10

128 10 44
                                    

Nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko nang bigla akong may naramdaman na brasong pumulupot sa bewang ko. Agad akong napabalikwas at muntik nang makasapak nang makita ko kung sino ito. "Tangina mo! May kasalanan ka pa sa'kin!" Agad na sinugod ng aking mga palad ang leeg ni Gianna nang makabangon din ito. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito!" Yugyog ko.







"Oh, bakit kasalanan ko pa? Dapat nga magpasalamat ka, eh!" Hinahampas niya na ngayon ang aking palapulsuhan. I wasn't really choking her, though. I was just holding her neck.






"Nagpapasalamat ako sa parteng 'yan! Pero hindi mo man lang ako sinabihan na magiging boss ko pala ang taong kinaiinisan ko! Hindi kita kayang patawarin don!" Yugyog ko ulit nang malakas saka ko siya binitawan.







Naubo siya saglit habang hawak-hawak ang kanyang leeg. "Hindi naman ako nasabihan ni Joaquin na sakalan pala almusal dito sainyo."




"Ano ba kasing ginagawa mo rito?"




"Katatapos ko lang mag-enroll para sa ngayong sem. Ayaw ko pang umuwi. Si Solene hindi ko na muna mayayaya ngayon." Bored siyang bumangon at tinulungan akong ligpitin ang higaan.






"Himala yata 'yan?"





She laughed nervously. "May h-himala talaga," mahina niyang sambit pero sapat na para marinig ko. Hindi ko iyon pinansin kaya nagtanong na lang ako ulit. "Kamusta na pala si Sol? Hindi na masyadong lumalapag sa group chat natin 'yon, ah? Ayos lang ba siya?"






"Oo naman! Nako, hindi ka pa nasanay sa ghosting phase no'n. Simula high school naman tayo biglang nawawala 'yan tapos magpaparamdam ulit na parang walang nangyari."






"I don't know. It's just... Parang sobrang tagal naman yata ngayon? It's unusual for me. Mostly three weeks lang ang self-isolation niya. Ngayon, parang pa-dalawang buwan na. Sure ka ayos lang siya, ah?"







"Ano ka ba, magsasabi naman 'yon kung hindi. Alam mo namang dolphin 'yon si Solene, eh. Antayin na lang natin lumitaw ulit."






Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi niya. Sabagay ay totoo namang ganoon nga ang kaibigan namin. Hindi ko lang maiwasan mag-alala ngayon at dahil tungkol sa kanya ang panaginip ko kanina at buti na lang ay nagising ako dahil mukhang hindi rin maganda ang susunod na mangyayari.




Pagkatapos sumaglit ni Gianna dito ay dumiretso ako sa garahe kung nasaan si Joaquin. He was there busy wiping the front window of his car. Napansin niya ako agad at halos mapunit ang kanyang labi nang makita niya ako. "Finally, you're up. I need your help," aniya.






"Saan naman?" Humalukipkip ako at sumandal sa puno na nasa tabi ko lang. "We will give Lykan a make-over," sagot niya saka itinabi ang mga panglinis. "Lykan? Who's Lykan?" Napataas ang kilay ko at hindi ko malaman kung bakit may naramdaman akong inis pagkatapos niyang magbanggit ng pangalan.






Humarap ito sa'kin muli at tinapik-tapik ang ibabaw ng kotse niya. "You've been here for a month already yet you still don't know my baby." Napailing-iling ito.







"What the heck do you even mean?" Mas lalong kumunot ang noo ko. "May ibang babae pa rito bukod sa'kin at hindi ko man lang alam?"

At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now