, may natanaw akong pamilyar na mukha.





Inobserbahan ko pa kung si Joaquin nga ba talaga ang lalaking nandoon. Naglakad pa ako ng kaunti hanggang sa maging malinaw na sa aking paningin lahat. It was him, alright. Mayroon siyang kausap na babae na mukhang halos ka-edad niya lang.



Isa pa nga lang ang nakita kong kasama niya ay bigla nang uminit ang ulo ko. Dinagdagan pa ng isa na kararating lang at tumabi pa sa kanya. The other one's very touchy towards him. They even looked like they're on a freaking date! A date with two women?! Wow! "Karerista nga naman..." Naningkit ang mga mata ko at mas lalong umusok ang ilong ko nang makita ko siyang nakikipagtawanan din.






Iritado akong umuwi nang bahay matapos no'n. Si Mama ay naliligo pa kaya nag-phone muna ako. I checked my messages the moment I sat in front of the dining table. There's nothing from him, not even a dot. Ako pa ang last chat. Pumunta akong Instagram at viniew ang story niya. Kasama niya ang dalawang babae sa picture tapos may 'thank you' na caption.





Ano 'yon? Thank you for giving me two pretty dates? Parang kakaamin niya lang sa'kin no'ng isang gabi! "Anak, baka mabasag na ang screen ng phone sa sobrang talim ng tingin mo." Rinig ko sa tawa ni Mama na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala.





At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant