22

54 1 0
                                    

Matamlay kong ibinagsak ang sarili sa kama pagkatapos kong maligo. Phone agad ang una kong inabot upang libangin ang aking sarili. Saka bumungad sa'kin ang sandumakmak na notifications galing sa mga kakilala ko at lahat iyon ay tungkol sa laban kanina.





To sum it all up, all of them are proud of me. Naluluha ako habang binabasa lahat ng mga mensahe nila sa'kin, mula Facebook hanggang Twitter. Abala pa ako sa pagso-scroll sa lahat ng iyon nang biglang lumitaw ang number ni Joaquin sa screen. Hanggang ngayon wala pa rin siyang contact name sa'kin.


From: 09*********
Wear red

Let's have dinner by the pool :)

pls wear red


Parang bata na nagmamakaawa, amputek. Bumangon ako upang silipin siya sa pool area. Naabutan ko siyang nag-aayos ng maliit na lamesa sa pagitan ng dalawang pool lounger. Napangiti ako ng makitang pinipitas niya ang petals ng mga rosas at ikinalat sa lamesa.




Nang simulan niya nang maglagay ng dalawang wine glass ay saka ako bumalik sa loob ng kwarto upang mag-ayos. Sinuot ko ang aking red puffy crop top at ripped shorts. Kaunting makeup lang at nang maisuot ko na ang aking tsinelas ay saka ako nagtungo sa pool area.





He's almost done preparing our dinner. Nang malingon niya ang gawi ko ay malapad siyang ngumiti sa'kin kaya ganoon din ako. He welcomed me in his arms as I walked towards him. "Congratulations," aniya.




"Huh?" Kumalas ako sa yakap niya. "But I didn't win..."




"Panalo ka sa'kin lagi, Keira."




"Huy, 'wag kang ganyan. Baka lumaki ulo ko." Tawa ko saka ako naupo sa lounger. I'm already in front of the rose petals. May dalawang wine na rin at may dalawang plato ng carbonara. "Anong mayroon?"





Imbis na sagutin ang tanong ko ay inabutan niya 'ko ng bouquet. Puro pulang rosas na may halong maliliit na Lily of the Valley. Napukaw din ng isang litrato ang aking atensyon. It was a polaroid of me, a back stolen shot of me wearing my taekwondo uniform. Naghahanda ako no'n para sa Palarong Pambansa. Mas lalong lumapad ang aking ngiti nang mabasa pa ang nakasulat sa litratong iyon.

"fave athlete ♡"
       i'm proud of u



"Thank you, Joaquin..." Balik ko ng atensyon sa kanya. Malapad lang din siyang ngumiti. Itinupi niya rin muna ang magkabilang dulo ng suot na pulang long sleeves bago magsalin ng wine sa baso namin. Ang gwapo niya ro'n. Parang anytime hahalikan ko siya dahil sa ginawa niya at kagwapuhan niya.




"Dinner kita," aniya at inaalok sa'kin ang pasta.



"Mamaya mo na 'ko gawing dinner."


"Ha?"


"Ha?" Panggagaya ko. Hindi naman siya bingi at sure akong alam niya ang ibig sabihin ko. 




"Dinner tayo kako." Tumawa siya. "Gano'n sa bicol," paglilinaw niya pa. Medyo natameme ako saglit dahil napunta agad sa ibang dimensyon ang utak ko kanina sa sinabi niya. Tangina nito, pwede namang "let's eat dinner" na lang ang sabihin.




"Taga Bicol ka?" Patay malisya ko na lang sa kahihiyan ko.




"My mom was. She grew up there. At 'yong pinsan ko rin."




"Oh, saan banda ang pinsan mo sa Bicol? Baka magkapitbahay lang sila ng kaibigan kong taga Bicol din."




"Naga, Camarines Sur," he sounded proudly. At hindi nga ako nagkamali. Taga ro'n din nga ang kaibigan kong food machine. "Baka meant to be sila ng pinsan ko."




At The End Of The String (Insomniacs Series 2)Where stories live. Discover now